00:00Bakaigan ngayong bagong taon, lahat naman tayo, wish a good health, no?
00:04At makaiwas sa sakit.
00:06Pero paano kung na-ospital ka at para makabayad,
00:09baka kailan mo ba ng guarantee letter?
00:11Ayun nga, mainit na uusapan ngayon yan dahil sa naging pahayag
00:15ni DOH Secretary Ted Herbosa na hindi na kailangan yan.
00:19Marami kasi sa mga kababayan natin, hindi daw ganyan ang nararanasan.
00:23At para linawi na yan, yan ang ating tatalakayan dito sa
00:26Issue ng Bayan!
00:28Makasama po natin ngayong umaga, DOH Assistant Secretary Albert Domingo.
00:32Aseg, good morning!
00:34Good morning, Igan, and good morning, Susan.
00:36Magandang umaga po sa lahat ng kapuso na nakikinig at nanonood.
00:39Una-una, Aseg, para sa kaalaman ng lahat, ano po ba ang guarantee letter?
00:43At para saan ba ito? Kailangan ba ito ng pasyente?
00:46Hindi po kailangan yan sa basic accommodation ng Department of Health.
00:51Igan, Susan, meron kasing konsepto ng garantiya doon sa ating batas sa civil code.
00:56Ang sinasabi, kapag may pinagkakautangan ang isang tao, yung iba pang tao na pwedeng gumarantiya sa kanya ay dapat magbayad kung hindi makakabayad yung taong may utang.
01:08Kung baga, di ba, may co-garantor na pumipilma.
01:10Doon nagsimula yung konsepto ng guarantee letter.
01:13Eh, ang sinasabi namin sa DOH, kung ang budget naman ay nasa DOH, eh, hospital rin naman namin, bakit namin i-issue ng guarantee ang sarili namin?
01:21Oo nga, oo, oo.
01:22So, ang nag-issue ng guarantee letter, politiko.
01:25Yun po, yun po ang naging issue talaga dito, ang pera ng DOH, ang gumagarantiya ay hindi taga-DOH, politiko.
01:31Hindi, mga politiko.
01:32At bawal na yan sa 2026.
01:34Abay, kasi nagagamit pang papogi din ang mga politiko yan eh.
01:38So, ito na, diretsyo na natin, pakilinaw yung statement ni Secretary Tedder Bosa.
01:46Constituents are free to ask assistance from their elected officials.
01:51But do they need a guarantee letter from them to get assistance?
01:54No.
01:55They can go straight to the Department of Health.
01:57And we will help them if they need help.
01:59And if we have the funds, we will provide the funds if they are qualified to get the funds.
02:04Next.
02:05Yun po ang sinabi ni Secretary Ted kasi, hindi niya binabawalan ang iba-ibang tao mag-issue ng guaranteea.
02:11Kasi pwede nga yun sa batas natin eh.
02:13Ang bawal po is yung may maglalabas ng guaranteea na hindi naman niya pera yung gagamitin.
02:18So, kung ang pambayad dito ay pera ng DOH, sa hospital ng DOH, dapat wala ng guarantee letter.
02:24At yun ang sinasabi namin na wala ng guarantee letter.
02:27Pero, kung gusto po ni Kong, ni Sen, kung sino man sa kanila na galing sa kanilang sariling pondo,
02:33baka may budget sila, pwede silang mag-issue.
02:35Pero hindi nila pwedeng sabihin na ito ay galing dun sa pondo ng DOH tulad ng MAIFIP, halimbawa.
02:41May pondo ba kayo?
02:42Meron po. 51 billion po yung MAIFIP galing po yan sa ating budget.
02:46Paano ba halimbang pupunta, ASEC?
02:49Sa hospital ba mismo pa pupunta pasyente o sa DOH?
02:52Sa hospital po.
02:53Government hospital.
02:54Yes, government hospital. Isa po yung binabago natin na dapat ang kaharap lang ng pasyente,
02:59isa lang ang isang medical social worker.
03:02Hindi politiko, hindi mismong DOH. Mga lisensyado yung professional po ito.
03:06Eh, di ba kung may pondo naman pala sa government hospital, ang DOH,
03:10bakit ka nga naman pupunta pa kay Kong para humingi ng guarantee letter?
03:13I-endorse ka rin naman sa government hospital.
03:16Yan po ang binabago natin. Kaya nga natuwa kami nung lumabas dun sa section 19
03:20ng Republic Act 12314.
03:22Yung pong batas natin sa General Appropriations Act,
03:24na mismong ang Senado na rin yung nagsabi, anti-epal provision,
03:28pinasok po nila yun, sa kanila nang galing yung salita,
03:30na hindi na talaga dapat gumadaan sa mga politiko para makuha itong budget na ito.
03:35Kasi nandun na sa hospital eh.
03:36Pero ang usapan natin, government hospital, accredited ng DOH.
03:39Yes.
03:40Labas ang private dito.
03:42Apo. Labas po yung private.
03:43Magandang tanong yun na Igan.
03:45Meron pa rin mga kama, mga private, na hindi sapat yung budget ng pasyente.
03:51Okay.
03:52Pag ganyan po, pwede silang kumuha ng GL.
03:54Pero ang GL, dapat kung sino yung nag-i-issue, siya yung magbabayad.
03:58Ito yung medyo nga...
03:59Okay. So, gumunta siya sa congressman.
04:01Yes.
04:01Ikaw magbayad.
04:02Dapat si Kong po magbabayad kung si Kong yung mag-i-issue.
04:05Meron pong GL ang DOH.
04:07Meron po yan. Ito, medyo nakakalito.
04:09Yung GL ng DOH, tignan nyo po yung papel kung ang letterhead ay selyo ng DOH,
04:14ang nakapirma, yung officialist ng DOH.
04:16Hindi ho kami politiko, yun ho kasi budget namin.
04:19So, kung ngyari, kung kayo po ay nasa private hospital,
04:21di namin pag-aari ng gobyerno at kulang yung pambayad.
04:25Yan po yung pwede nyong ilapit.
04:26At hindi sa politiko, sa social worker ng hospital na makikipag-usap sa amin,
04:31tapos kami po yung mag-i-issue ng guarantee letter.
04:34Minsan nga po, ang pinag-aaralan ngayon, hindi na dapat dumadaan yung papel.
04:37Kasi doon nagkakaroon ng issue eh.
04:39Papel-papel. Dapat gawin nilang electronic. Yan ang pinag-aaralan.
04:42Dapat unahin natin baguhin yung kaisipan ng tao, ng publiko,
04:45na pag public o government hospital, hindi maganda kalidad.
04:51Kaya napipilitan silang pumunta ng private.
04:53Eh dapat malaman nila na pati sa DOH accredited hospital o government hospital,
04:59maganda rin mga, di ba?
05:01Magaganda na, in fairness.
05:02At baka mas maliit pa ang bayarin.
05:05At baka zero billing pa.
05:06Tama, Igan. Zero balance billing po yan pag tayo ay nasa DOH hospital.
05:10At yung mga kama, aircon na ngayon.
05:12Noong unang panahon kasi, meron pa rin yung mga hospital pero konti nilang sila na hindi aircon.
05:16May konti, hindi pa na aayon.
05:17Pero in fairness, maraming tayong government hospital na maganda na rin naman.
05:20Yes.
05:22Usaping medical assistance pa rin tayo.
05:24Ang DOH may tinatawag ding medical assistance for indigent and financially incapacitated patients program.
05:32Nasa susunod na bandaw, inaasa ng implementation nito.
05:35Dahil may bagong guidelines na.
05:36So ano po itong, ano ito?
05:39May FIFP.
05:40May FIFP.
05:41Naging kontroverser ito ng budget deliberation eh.
05:44Yes.
05:44Ano magiging pagbabago po rito?
05:46Yan pong may FIFP kasi, ang halaga po niya na 51 billion pesos para sa 2026.
05:51Diyan po kami kumukuha ng pangtapal kung meron mga puwang dun sa pambayad.
05:57Yan yung pinagkukuhanan.
05:58Now, ano mga magabago ngayon?
06:00Ang pinakamalaking pagbabago yung section 19,
06:03ng general provisions ng ating budget.
06:04Yung anti-EPAL.
06:05Anti-EPAL.
06:06Talagang medyo mahaba siya.
06:08Pero ang sinasabi ng section 19,
06:10hindi pwedeng lumugar.
06:12Bawal.
06:12Kunyari, hindi kasi kami nagbibigay ng cash para sa ma-FIFP.
06:15Bills lang to.
06:16Pero, yung assistance baga,
06:18marami kasi may mga lamesa.
06:20Tapos sa lamesa, may muka ni Kong, ni Sen, ni Gob, ni Mayor.
06:24Nakalagay ho, hindi ho kami nagsabi ha.
06:26Batas po yung nagsabi.
06:27Bawal, section 19.
06:29Pero kung may PhilHealth na ako,
06:30bakit may ma-FIFP pa?
06:32Ngayon ho kasi yung PhilHealth,
06:33kahit pinapataas natin yung level niya,
06:35hindi pa niya kayang abutin yung 100%.
06:38Sa buong mundo po,
06:39walang 100% na kayang sagutin ng insurance.
06:42Meron laging tinatawag na co-pay.
06:44Ngayon, sa mga mahihirap,
06:46ayaw natin singilang ng co-pay.
06:47So, doon natin kinukuha doon sa ma-FIFP.
06:49Ibang pag-alagay doon.
06:50Sa ibang bansa,
06:52kaya nagbubunda yung mga Pilipino doon,
06:54pag-usapin ng kalusugan,
06:56pagdating sa ospital,
06:57wala sila talaga intindihin.
06:59Yan po yung ginagawa natin.
07:00Hindi kagaya dito,
07:01talagang alalahanin mo pa eh.
07:03Pipila ka palang papasok na ng emergency room.
07:06Pag na-admit ka na,
07:07gahanap ka pa ng kwarto.
07:09Tapos,
07:09dami mo alalahanin.
07:11Ilang araw kang nasa ospital,
07:13gusto mo lumabas na kahit ayok ka palabasin.
07:15Dahil patong ng patong agad yung singil sa'yo.
07:18Yun ang kaiba sa ibang bansa.
07:19Ibang bansa,
07:20pag pumasok sa ospital,
07:21lumabas ka,
07:22wala ka nang aalalahan.
07:24Igan and Susan,
07:25yun yung goals natin,
07:26sabi ka ng mga Gen Z,
07:27yun ang goals natin ngayon.
07:28Kasi parang sa Inglaterra,
07:30so United Kingdom,
07:31yun yun eh,
07:31pagdating mo,
07:32wala kang iisipin.
07:33Hindi natin kaya
07:34kasi hindi tayo mayamagbansa sa lahat.
07:36Pero sinisimulan natin
07:37dun sa basic or wired accommodation,
07:39kaya zero balance billing yun.
07:40Okay.
07:41Kasi isa,
07:42diba,
07:42pasok sa ospital,
07:43paglabas mo,
07:44mas nagkasakit ka pa
07:45dahil sa mahal.
07:46Alalahanin mo.
07:47May tanong.
07:49May ilang netizens tayo
07:51na ang tanong
07:51tungkol sa guarantee letter,
07:52Asek,
07:53ang tanong yung ano,
07:54ano daw,
07:55ano yun,
07:55pwede bang pambili ng gamot
07:57yung guarantee letter,
07:58Asek?
07:58Opo,
07:59meron po tayong mga guarantee letter
08:01na ginagamit para sa
08:02outpatient medicines.
08:03Pero actually,
08:04Susan,
08:05magbabago na rin po yan,
08:06kasi si PhilHealth,
08:07meron siya nung PhilHealth yakap
08:08tsaka PhilHealth gamot.
08:09Na lahat po tayong mga Pilipino
08:11ay pwede,
08:12yung 20,000 ba?
08:1320,000 per year
08:14yung sa gamot.
08:15Pero Susan,
08:15hindi lang 20,000.
08:16Yung 20,000,
08:17yun yung sa expanded.
08:18Meron pang yakap na
08:2021 na gamot,
08:21may mga kasamang maintenance.
08:22Iba pa yun dun sa 20,000.
08:24Magparehistro po kayo
08:25sa pinakamalapit na yakap provider
08:27para magamit.
08:28Lahat ba ng PhilHealth member yan?
08:29Yes.
08:29At lahat ng Pilipino
08:30ay PhilHealth member.
08:33Di ba pwedeng,
08:34di always na lumapit sa tao?
08:35Kasi,
08:35hindi kasi,
08:36lumapit kayo,
08:37magparehistro kayo.
08:38Parang iba,
08:39hindi alam eh,
08:40di ba?
08:40Maganda tanong yung Igan.
08:41Ang dahilan kung bakit
08:42ay inaalok
08:43at pinapalapit yung mga tao.
08:44Kasi po,
08:45pag nagrehistro kayo
08:46sa isang yakap provider,
08:47saan na yung mag-aalaga
08:48sa inyo sa buong taon?
08:50So,
08:50sabi sa batas,
08:51kailangan piliin nyo
08:52ano bang gusto nyo?
08:53Mas malapit sa bahay?
08:54Mas malapit sa trabaho?
08:55Mas malapit sa paarilan
08:56ng inyong sikiting?
08:57Nasa inyo po ang choice.
08:59Pili na tayo
09:00kung anong gusto natin.
09:01Ito naman,
09:01tanong ni Jello Guijaro.
09:03May standard
09:04turnaround time raw ba
09:05ang mga hospital
09:07sa pag-post ng
09:10hindi ko masasagod at diretsyon
09:12kasi yan ay depende
09:13dun sa accounting
09:14ng ospital.
09:15Kung digital yung ospital,
09:16mabilis,
09:17dapat mabilis yan.
09:18Pero yung iba kasi
09:18mano-mano pa
09:19kaya tumatagal.
09:21Dito sa Pilipinas,
09:22bawal magkasakit.
09:23Mahirap magkasakit,
09:25actually.
09:25Mahirap magkasakit.
09:27Kaya yung sinasabi ni Aseg,
09:29dapat maramdaman talaga
09:30ang publiko
09:30yung mga pagbabagong yan.
09:3251 billion.
09:33Yes.
09:34Baghe ba?
09:34Laki-laki mo.
09:35For 2026 lang yan, ha?
09:37For 2026 po yan.
09:38Laki yan.
09:38Oo.
09:39Ay, maraming salamat,
09:40DYH Aseg Albert Domingo.
09:42Sana nalinawan po tayo
09:43sa usapin ng GL
09:44Guarantee Letter.
09:46Magbabalik po unang hirit.
09:47Hindi na po punta kay Kong.
09:48Lina.
09:49Thank you po.
09:51Ikaw,
09:52hindi ka pa nakasubscribe
09:53sa GMA Public Affairs
09:54YouTube channel?
09:55Bakit?
09:56Mag-subscribe ka na,
09:57dali na,
09:58para laging una ka
09:59sa mga latest kwento
10:01at balita.
10:01I-follow mo na rin
10:02ang official social media pages
10:04ng unang hirit.
10:05Salamat ka puso.
Comments