Skip to playerSkip to main content
Umabot sa Signal Number 4 ang pinakamataas na babala sa probinsiya ng Aurora kaya libu-libo ang pinalikas dahil sa Bagyong Paolo. Sa Isabela, kung saan nag-landfall kanina ang bagyo, nawalan ng kuryente sa ilang bayan.


Umaapela naman na ng tulong sa gobyerno ang ilang taga-Bataan kasunod ng naranasang baha dahil sa malalakas na ulan. Panoorin dito ang mga update sa Bagyong Paolo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Walang bitawan ang saray natin pagbabantay sa Bagyong Paulo at sa epekto ng Lindol sa Cebu,
00:12gayon din sa iba pang malalaking balita.
00:15Malalakas na ulan at hampas ng hangin ang dala ng Bagyong Paulo sa malaking bahagi ng Luzon,
00:21kabilang sa Aurora at Isabela.
00:22At buong pwersa pa rin ang GMA Integrated News dito sa Cebu,
00:30kung saan marami pang kailangang tulungan kasunod ng magnitude 6.9 na Lindol.
00:36Unahin na natin ang epekto ng Bagyong Paulo na humagupit sa Aurora mula kaninang umaga.
00:57Umabot pa sa signal number 4, ang pinakamataas na babala roon,
01:02kaya libo-libo ang pinalikas.
01:05Nakatutok doon live si Sandra Aguinaldo.
01:08Sandra?
01:12Mel, simula nga alas 12 ay unti-unti nang humupa ang ulan at hangin na dala ng Bagyong Paulo.
01:19Pero alam mo Mel, umabot kami hanggang signal number 4 kanina
01:22dahil nga po sa matinding ulan at hangin na dala ng bagyo.
01:27Madilim pa nang magparamdam ang Bagyong Paulo kaninang umaga.
01:38Pagliwanag, mas tumambad ang babala ng parating na bagyo.
01:44Signal number 3 kanina sa Hilagang Aurora, kabilang ang bayan ng kasiguran at dilasag.
01:50Ramdam yan sa lakas ng mga alon at hangin.
01:54Bawal pumalaot dahil mapanganib ang dagat.
01:59Kaya mapalad pang nakabalik ang bangkang ito sa pangpang.
02:03Pero ang barkong ito na nagkobli malapit sa pantalan,
02:07hindi nakaligtas sa tila galit na ulan at hangin.
02:11Ilang kable ng kuryente rin ang lumaylay o naputol.
02:15Umapaw naman ang ilog na ito sa barangay Minanga.
02:17Sa barangay Dibakong na nasa tabing dagat, pinakausapan ang mga nakatirang residente sa baybayin na lumikas na.
02:28Pagsapit ng alas 10 ng umaga, itinaas ang signal number 4 sa Hilagang Aurora.
02:35Doon naramdaman ang pinatindi pang hagupit ng bagyo.
02:38Signal number 4 na po dito sa Kasiguran Aurora.
02:46At ito pong makikita nyo sa aking likuran, yung dagat po, parang namumute dahil tumaas na yung alon.
02:52Kanina po, yung nakikita nyo ay mas malaki pa yung portion ng buhangin na makikita.
02:59Pero ngayon po ay natakpa na nga po ng dagat.
03:02Yung patak po ng ulan, patagilid, at pag tumama po sa mukha ninyo ay medyo masakit.
03:08Parang tumutusok siya dahil na rin po sa lakas ng hangin na dala ng bagyong paulo.
03:15Pero may mga kababayan pa rin tayong mas piniling manatili sa tirahan malapit sa dagat.
03:22Si Aling Emily, naghanda na raw ng pagkain ng pamilya, pero nakahanda rin ang gamit sa paglikas.
03:29Ano naman po kasi, araw siya. Maliba kung halimbawa gabi, lilipat talaga kami.
03:36At saka yung tubig naman sa amin ay kumbaga ngayon, hindi siya malalim.
03:45Sa barangay hall ng Dibakong, lumikas ang ilang residente habang ang iba nakituloy muna sa mga kamag-anak.
03:52Ngayon po, mas maganda na lang din po na maging handa sa lahat ng oras.
03:57Kung may time pa mag-evacuate, mag-evacuate tayo.
04:04Melsa, ngayon ay wala pa rin kuryente dito sa bayan ng kasiguran.
04:09Ang evacuaries naman po dito ay halos 2,000 at meron din pong 2,000 na evacuaries naman sa katabing bayan ng Dilasag.
04:19Sa kabuan po ay nasa 8,000 yung evacuaries ng probinsya ng Aurora.
04:24Magkasama na po dyan yung mga nasa evacuation center at mga nakituloy sa kanilang mga kaanak.
04:30Yan muna po ang pinakahuling ulat mula dito sa Aurora. Mel?
04:34Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
04:36Nawala naman ng kuryente sa ilang bayan sa Isabela kung saan nag-landfall kanina ang bagyo.
04:43At mula sa Echage, Isabela, nakatutok live si Jasmine Gabriel Galvan ng Jimmy Winnell TV.
04:50Jasmine!
04:54Vicky, aabot na sa halos 2,700 na pamilya ang nasa mga evacuation center sa iba't ibang bayan dito sa probinsya ng Isabela.
05:02Pero ayon sa PDRRMO, posibleng tataas pa yung bilang, especially dahil sa ngayon nga ay tuloy-tuloy pa rin yung paglilika sa mga residenteng nakatira sa mga low-lying barangay.
05:13Sabay sa malakas na buhos ng ulan.
05:24Ang hangin tila nagpasayaw sa mga puno sa dinapigay Isabela.
05:28Alas 9 ng umaga na mag-landfall dito ang bagyong Paulo.
05:31Halos wala rin santuhin ang kambal na lakas ng ulan at hangin sa Dibilacan, Isabela.
05:38Pati sa Echage, Isabela.
05:41Kung saan halos mahulog ang signage ng isang electric cooperative dahil sa hangin.
05:46Nabuwal din ang isang punong kahoy.
05:48Sunod-sunod ay nilikas ang mga taga-barangay Kabugaw.
05:51Meron pa po tayong mga residente doon sa mga mababang lugar.
05:55At kung tumaas po yung tubig, ma'am, is pwede po namin silang pilitin at dadalhin dito.
06:01Kabilang sa mga nasa evacuation center, si Mayra.
06:05Kasama niyang lumikas ang dalawang taong gulang na anak
06:07dahil sa pangambang mabagsakan ng mga punong kahoy ang kanilang bahay.
06:11Malakas po ang hangin kanina.
06:13Kayo tayo dinikis na. Para?
06:15Para mas safe.
06:16Baka madagalan po kami ng puno.
06:19Isa ang ilog na ito sa binabantayan ng lokal na pamahalaan dito sa bayan ng Echage.
06:23Mabilis kasi yung pagtaas ng antas ng tubig sa ilog.
06:27At kapag umapaw na yung tubig dito mismo sa tulaya,
06:30ay babahain na ang ilan sa mga barangaya dito sa bayan.
06:34Bumuti man ng panahon, bandang hapon ay tuloy ang banta ng pagbaha.
06:39Kaya tuloy ang paglilikas.
06:40Patuloy pa rin namin minomonitor yung aming mga major bridges at saka yung mga major roads.
06:45Para maabisuhan din namin yung mga kabarangaya if possible pa.
06:50Mahigit limanda ang pangilya na ang nilikas sa buong probinsya.
06:54Karamihan ay mula sa mga baybayin ng Divilacan, Makunacon at Echage.
06:59Nawala ng suplay ng kuryente ang ilang bayan sa Isabela.
07:02Vicky, as of 6pm ay wala pa rin suplay ng kuryente sa ilang barangay sa labing pitong lugar dito sa probinsya ng Isabela.
07:14Samantala, as of 5pm naman ay 6 nanagates ng magatdam ang nakabukas at nagpapakawala ng tubig.
07:21Sa ngayon, tuloy-tuloy ang sinasagawang clearing operation ng otoridad sa iba't ibang bayan dito sa probinsya ng Isabela.
07:27Vicky, maraming salamat at ingat, Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
07:33Ramdam din ang hagupit ng bagyong paulo hanggang sa katimugang bahagi ng Luzon.
07:39Sa lakas ng ulan, binahana ang ilang kalsada at bahay, may binabantayan din ilog na pinangangambahang umapaw.
07:47Mula sa Batangas po, nakatutok live si Mark Salazar.
07:52Mark?
07:52Mel, ginising ang umaga ng Batangas ng pagbaha na dulot ng thunderstorm muna sa una,
08:02pero itinuloy ng epekto ng bagyong paulo.
08:06Wala rito storm warning signal pero hindi naman hangin ang naging kalaban dito, kundi tubig.
08:11Gumising ang mga taga-barangay Santa Ana sa Kalatagan, Batangas, sa ulang nagdulot ng halos zero visibility dahil sa lakas.
08:24Alas 5 na madaling araw pa lang ay may yellow rainfall warning sa buong Batangas dahil sa thunderstorm.
08:30Tuloy-tuloy na ang ulan dahil sa epekto ng bagyong paulo, kaya kinan sila ang klase sa ilang lugar.
08:36Bago mag-alas 8 na umaga, hindi na madaanan ng anumang klase ng sasakyan ang Lemery-Taal Bypass Road dahil sa bahang umabot na sa tuhod.
08:48Gutter deep naman sa Palanas Road sa Lemery, kaya tumukod ang traffic kahit maaga pa lang.
08:53Sa Lian, Batangas naman, binabagtaya ng munisipyo ang Bagbag River at Palico River.
09:00Paunti na lang ay aapaw na ang tubig sa Bagbag Bridge, kaya nakaantabay ng lumika sa mga residente.
09:07Saglit ding na-isolate ang ilang barangay gaya ng Kapito na nagpatupad ng rerouting sa ilang kalsada ng Lian.
09:15Parang ilog naman ang ragasan ng tubig sa mga kalsada ng barangay Bilibinwang.
09:19Maghapon ang clearing operation ng mga tauhan ng munisipyo sa tulong ng Philippine Coast Guard at DPWH.
09:28Mag-aalas 4 na ng hapon, bahagyang humupa ang baha sa diversion road ng Lemery, kaya nakadaan na ang mga sasakyan.
09:35Kanina pang tila ang ulan dito, kaya nakahupa na rin ang maraming baha sa buong probinsya.
09:46Pero nagpapatuloy pa rin at marami-rami pa ang clearing operation na gagawin dahil doon sa mga debris na nagkalat sa mga kalsada, Mel.
09:54Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
10:00Problema rin ang baha at landslide sa ibang probinsya dahil pa rin sa bagyo, sa Mariveles, Sabataan.
10:06Nasa itaas na ng kanikon nilang bahay ang ilang residente dahil abot dibdib ng tubig.
10:12Nakatutok si Jonathan Andal.
10:15Halos tangayin ang mga punong yan sa lakas ng hangin sa kasiguran aurora na may kasabay ng malakas na ulan.
10:26Bandang alas 8 ng umaga nang simulang hagupitin ng Bagyong Paulo, ang bayan, kaya nawalan ng kuryente roon.
10:33Halos san libo na ang inilikas mula sa dalawampung barangay.
10:37Binahari ng bahagi ng kalsadang ito sa bayan ng Dilasag, kung saan halos apat na raan naman ang inilikas.
10:45Binayo rin ng malakas na hangin at ulan ang Dinapigay Isabela.
10:52Habang sa syudad ng ilagan, nagtumbahan ang mga puno at karatula.
10:57Inabot na rin ang baha ang ilang kalsada dahil sa umapaw na Cagayan River.
11:02Hanggang dibdib naman ang kulay putik na baha sa Mariveles, Bataan.
11:07Tuloy-tuloy kasi ang pagulan.
11:09Ayon sa uploader, nasa second floor na ng kanilang mga bahay ang ilang residente.
11:13Habang nakikituloy ang iba pa.
11:18Sa isa pang purok sa bayan, pahirapan na ang pagdaan ng mga motorista dahil sa malakas na agos ng tubig.
11:24Ganyan din sa ilang kalsada sa San Felipe Zambales.
11:27Kahit ang malalaking sasakyan, pahirapan na sa pagbiyahe.
11:30Sa lawag Ilocos Norte, itinali na ng mga mangingisda ang kanilang bangka para hindi tangayin ang malalakas na alon.
11:39Pinaguho naman ang malakas na ulan ang lupa sa bahagi ng Bontoc Mountain Province.
11:44Kaya hindi na madaanan ng mga motorista.
11:46Pinalilikas na rin ang mga naninirahan malapit sa Chico River sakaling umapaw ito.
11:53Nagpabaharin ang malalakas na pagulan sa Tagbilaran City sa Bohol.
11:57Kaya hirap na naman ang ilang motorista.
12:00Stranded naman sa Tabaco Port sa Albay ang mahigit dalawandaang pasaherong patungusan ng Katanduanes.
12:06Bawal muna kasi ang paglalayag dahil sa Bagyong Paulo.
12:09Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
12:14Sinabayan ang high tide ang malakas na ulan kaya bumaha sa bahagi ng Dagupan City, Pangasinan.
12:21Apektado tuloy ang kabuhayan ng ilang residente.
12:24Nakatutok doon live si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
12:29Sandy.
12:33Vicky, kanina lang ay naglabas ng panawagan ang kapitulyo sa mga residente
12:37na huwag munang pumalaot, tumawid o maligo sa mga ilog dahil sa epekto nitong Bagyong Paulo.
12:48Pasado alas 12 ng tanghali ng maramdaman ang malakas na ulan sa Pangasinan.
12:53Nakataas na noon ang Tropical Wind Signal No. 2 sa hilagang bahagi ng probinsya kabilang ang Dagupan City.
12:59Pero bago pa yan ay malalim na ang baha sa barangay Pogo Chico kaninang umaga.
13:03Magdamag na kasi ang ulan kagabi na sinabayan ng high tide kaya pahirapan sa pagtawid sa Zamora State ang mga sasakyan.
13:10Habang ilang residente lumusong na sa baha.
13:13Inaabisuan po namin na sila na lumikas na po.
13:16Lilipat po namin sila sa Astrodome at sa West One po.
13:20Binaha na rin ang ilang bahay.
13:21Pag high tide ganito na dyan sir.
13:24Kaya mahirap araw-araw pag ganito.
13:26Kunti ko lang, malaki na yung baha.
13:29Apektado rin ang hanap buhay ng marami.
13:31Tulad ng 63 anyos na si Tatay Pepito, kargador sa palengke.
13:35Walang hanap buhay ngayon eh.
13:37Hindi ka makapuro, mapuro baha.
13:39Bandang tanghali rin nang magsimula ang pabuksu-buksung ulan at hangin sa Baguio City.
13:44Nagtuloy-tuloy ito hanggang hapon.
13:45Vicky, narito ako ngayon sa Pogo Chico sa Dagupan City kung saan binabaha pa rin yung ilang kalsada.
13:57Samantala, pinag-iingat at inaabisuhan ang mga residente na lumikas agad kung kinakailangan.
14:03Vicky.
14:04Maraming salamat sa iyo, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
14:08At alamin na natin ang latest sa galaw ng Bagyong Paolo na humagupit sa malaking bahagi ng Luzon matapos itong mag-landfall kanina sa Isabela.
14:22Ihahatid yan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
14:27Amor.
14:28Salamat, Vicky. Mga kapuso, bahagyang humina ang Bagyong Paolo matapos itong tumawid sa lupa.
14:35Pero maaari pa rin itong magdala ng malakas na bugso ng hangin at ulan sa mga susunod na oras sa malaking bahagi ng Luzon.
14:42Alas-webe na umaga kanina na mag-landfall itong Bagyong Paolo dito po yan sa Dinapigay Isabela.
14:47Saka po nito tinawid itong bahagi ng Northern Luzon hanggang sa makarating po yan dito sa bahagi naman ng West Philippine Sea.
14:55Dahil po sa interaksyon itong Bagyong Paolo dito sa lupa at ganoon din po sa mga bundok,
15:00mula po sa typhoon category ay humina ito bilang isang severe tropical storm.
15:06Sa latest, bulitin ang pag-asa, huling namatahan ang sentro ng Bagyong Paolo sa coastal waters ng Santa Cruz.
15:12Diyan po yan sa Ilocosura.
15:13Tagla ito ang lakas ang hangin nga abot sa 110 kilometers per hour at yung pabugso naman ito nasa 165 kilometers per hour.
15:21Kumikilos po yan pa West-Northwest sa bilis na 35 kilometers per hour.
15:27Ayon po sa pag-asa, magtutuloy-tuloy na ang pagkilos ito papalayo dito sa ating bansa.
15:32At posibleng bukas po ng umaga ay makalabas na po yan sa Philippine Area of Responsibility.
15:37At sa susunod na labing dalawang oras, maaari po itong lumakas ulit bilang typhoon category pero yan naman po ay papalayo na nga dito sa Pilipinas.
15:46Sa ngayon naman, may nakataas pa rin na wind signals sa malaking bahagi po ng Luzona.
15:51Signal number 3 sa Ilocos Sur, ganoon din sa La Uniona, southwestern portion ng Abra, western portion ng Kalinga, western portion ng Mountain Province, ganoon din sa western portion ng Ifugao at ng Benguet.
16:03Signal number 2 naman na nakataas sa southern portion ng Ilocos Norte, Pangasinana.
16:06Natitirang bahagi ng Abra at ng Kalinga, natitirang bahagi ng Mountain Province at ng Ifugao, pati na rin po dito sa western portion ng Isabela at ganoon din sa northwestern portion ng Quirino.
16:19Kasama rin sa signal number 2, ito pong northern and central portions ng Nueva Biscaya at pati na rin ang northernmost portion ng Nueva Ecija.
16:27Habang yung signal number 1 naman, nakataas po yan sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte, sa may Apayaw, Batanes, mainland Cagayan, Babuyan Island, sa titirang bahagi ng Isabela at ng Quirino, ganoon din sa natitirang bahagi po ng Nueva Biscaya, Aurora at natitirang bahagi ng Nueva Ecija.
16:45Pati na rin po dyan sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Quezon at pati na rin sa Pulilio Island.
16:52So posible pa rin po dito maranasan yung malakas sa bugso ng hangin, pero posible naman na sa mga susunod na oras ay mabawasan na po o medyo maibaba na po itong mga babalanang pag-asa, kaya tutok lang po kayo sa mga susunod na bulletins.
17:05Kahit papalayo na po ang Bagyong Paolo, posible pa rin makaranas na mga pag-ulan ang ilang bahagi po ng ating bansa ngayong weekend.
17:13Base po sa datos ng Metro Weather ngayong gabi muna, may mga pag-ulan pa rin po sa malaking bahagi ng Luzon kasama po dyan.
17:19Itong nga northern and central Luzon, pati na rin ang ilang bahagi ng Mimaropa at ng Calabar Zona.
17:25Dito naman sa Visayas at Mindanao, may mga kalat-kalat na pag-ulan, kaya po posible pa rin po dyan yung mga thunderstorms.
17:32Bukas naman ng umaga, unti-unti pong mababawasan yung mga pag-ulan sa malaking bahagi po ng ating bansa, lalo na po dito sa Luzon na dinaanan po ng Bagyong Paolo.
17:41Yung po mga pag-ulan mapupunta na po dito sa Maydagat.
17:43Maliba lang dito sa western sections po yan ng central and southern Luzon.
17:48Sabado ng hapon, may mga pag-ulan ulit sa ilang bahagi po ng Ilocos region, ganoon din dito sa Maycaguen Valley, Cordillera, Central and Southern Luzon, pati na rin sa malaking bahagi po ng Bicol region.
18:00May mga kalat-kalat na ulan din sa bahagi po ng Visayas, lalong-lalo na po dyan sa May western portions, kasama na rin itong Negros Island region, pati po dito sa May Cebu, Bukol, at pati na rin sa May Summer and Leyte provinces.
18:14At dito naman sa Mindanao, may nakikita rin po tayo ng mga malalakas na pag-ulan.
18:19At pagsapit po ng linggo, sa hapon din, posibleng may mga pag-ulan dito po yan sa halos buong bansa.
18:25Kung makikita po ninyo sa ating mapa dito, halos buong bansa po ay may mga nagkukulay.
18:29Yan po yung, ibig sabihin po niyan, dyan po mararanasan yung mga pag-ulan.
18:32At may mga malalakas na pag-ulan pa rin dahil po sa thunderstorms, kaya maging alerto pa rin sa bantanang baha o landslide.
18:39Sa Metro Manila, posibleng pa rin po ang ulan o thunderstorms, lalong-lalo na po yan bago magtanghali o hapon.
18:46At pwede rin maulit sa gabi, kaya kung may lakad po kayo this weekend, huwag kalimutang magdala ng payong.
18:52Yan ang latest sa ating panahon.
18:54Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
19:00Traffic at bahana naman ang idinulot ng ulan sa ilang lugar sa Metro Manila.
19:07Pero sa isang lugar, kawalan ng maayos na drainage.
19:11Ang sinisi, nakatutok live si Marisol Abduraman.
19:16Marisol?
19:16Mel, hindi man kalakasan na ulan ang naranasan sa Metro Manila maghapon, nagdulot pa rin ito ng matinding traffic, lalo na ngayong Biyernes.
19:28Kaya pahirip pa rin ito sa ating mga kababayan.
19:35Pasado alas 5 ng umaga pa lang, binahana ang bahagi ito ng barangay San Antonio, Paranaque City.
19:40Pero hindi pa kalakasan ang ulan noon.
19:43Sinisi na mga residente ang drainage sa kanilang lugar.
19:46Kunting ulan lang po, grabe pong baha po sa amin.
19:50Baka po mga ano po sila, lepsirosis.
19:53Saka mabaho po yan, pag na-e-stack po, ang baho po talaga grabe.
19:57Tinatay ang sandaan at dalawang pong pamilya ang apektado ng baha.
20:01Sisikapin namin kunan ng pahayag ang lokal na pamahalaan.
20:04Pero nakapulong na nito ang homeowner si Tom Martez
20:07at gagawan daw ng paraan ng centro at chief engineer
20:10para magkaroon ng lusutan ang tubig sa lalong madaling panahon.
20:14Sabo ni Serano naman sa San Juan City.
20:17Pang-rush hour na ang traffic.
20:18Kahit pasado na una pa lang ng hapon.
20:20Dahil lang yan, sakat ang tama na lakas ng ulan.
20:24Pero wish ito sa mga motorista at commuter.
20:26Maging sa mga rider.
20:28Gaya na lamang ng isang ito na nakita namin itunutulak ang kanyang motorsiklo.
20:32Sa sobrang traffic daw kasi, naubusan siya ng gasolina.
20:35Ah, naubusan lang ng gasolina.
20:37Kasi ano, sobrang ulan kasi din eh.
20:40Hindi napansin.
20:41At saka, eh paano yun?
20:42Hindi lalong naubos kasi ma-traffic.
20:44Oo, traffic din.
20:45Mahirap talaga.
20:46Kasi hassle, hassle.
20:48Yung, di mo alam po yung dadaanan mo.
20:50Kung di na baha, baha na ba.
20:53Taas ang diesel.
20:54Magkas ang diesel.
20:55Tapos yung oras.
20:57Bus oras.
20:57Bus oras.
20:58Bus masyadong ma-ulan po.
21:00Pero wala namang baha.
21:01Abuti walang baha, no.
21:03Pero pahirap pa rin ba ang gantong ma-ulan?
21:05Ay, opo.
21:05Mahirap sumakay.
21:07Ay, oo.
21:07Mahirap mag-ulan.
21:08Saka sobrang traffic.
21:15Sa mga oras na ito, Mel, wala namang na tayong nararanasan na pag-ulan o pag-ambon dito sa ating kinaroonan sa Quezon Avenue.
21:22Pero ang traffic, gaya na nakikita ninyo sa ating likuran, napakatindi pa rin.
21:27Mel.
21:28Maraming salamat sa iyo, Marisol Abduraman.
21:33Umaapela na ng tulong sa gobyerno ang ilang taga-bataan kasunod ng naranasang baha dahil sa malalakas na ulan, dala ng bagyong paulo.
21:42At mula po sa Mariveles, nakatutok live si Darlene Kai.
21:46Darlene.
21:47Vicky, tuluyan ang humupa.
21:52Ngayon-ngayon lang yung baha dito sa barangay Ipag Mariveles, Bataan.
21:55Pero kaninang umaga hanggang hapon, hanggang dito kuraw yung level ng tubig dito.
22:00Mabilis na tumaas yung baha, kaya naman labis na nangamba yung mga residente dito.
22:04Hanggang dibdib ni MJ ang baha sa Puroquatro, barangay Ipag Mariveles, Bataan.
22:12Kulay putik at malakas ang agos ng tubig.
22:16Pahirapan makalabas ang mga residenteng. Karamihan ay natrap sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
22:22Madang alas 8 raw ng umaga, bumuhos ang malakas na ulan sa Mariveles.
22:25Kwento ng isa pang residente na si Aysa, nagmistulang ilog ang lower purok sa east ng barangay Ipag.
22:35Pahirapan sa pagdaan sa kalsada.
22:38Sa parehong barangay, umabot hanggang lieg ng 70 taong gulang na si Carmen ang baha.
22:43Basa at nasira ang mga gamit nila.
22:46Nanginginig nga ako sa takot at baka ako umabot na.
22:48Di ba nangyari na po hanggang sahig?
22:51Hanggang second floor.
22:51Agad nagsagawa ng rescue operations ang Bataan PDRMO at Mariveles MDRMO.
22:58Bukod sa barangay Ipag, bumaharin sa mga barangay Balon Anito, San Isidro at Kamaya.
23:04Sa karamihan nababanggit ng gano, ma'am, ng mga residente, 4 feet taas.
23:10Ang naging sugeranin naman po doon sa baha ay yung current.
23:16Kahit mababa lang po yung tubig because of the current,
23:20minsan nagiging struggle or conflict siya kapag nagtatransport o lumalabas o nag-e-evacuate yung resident.
23:28Ito raw ang mga mababang lugar na karaniwang binabaha kapag malakas at tuloy-tuloy ang buhos ng ulan.
23:33Yung high tide po, malaki yung factor po sa low liner, yes, kasi may mga river namin.
23:39Then, yung mga tubig po sa bundok na bumababa, yun po yung dumadaan sa mga ilog.
23:46Kung high tide po, hindi po agad pababa yung tubig sa dahagad.
23:51Hindi, mag-aangat po siya or minsan nagka-travel po siya albaylan.
23:57Bandang hapon, patuloy na naka-alerto ang mga otoridad kahit humupan ang baha sa iba't ibang bahagi ng Mariveles.
24:03Tulad sa lugar ni Naana Marie, panawagan nila sa gobyerno tulungan ang kanilang lugar.
24:09Hanggang kailan daw ba nila dapat tiisin ang malubog sa baha?
24:13Ngayon lang po ulit na ulit itong ganitong kataas ng tubig.
24:16Sa mga namamahala po, sana po gawa niyo ng paraan dito po sa barangay namin.
24:21Kasi panay na lang po, kada naulan, lagi pong baha, pati pong mga estudyante kawawa po,
24:29kagaya kanina, napauwi po sila, ano na po, ang taas na po ng tubig.
24:34Vicky, walang naitalang casualty yung Mariveles LGU.
24:43Sa ngayon ay patuloy daw nilang minomonitor yung lagay ng panahon
24:46para mapag-desisyonan kung pauuwiinan nila yung 38 pamilyang inilikas.
24:52Yan ang latest mula rito sa Mariveles Bataan. Balik sa'yo, Vicky.
24:55Maraming salamat sa'yo, Darlene Kai.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended