Skip to playerSkip to main content
Kahit ang pabahay ng gobyerno sa Casiguran, Aurora hindi nakawala sa bagsik ng Bagyong Uwan. Isa lang 'yan sa mga lugar sa probinsya na napuruhan ng bagyo. Sa bayan naman ng Dilasag, aabot sa mahigit sanlibong bahay ang nawasak.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kahit ang pabahay ng gobyerno sa kasiguran sa Aurora ay hindi nakawala sa bagsik ng bagyong uwan.
00:07Isa lang yan sa mga lugar sa probinsya na napuruhan ng bagyo.
00:11Sa bayan naman ng Dilasag, aabot sa mahigit isang libong bahay ang nawasak.
00:17Nakatutok si Ian Cruz.
00:19Halos saan man tumingin, pinsala ang matatanaw dito sa Dilasag Aurora, ang pinakahilagang bayan sa probinsya at kadikit na ng Isabela.
00:32Sa barangay Dinyog na hinampas ng malalakas sa hangin at daluyong, nakilala ko si Aling Rosemary.
00:39Sa dalawang dekada niyang pamumuhay sa playa, kailang nawasak ng daluyong kanilang bahay at bangka.
00:44Nakaligtas man sila dahil maagang lumikas, nangangapa naman siya kung paano magsisimula muli.
00:51Inaalala niya rin kung paano may pagpapatuloy ng mga anak ang pag-aaral.
00:56Yun nga po. Umiyakban po ako kasi sabi nga po nung ibang pupunta dito,
01:03sabi niya binagyo ka na nga lang, nakangiti ka pa.
01:06Sabi ko, wala naman tayo magagawa kasi kalikasan niyan.
01:09May awaan Diyos na may tutulong din po.
01:11Sa lawak ng pinsala, masasabing isa sa pinakanapuruhan dito sa Aurora,
01:17ang bayan ng Dilasag sa pananalasan ng Superbagyong Uwan.
01:21Sa inisyal na tala ng Provincial DSWD, nasa 148 ang totally damaged na bahay dito,
01:27habang nasa mahigit 1,100 naman ang mga partially damaged na tahanan.
01:33Kita rin ang pinsala sa dalampasigan ng barangay masagana.
01:36Umabot sa kalsada ang mga bangka, buhangin at mga debris.
01:39Sa bayan ng kasiguran naman, ganitong kabagsik ang bagyong Uwan ang nakuhana ng video.
01:46Winasak nito ang bubong at bintana ng bahay ni Andrea sa sityo pa bahay sa barangay Esteves.
01:52Naghihintay po kami ng tulong kung sila.
01:58And pata sa good birthday din po yung kapatid ko, walang ano.
02:04Wala kayo?
02:05Buti po dumating si Papa, nilagyan po ng luna muna pansamantala at kapag umulan po, hindi po kami ganun mababasa.
02:19Dalawanda ang bahay ang winasak ng bagyo sa sityo na housing project ng National Housing Authority.
02:26Ang mga taga rito, umihiling na maayos ang mga nasira nilang tahanan.
02:32Yung mga bahay po napasok po, yung pag may bagyo po hindi ka pwedeng mag-isti at yung mga bubog napasok po sa loob ng bahay, matatakot ka din po.
02:40Sa buong bayan naman ay aabot sa halos ang 180 ang totally damaged na bahay, habang mahigit 500 ang partially damaged.
02:50Nasira rin ang bubog ng covered court ng Kasiguran National High School sa lakas ng hangin ng bagyong uwan,
02:55pinakanapuruhan ng gusali ng grade 7 na ginagamit din na science lab at computer lab.
03:01Inilipat muna ng ibang silid ang mga apektadong estudyante.
03:04Ang affected na klase lang ay dalawa sa grade 7.
03:07Ngayon may mga bakante kaming classroom at mga facilities.
03:13So doon muna ang mga bata mag-aahal.
03:16Ngayon, ang aming science lab at saka ang aming computer lab,
03:20actually nandyan pa eh, kasi bago bumagyo, hinagay namin yan sa mga plastic.
03:27Kanina, namahagi ng tulong sa Northern Aurora ang GMA Kapuso Foundation.
03:32Katuwang ang Philippine Army at Barangay Esteves.
03:35Masaya po kami na kayo dumating dito na GMA na pumunta, marami pong natulungan po kayo. Salamat po sa inyo.
03:44Sarapong pakiramdaman na ito tumutulong na sa amin.
03:47Mula rito sa Aurora, para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended