00:00Daang-daang pamilya pa rin ang nananatili sa mga paaralang ginawang evacuation center dahil sa pag-alboroto ng Mayon.
00:07Sa bayan ng Malilipot, pinamamadaling na ang pagtatayo ng Tent City.
00:12At mula po sa daraga, nakatutok live si Oscar Roy.
00:16Oscar.
00:19Yes, Vicky, tama yan. Inaapura na ngayon ang pagtatayo ng Tent City sa isang municipalidad dito sa Albay.
00:26E mangyari, yung eskwelahan na nagsisilbing evacuation center, e kailangan ng magamit ng mga estudyante.
00:36Nasa mahigit apat na raang pamilya o halos 1,500 na individual pa rin ang nananatili sa evacuation center sa San Jose Elementary School sa Malilipot, Albay.
00:48Binisita namin sila kanina at nasa maayos naman silang kalagayan.
00:52Sapat naman daw ang supply ng pagkain at may umiintindi umano sa kanilang kalusugan.
00:58Yun nga lang, kakailanganin na rao ng mga estudyante yung magsisipagpasok ang eskwelahang tinitira nila sa kasalukuyan.
01:05May patakalan yung ating Department of Education na supposedly pag ginamit mo yung classrooms, it should not exceed sa 15 days.
01:16Kaya naman inaapura na ang pag-i-install ng tents city malapit sa naturang paaralan.
01:22Sa ngayon, umabot na sa 103 na tents ang naitatayo sa target nilang 131 tents.
01:29Ginawa lang yun ng ating buting mayor ng malilipot para maibsan din yung kakulangan dun sa space dun sa loob ng evacuation center.
01:42Yun nga lang, pangamba ng ilan.
01:44Mainit po. Mainit po dyan. Kailangan pong doblein yung bubong niya.
01:50Pag hindi yan dinoble, pag umulan po, mababasa din kami sa loob.
01:54But of course, priority pa rin yung evacuation natin in case na may masamang panahon, umulan o kung ano, pwede pa rin nila gagamitin yun.
02:05Base sa pinakahuling impormasyong nakuha sa FIVOX, nananatiling na sa Alert Level 3 ang bulkang mayon na nagpapakita ng mataas na aktibidad.
02:13Sa nakalipas na 24 oras, naitala ang pagbuga ng lava dome at lava flow kasama ang panakanakang mahinang strombolian activity o pagsabog ng lava ng bulkan.
02:26Nakapagdala din ang mga seismologist ng 222 volcanic earthquakes, 317 rockfall events at 63 pyroclastic density currents o uzon.
02:38Patuloy rin ang pamamaga ng bulkan, palatandaan ng paggalaw ng magma sa ilalim.
02:44Ang sulfur dioxide emission ay umaabot sa 1,281 tonelada bawat araw.
02:54Samantala Vicky, pinapayuhan ang publiko na laging maging alerto at susunod sa mga abiso ng kinaukulan.
03:02Vicky?
03:04Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
03:06Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
Comments