00:00Bago naman maramdaman ng bagyo, nagsilikas na ang mga nakatira sa lahar prone area sa Albay, lalot nag-aalboroto pa ang Bulcang Mayor.
00:11Suspendido naman ang paglalayag sa ilang lugar sa Bicol, kaya halos 2,000 ang stranded.
00:18Wala pa rin sa ginubatan sa Albay, nakatutok live si Ian Cruz.
00:23Ian?
00:23Mel, dahil nga sa paparating na Bagyong Ada ay patuloy nga inililikas ngayon ang mga residenteng nakatira doon sa mga lugar na maaaring daanan ng pagragasan ng lahar na nanggagaling naman sa delisdis ng patuloy na nag-aalborotong Bulcang Mayon.
00:45Pamipamilya na ang lumikas sa barangay Maninila dito sa Ginubatan Albay.
00:50Nakaalalay ang mga taga-barangay at munisipyo, pati na mga bumbero sa kanilang paglikas, karamihan sa kanila, mga mag-iina.
00:59Mahalaga raw na habang hindi paramdamang epekto ng Bagyong Ada, makaalis na sila.
01:04Yung lahar ba matindi ragasa dito sa inyo?
01:06Opo sir, kapag may bagyo po.
01:08Ano nangyayari?
01:09Yung ano po, daanan namin, yung na ano po siya, nahukay ng tubig.
01:15Itong kanilang barangay ay na-isolate kapag rumagasa po yung tubig na may lahar doon sa dalawang gali na nasa gilid ng kanilang barangay.
01:25At ayaw daw po nila na ma-isolate sila dito kaya kailangan lumabas sila sa kanilang barangay.
01:31Sa Ginubatan East Central School dinala ang mga evacuee.
01:35Sa barangay Masarawag, magkatuwang naman ang MDRRMO at mga sundalo sa pagpapalikas.
01:42Nalulubog kasi sa tubig at lahar ang mahabang bahagi ng kalsada at komunidad kapag malakas ang ulan.
01:48Gawa po ng ano, yung galing po sa mayo, dito po sa amin mga mas.
01:54Lahar po yun?
01:55May kasama pong lahar sa kayo mga bato-bato.
01:58May git dalawang libong pamilya ang nais ng ginubatan LGU na maidikas mula sa Maninila at Masarawag.
02:04At sakaling hindi kusang lumikas ang ibang residente.
02:07We will do it po naman na magpa-force evacuation just to ensure po na safe ang ating mga kababayan.
02:14Ganito ang Masarawag gali sa bayan ng Ginubatan na nasa 8 km radius mula sa Bulkan Mayon.
02:21Kilala itong nilalamunang lahar kapag malakas ang ulan.
02:24Pero hanggang kanina, marami pa rin dumara ang malalaking quarry truck.
02:27Isang magsasakarin ang namataan natin doon na galing mula sa direksyon ng bulkan sakay ng Paragus o Cariton na hila ng Kalamaw.
02:36Sa isang bahagi ng bayan ng Kamalig, patuloy rin sa trabaho ang mga heavy equipment sa isang gali o uka.
02:42May marker sa gilid ng kalsada na nagbibigay babala na iyo'y lahar flow prone area.
02:48Ang Philippine Coast Guard Station Albay sinuspindi na ang lahat ng operasyon ng lahat ng klase ng sea vessel at watercraft sa southeastern portion ng Albay
02:58na nasa ilalim ng wind signal number 1 gaya ng Legazpi City, Manito, Rappu-Rappu, Bakakay at Santo Domingo.
03:06Pati ng Tabaco City, malilipot, malinaw at tiwi.
03:10Samantala, inatasan naman ni Governor Patrick Alain Azanza ang mahigpit na pagbabantay ng mga LGU at Disaster Response Agencies sa buong isla ng Katanduanes
03:20para paghandaan ang pusibling epekto ng bagyo.
03:24Pinalilikas na rin ang mga residente mula sa mga lugar na bahain at may banta ng landslide.
03:30At dahil sa wind signal number 1 na ang umiiral sa isla, ipinatigil na ng PCG Katanduanes ang paglalayag ng mga sakyang pandagat doon.
03:40Kabilang sa mga apektadong pantalan sa masbate, ang MOBO, Matnog, Pilar at Castilla Port sa Sorsogon,
03:48kung saan nasa halos dalawang libo ang stranded na pasahero.
03:52Samantala, mula sa bayan ng daraga, bago pumutok ang liwanag kaninang umaga, nakita pang nagningningning ang bulkang mayon.
04:00Dahil sa patuloy na aktividad tulad ng pagbaba ng ozon o pyroclastic density current.
04:09Mel, gabi na pero hanggang sa mga sandaling ito, dito sa Ginubatan East Central School ay patuloy na dumarating yung mga evacue.
04:16Yung iba ay sinundo ng MDRRMO, ng mga sundalo at mga pulis.
04:20Pero ang nakatutuwa, Mel, mayroong mga lumilikas na sila mismo ang nagpupunda dito sakay ng kanilang motorsiklo o sakay ng kanilang tricycle.
04:27Ang sinasabi ng MDRRMO ng Ginubatan, talagang dapat ay tiyaki nila na walang tao doon sa critical zone
04:34para nga kapag rumagasa ang lahar, ay walang mapahamak.
04:38Yan ang latest mula rito sa Ginubatan Albay. Balik sa'yo, Mel.
04:41Maraming salamat sa'yo, Ian Cruz.
Comments