Skip to playerSkip to main content
Handa nang lumikas ang mga nakatira sa mga baybayin at tabing-ilog sa Cagayan kahit sa Linggo pa posibleng maramdaman ang epekto ng Bagyong #NandoPH, ayon sa PAGASA. Sa isang ilog, pinangangambahang tuluyang masira ang dike.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Handa ng lumikas ang mga nakatira sa mga baybayin at tabing ilog sa Cagayan,
00:06kahit sa linggo pa posibleng maramdaman ang epekto ng bagyong nando ayon sa pag-asa.
00:11Sa isang ilog, pinangangabahang tuluyang masira ang dike.
00:15At mula ako sa bayan ng Gonzaga, nakatutuklay si Nico Wahe.
00:20Nico.
00:20Vicky, patuloy ang paghahanda ng mga taga-munisipyo at mga taga rito sa Gonzaga, Cagayan, sa paparating na bagyong nando.
00:36Maaga kong inabutan si Abigail hapan naghahanda ng mga bit-biting gamit sakaling lumikas mula sa tahanang nasa gilid ng ilog.
00:43Yung patuloy po yung buhus ng ulan po nito, before pa po nito, wala pa yung mirasol po, muulan na po kasi, naghanda-handa na po kami.
00:56Ikalawang bahay na nila ito mula ng wasakin ng dati nilang bahay ng katabing Bawa River sa kasagsagan ng Bagyong Ofel noong 2024.
01:04Lumikas po kami sa evacuation center.
01:06Wala po kami kadaladalang mga gamit kasi, yun nga po, hindi namin expect na matatangay po yung bahay namin.
01:15Dating may dike sa bahaging ito ng ilog dito sa may Barangay Bawa sa Gonzaga, Cagayan.
01:20Pero nandahil sa Bagyong Ofel noong nakarantaon at Bagyong Krising nitong Hulyo, tuluyang nasira ang dike.
01:27At kagabi lang, mas nagdagan yung takot ng mga residente dahil itong bahagi naman na ito ay tuluyang gumuho.
01:34Nakaimpake na rin ang ibang residente ng lugar.
01:36Mag lumikas na kayo, di yun, bitbit na lang po.
01:40Mas takot ngayon ang mga nakatira sa gilid ng ilog dahil tuluyan ang gumuho ang dikeeng proteksyon sana sa baha.
01:462019 nang magawa itong flood control project dito sa kahabaan ng Bawa River, dito sa Gonzaga, Cagayan.
01:53Pero nitong taon lang, matapos ang ilang bagyo, nasira ang ilang metro nitong bahagi ng flood control project.
02:00Ang pinakabago ay ang bahaging ito. Matapos ang sunod-sunod na pag-ulan at malalakas na pag-ulan kagabi,
02:07eto na ang nangyari. Kinain na ng ilog itong bahaging ito ng flood control project.
02:11Ayon sa barangay, nakipag-usap na sila sa munisipyo para magawaan dike.
02:40Baka simulan na po nitong 2026 po, yun lang po naman ang sabi sa amin.
02:46So umaasa kami na sana po matuloy na.
02:51Dinat na naman namin ang munisipyo na naghahanda ng mga solar panels na ilalagay sa mga evacuation center.
02:57Nakapag-pack na rin sila ng mga paunang relief goods at hygiene kits.
03:01May mga lutoan na rin para sa evacuation centers.
03:04Bantay sarado rin ang mga nasa coastal areas at tabing ilog.
03:07Kung baga, island barangay na surrounded by water kasi yan sa Babuyan Channel,
03:13saka Bugay Lagoon and Mission River.
03:16Tsaka Buhanginan kasi yan, walang mataas na parte siya.
03:19Vicky, as of 6pm, ayon sa PDRRMO ng Cagayan, ay nasa 7.8 meters na ang level ng tubig dito sa Cagayan River.
03:33Mula yan sa 3.8 meters na inareport natin kanina pang umaga.
03:37Hindi nag-uulan sa buong maghapon dito sa Cagayan,
03:39pero ito yung sinasabi natin na yung tubig mula sa upstreams o yung karating probinsya ay dumiretsyo niya dito sa Cagayan River.
03:46At ngayon, may naitala na rin pagbaha sa ilang bahagi ng Tuguegaraw City.
03:50Hindi na madaanan ang ilang kalsada gaya ng Kapatan Overflowing Bridge at saka ng Teresa Boulevard.
03:57Sa Enrili Cagayan naman, may mga sakahan na rin na baha.
04:00At ang critical level nitong Cagayan River, Vicky, ay nasa 9 meters.
04:05Yan muna ang latest mula sa lagay ng panahon dito sa Gonzaga, Cagayan.
04:09Balik sa'yo, Vicky.
04:10Maraming salamat sa'yo, Nico Wahe.
04:16Maraming salamat sa'yo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended