Skip to playerSkip to main content
Apektado ang ilang commuters sa nationwide transport strike ng ilang grupo kasunod ng walang prenong oil price hike at naunsyaming taas-pasahe.


Ilan sa kanila ang ‘di tutol sa fare hike, pero humihingi rin ng solusyon sa epekto nito sa kanilang bulsa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Apektado ang ilang commuters sa Nationwide Transport Strike ng ilang grupo,
00:06kasunod ng walang prenong oil price hike at naunsyaming taas pasahe.
00:11Ilan sa kanila ang ditutol sa fair hike,
00:14pero umihingi rin ang solusyon sa epekto nito sa kanilang bulsan.
00:19Nakatutuklay si Joseph Morong.
00:21Joseph?
00:25Malang nahirap ang sumakay ang ilang mga pasahero dahil nga sa ikinasa na tigilpasada ng grupong piston ngayong araw
00:33dahil nga sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo,
00:37dagdag pa dyan yung pagkadesmaya nila dahil sa pagkakasuspindi ng fair hike o yung dagdagpasahe
00:42na inasahan nila na ipatutupad sana ngayong araw.
00:49Inabot ng siyam-syam bago nakasakay ang ilang pasaherong papasok sa trabaho na nag-abang sa Filcoa sa Quezon City.
00:55Wala kasi makuha agad na jeep kaninang umaga.
00:58Mga ilang minuto na?
01:00Siguro mga 45 minutes na.
01:0245? Ano mga hindi tayo mag-jeep?
01:03Ah po jeep. Pakubaw. Pakubaw po.
01:05Bakit wala ba?
01:06Wala pa po. Nairapan na akong sumakay.
01:08Medyo kunti po.
01:10Ayan na?
01:11Medyo mahirap po.
01:12Si Samuel galing pang San Mateo Rizal at dito sa nasasakay ng jeep pa Kubaw.
01:18Halos walang jeep na bubiyahe ko kunti.
01:20Wala rin masakyan ang ilang mga pasahero sa E. Rodriguez Avenue ng Lungsod.
01:24Kahit yung from Camuning papunta sana rito wala rin pong jeep eh.
01:29Maswerte dahil may libre ang sakayang Quezon City Hall.
01:32May ganyan din sa Baklaran, Paranaque.
01:34Sa assessment ng MMDA, naging normal naman ang trabiko at walang na-stranded na mga pasahero.
01:41Nagtigil pasada ang ilang mga jeepney bilang protesta sa di mapigilang taas presyo ng langis kabilang kinakarga nilang diesel.
01:48Itong welgang ito ay pangkalahatan.
01:53Laban ng operator, laban ng driver, laban ng mananakay, laban ng mamimili.
02:00Nation-wide ang tigil pasada at may mga protesta rin sa iba't ibang probinsya.
02:05Sa kwenta ng piston, sa presyong 120 pesos kada litro sa ilang gasolinahan,
02:10ang jeepney na may average na konsumong 30 litro kada araw ay mamumuhuna ng 3,600 pesos.
02:18Mababawi sana yan ang piso hanggang 2 pisong dagdag pumasahe kahit papano.
02:22Pero ipinagpaliban ng Pangulo ang fair hike ng mga jeepney, bus, TNVS at airport taxi.
02:39Sabi ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB, suspendido yan hanggang wala silang pasabi.
02:46Para may isang kahit konting katiting yung paghihirap namin bilang chopper.
02:51Kasi 100 plus na po yung diesel eh. Tapos biglang kakansalahin ang Pangulo.
02:57Bakit mo pa sinuspindi? Lapakasama po ng loob namin nun.
03:00Ngayong araw din sana ang simula ng dagdag singil sa pamasahe sa mga pampasaherong sasakyan katulad ng mga jeepney.
03:07Piso yan sa mga tradisional at dos sa mga modern jeepney bagay na maintindihan naman daw ng ilang mga pasahero
03:14kung sakaling natuloy.
03:15Ito po yung epekto ng pag-spawn ng fair hike po nila. Apektado rin po ang mga mayroon.
03:20Dapat maging taas o hindi po?
03:24Para po maging fair sa mga namamasada, I think dapat na rin naman. Nakakaawa rin naman po sila.
03:31Pero I think hindi lang naman din po yun yung dapat na gawing solusyon, dapat po pangkalahatan yung solusyon.
03:38Kulad na ano pa?
03:40Kasi po kapag tinaas natin yung pamasahe, apektado naman din po kaming mga mananakay, di po ba?
03:45Paano naman din po kami?
03:47Dapat pa paano?
03:50Sweldo?
03:51Okay lang naman din po na itaas. Pero huwag naman masyadong mataasa na. Yung kayang-kaya lang po.
03:56Piso okay lang?
03:56Apo okay lang naman.
03:57Dos.
03:57Tulong na din po sa mga drivers.
04:00Sabi ng isang P2P bus operator, kailangan na talaga magtaas pamasahe dahil sa nagmamahal nilang gastos.
04:06Pero wala naman ani ang magagawa at kailangan tumalima sa utos ng Pangulo.
04:14Sa ating mga motorista na magagawi dito sa Welcome Rotonda sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy naman ang
04:21daloy ng trapiko.
04:22Pero may mga pagkakataon na magbabattleneck ng konti. Pero pagkatapos naman dito sa Bilog ay magdedire-diretsyon na kayo sa
04:30Manila.
04:30Doon naman sa mga may pasok bukas. Ang tanong, meron ba ulit natigilpasada ang grupong piston?
04:36Sabi nila, meron ulit. So ihanda ng inyong mga sarili sa kakulangan ng mga sakyan kung sakasakali.
04:42At sa lunes naman ay yung ibang mga transport group ay nag-iisip rin na magkasanang kanilang kilos protesta, Mel.
04:49Maraming salamat sa iyo, Joseph Monong.
04:55Maraming salamat sa iyo.
Comments

Recommended