00:00Wala ng buhay ng matagpuan sa dalampasigan ng Dagupan, Pangasinan ng isang batang nawawala sa bayan ng Asinggan.
00:07Hubot-hubad at nakasilid pa sa garbage bag ang labi.
00:10Nakatutok si Sandy Salbasho ng GMA Regional TV.
00:17Mangingisda ang mag-live-in partner na sina Erlina at Joseph pasado alas 5 ng madaling araw
00:22nang may matagpuan silang bangkay ng batang babae sa dalampasigan sa barangay Bunuan, Gasset ng Dagupan, Pangasinan.
00:29Hubot-hubad ang bangkay na muntik pang mapagkamalang manika.
00:33Nakasilid sa garbage bag ang itaas na bahagi ng katawan ng bangkay.
00:37Naghihila po ako ng daklis, ma'am. Tapos sabang hinihila ko po, yung pagkahila ko po ng mga apat na hukbang ko po,
00:43pakatingin ko po ng ganun, paa. Tapos yung pakaano ko na naman, bakit hilain mo na, sabi niya.
00:49Saglit, saglit, sabi ko talagang ano. Hilain mo na, may patay na bata dito, sabi ko ganun sa kanya.
00:55Para natutula, tawag ka ng ano dun para makita nila dyan.
00:58Wala pang pahayag pero positibong kinilala ng kanyang pamilya ang bata.
01:02Nauna ng napaulat na nawawala kahapon, August 14, tubong asinggan Pangasinan ang pitong taong gulang na biktima.
01:09Sa post ng kanyang ina online, hindi sila titigil hanggang hindi nakakamit ang hustisya.
01:14Sa post ng isa niyang kaanak, inilarawan bilang matalino at mapagmahal na anak si Aleria Gabriel o kung tawagin nila ay Portia.
01:22Nagkikipag-ugnayan na ang pamilya sa mga otoridad upang makamit ang hustisya para sa kanilang munting anghel.
01:28Nagkandak po ng initial examination, yung SOCON, yung medical legal officer natin.
01:35Nakita nila na may tatlo, tatlo pong gilid yung leg po ng bata.
01:42Itong bata po pala is edo yung nawawalang bata dun sa asinggan, kagabi.
01:49Ayon sa pulisya, posibleng kakilala ng bata ang sospek.
01:53Sinasabi na yung bata is may isang sasakyan na pumunta po dun sa bahay nila.
02:01Then buawa ba yung driver, kinuha yung bata, pinasakay dun sa harapan.
02:07Then umi ko tulad, nagdrive, then lumalis na.
02:11Yung suspect natin, so pag makikita natin, kinuha yung bata, hindi po siya by force.
02:19Sumama po, nagkinarga yung bata, isinakay, so most probably relative niya.
02:24Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sandy Salvasio, Nakatutok 24 Oras.