00:00Mga Kapuso, update naman sa pag-uho sa isang landfill sa Rodriguez Rizal.
00:04Isa naman ang kumpirmadong nasawi matapos mahanap ang mga labi nito.
00:08Pero may mga hinahanap pa.
00:10Nakatutok si Maki Pulido.
00:15Mula sa malayo, matatanaw ang mga nakaparadang bulldozer kung saan gumuho ang basura bandang alas 3 ng hapon noong biyernes.
00:23Aminado ang pamunuan ng landfill na may pagkakamali ang kanilang operasyon dahil nagsabay ang operasyon ng apat na bulldozer at
00:32dahil sa bigat ng mga ito, gumuho ang basura.
00:35Pinopost yung basura.
00:39Kaya lang ang nangyari, medyo nagkaroon ng error sa operator, nagkasabay-sabay yung apat.
00:45Kaya siguro na bigatan, nagcrash doon sa likod nila.
00:49Kaya yung pag-atras ng bulldozer, doon sila nahulog.
00:53Sa opisyal na tala ng pamunuan ng landfill, maging ng LGU ng Rodriguez Rizal, tatlo ang biktima.
01:00Natagpuan na ang labi ng isa sa mga biktima kahapon, ang bilang batay daw sa pamilyang naghahanap ng mga nawawalang
01:07kaanak.
01:08Ang tinanong namin, yung mga leader na samahan, na yun lang ho talaga yung nawawala.
01:12Pero sabi ng grupong kadamay, maaaring umabot sa mahigit limampung mga ngalahig ang natabunan ng basura, batay daw sa kwento
01:21ng mga survivor.
01:22Ayon naman sa grupong Sikad, hindi bababa sa dalawampu ang kumapit sa bulldozer ng gumuho ang basura,
01:28pero operator lang ang nakalabas.
01:30Masama ang loob ng mga nakausap naming mga ngalahig ng basura sa maliraw na balitang aabot sa limampu ang nabaon
01:38sa basura.
01:39Nag-aalala silang baka patigilin sila sa pagkalkal ng basura.
01:42Diyan lang po kami kumukuha ng hanap buhay po namin. Pag-aaral po sa mga anak namin, pagkain namin araw
01:48-araw.
01:50Paano tulad, kagaya po niyan, wala po kaming ahon. Wala rin kaming pagkain, wala kaming kalakad.
01:57Bale, diyan lang po kasi kami kumukuha talaga ng pangkabuhayan.
02:01Bawat member ho dyan, may kanya-kanyang pamilya na naghahanap na nagkiklaim eh.
02:06Eh tatlong pamilya lang naman ho ang nagkiklaim.
02:09Kung 50 yung natabunan, dapat 50 pamilya rin ang naghahanap.
02:15Para matiyakraw na walang mapagtakpan, hinihingi ni Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista na mag-imbestiga ang DENR.
02:23Very obvious naman talaga na mayroong may pagkakamuli, may namatay.
02:30Kaya tumawang na namaga kami sa DENR officially na mag-conduct na investigation.
02:36Para siguro din, gentlemen, to be just to make sure na walang cover-up.
02:40Investigate kung ano yung nangyari dito, kung mayroong lapses itong operators.
02:45Pinayagan ng media hanggang sa viewing deck ng landfill at mula rito,
02:49hindi tanaw kung may isinasagawang retrieval operation.
02:52Pero giit ng pamunuan ng landfill, maging ng LGU, nagpapatuloy daw ito.
02:57Sa kabila ng trahedya, nagpapatuloy ang operasyon ng landfill, kaya't pila ang mga truck ng basura.
03:04Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments