Skip to playerSkip to main content
Dahil mala-bangungot ang iniwang baha ng mga nagdaang bagyo sa Pangasinan, maagang naghanda ang mga residente sa pananalasa ng Bagyong #IsangPH.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil malabangungot ang iniwang baka ng mga nagdaang bagyo sa Pangasinan,
00:05maagang naghanda ang mga residente sa pananalasa ng bagyong isang mula sa Dagupan City.
00:10Nakatutok live si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
00:15Jasmine!
00:19Emile, sa mga oras nga na ito nakakaranas na ng pabugsong-bugsong pag-uulan dito sa lungsod ng Dagupan,
00:25samantala mahigpit na ipinagbabawal ang pagpalaot ng mga manging isda.
00:30Malakas na ulan ang naranasan sa ilang bahagi ng Pangasinan kaninang umaga.
00:36Kaya ang mga residente nakatira sa gilid ng Wood River,
00:39particular sa barangay Kayanga sa bayan ng San Fabian, maagang nakaalerto.
00:43Ang tubig po doon, nung last na bumaha po hanggang po dito sa amin.
00:47Tapos hindi ko lang po dito alam, hanggang dito po yung tubig.
00:50So maingat po ma'am?
00:51Opo, maingat po naman po.
00:52Pag-uulan na mama, nakabantay na kayo?
00:55Opo, nakabantay mo na po kami dito sa tabi ng ilog.
00:58Alas 10 kaninang umaga nang itaas sa Red Alert ang status ng PDRRMO sa Pangasinan.
01:03Hudyat para i-recommendan ng PDRRMO ang pre-emptive evacuation,
01:08lalo na sa mga residente na katira sa gilid ng mga river system sa probinsya.
01:12Pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayan na sumunod sa otoridad.
01:16Kung kailangan mag-preemptive evacuate dahil na sa posibling banta ng pagwulan ay gawin na nila.
01:23Simula pa kaninang umaga, nakamonitor din ang Office of the Civil Defense.
01:27Dahil sa naranasang sama ng panahon, sinaspendin ang lokal na pamahalaan ng San Jacinto sa Pangasinan ng klase
01:33sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong hapon.
01:37Nag-declare rin ang klases pension sa lahat ng antas ng paaralan sa dagupan.
01:41Emile, sa ngayon tuloy-tuloy ang pag-iikot na ginagawa ng CDRRMO sa mga island barangay
01:50para i-monitor yung sitwasyon ng mga residente.
01:53Samantala, nakabukas na rin ang mga evacuation center na gagamitin
01:57sakaling may mga residenteng lilikas ngayong gabi.
02:00Emile?
02:00Maraming salamat!
02:02Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Original TV
02:05Maraming salamat!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended