Skip to playerSkip to main content
  • 19 minutes ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 29, 2025 


- Sen. Lacson: May allocables sa 2025 budget ang 5 Cabinet Secretary at ilang undersecretary, batay sa mga dokumentong ibinigay ng abogado ni dating DPWH Usec. Cabral | Rep. Leviste: Maraming pumipigil sa akin na ilabas ang mga pangalan sa "Cabral Files" | Malacañang, gustong paimbestigahan kung paano nakuha ni Leviste ang "Cabral Files;" lahat ng dokumento ay puwedeng i-verify, ayon kay Leviste
- Rep. Suansing: "People-centered" ang P6.793T budget na inaprubahan ng Bicam | Bicam report para sa P6.793T budget sa 2026, nakatakdang i-ratify ng Senado at Kamara mamaya | Pagkakaroon ng transparency portal para sa proyekto ng mga ahensiya, kabilang sa requirements sa 2026 budget | Rep. Suansing: hindi inimpluwensiyahan ng liderato ng Kamara ang pagboto sa Bicam report ng 2026 budget
- Ilang pananim, nabalot ng andap; mga magsasaka, nangangambang masira ang kanilang mga gulay
- Mga namimili ng paputok, dagsa na sa ilang pamilihan; daloy ng trapiko, apektado | Ilang tindahan ng paputok, mahina ang kita dahil daw sa mataas na presyo
- DTI: Bumili ng paputok na may Philippine Standard Quality mark


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00We'll see you next time.
00:30Ang sinasabi niya ay pwedeng ma-verify.
00:32Isiniwalat naman ni Sen. Ping Lakson na mayroong mga cabinet secretary na humingi umano ng allocables sa 2025 budget.
00:40Batay rin sa mga dokumentong mula kay Cabral.
00:42May unang balita si Mark Gonzalez.
00:48Isiniwalat ni Sen. Pro Tempore Ping Lakson na hindi bababa sa limang cabinet secretary at ilang undersecretary ay may bilyong-bilyong pisong allocables at non-allocables sa 2025.
01:00Budget, base sa dokumentong hawak niya.
01:03Sabi ni Lakson, galing ito sa abugado ni yumaong dating DPWH QSEC Catalina Cabral at mga dokumento mula aniya mismo sa DPWH.
01:12Kabilang daw rito ang isang ES na may 8.3 billion pesos at si dating DPWH secretary Mani Bonoan na may 30.5 billion para sa 2025 lamang.
01:24Sinusubukan namin kunan ang pahayag si Bonoan kaugnay nito.
01:27Sabi ni Lakson, ang allocable ay patungkol sa mga mambabatas na nanghihingi ng proyekto.
01:33Kaya tanong ni Lakson, bakit nagkaroon nito ang mga cabinet secretary?
01:37Base rin daw sa pahayag ni dating DPWH QSEC Roberto Bernardo, bukod kay Bonoan ay naghati din siya ng kickback sa isa pang miyembro ng gabinete.
01:47Dagdag ni Lakson, meron ding bilyong-bilyong pisong halaga ng allocable para sa House leadership at sa ilang party list group.
01:54Maaari raw ipa-authenticate ang mga dokumentong ito sa Department of Budget and Management o sa DPWH mismo.
02:00Pagkatapos, pwede rin ani ang ipatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga cabinet secretary.
02:07Nang tanungin si Batangas First District Representative Leandro de Viste kung may mga cabinet official sa listahang hawak niya,
02:14sagot niya, may mga acronym siyang nakita.
02:16Ang isang acronym po na kasali doon ay SAP.
02:22Hindi ko po masasabi sino si SAP, pero nandun po sa 8 billion pesos of projects si SAP.
02:31Hindi lang po yung listahang ito ang nakalap ko.
02:37Meron din po akong iba pang mga listahan ng mga insertions.
02:42At ayon din po sa ibang mga nakalap kong mga ebidensya,
02:48lunglabas din po doon ang acronym SAP.
02:52Nag-post si Le Viste ng kanyang email sa DPWH noong October 1
02:57nang mag-request siya ng DPWH budget kada legislative district,
03:02pati ang sagot sa kanya ng DPWH noong namang October 20.
03:06Kalakip ng email ng DPWH ang ilang dokumento,
03:09kabilang ang isang liha na may pirma mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon.
03:14Sabi ni Le Viste, binigyan niya ng ilang araw ang DPWH para i-authenticate ang mga dokumentong in-upload niya sa Facebook.
03:21Never ni Secvins sinabi na hindi tunay ang aking mga dokumento.
03:26Ang sinabi lang niya, hindi pa niya napatunay yan.
03:29Hindi pa na-authenticate ako.
03:31Kasi baka nasa abroad siya.
03:33Sinabi sa akin ni Secvins noong September na isa sa publiko niya ito.
03:38Sinusubukan namin kunan ng pahayag si Dizon,
03:40kaugnay sa mga bagong pahayag ni Le Viste.
03:43Pero nauna na niyang sinabi na wala siyang ino-authenticate na anumang dokumento.
03:48Hindi rin daw malinaw kay Dizon kung ano ang mga nakuhang dokumento ni Le Viste.
03:52Sabi pa ng kongresista, maraming pumigil sa kanya na mag-privilege speech ukol sa Cabral Files.
03:58At sila rin daw marahil ang pumipigil ngayon kay Dizon na ilabas ito.
04:01Lahat ng mga tao na nakapakalat dito,
04:07ayaw nilang lumabas ang mga pakalat ka.
04:10At sila rin daw ang mga kaibigan ng aking kina.
04:13Pero, gusto ko silang pabalik malaman kung saan nagastos yung 3.5 trillion pesos sa DPWH.
04:22At nakakalungkot din na imbes na ilabas, mukhang pinagtatakpag pa.
04:29Kaya sana si DPWH nang po at si Seck Vince Dizon ang maglabas nito.
04:36At hindi na lang hanapan sa akin.
04:39Gayun din ang ilan umanon na ipinadaraan pa sa kanyang inang si Sen. Loren Lagarda upang huwag ilabas ang listahan.
04:46Sinusubukan pa naming makunan na pahayag ang senadora.
04:49Sinagot din ni Le Viste ang aligasyon ni Dizon na sa apilitan niyang kinuha ang mga dokumento kay Cabral.
04:55Bakit after 5 days lang niya sinabi yan?
04:57Actually, November ko pa sinasabi, mayroon akong files from Yusek Cabral.
05:00Wala siyang sinabi na ganung kwento.
05:03Sabi ni Palace Press Officer Yusek Lair Castro,
05:06dapat imbestigahan kung paano nakuha ang Cabral files.
05:10Lumalabas kung sa staff nang galing, mukhang hindi galing kay Yusek Cabral.
05:17Kasi sa staff eh, kung katotohanan lang din naman ang gusto natin, agad-agad mo nang ipakita.
05:24Yusek Claire Castro will make a fool of herself because everything that I'm saying can be verified even by publicly available data.
05:29Kaya ang sinasabi niyo po ay tama.
05:32Ang dapat mangyari dito ay hindi natin pagtakpan ang mga proyekto na pinapropose ng mga mababatas.
05:38Ito ang unang balita.
05:40Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
05:42Samantala ay kinagulat at ikinagagalit ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin na tila siyang pinatutungkulang ES ni Laxon
05:53na may 8.3 billion pesos na allocables umano sa 2025 budget.
05:58Giti Bersamin, wala siyang hiniling, inendorso o inaprubahang kahit anong DPWH project o budget allocation noong 2025.
06:05At daraw sa makipagtulungan sa imbisigasyon kaugnay sa umano yung allocables sa 2025 budget batay sa Cabral Files.
06:16Tiwalang by Cameral Conference Committee na walang ibivito si Pangulong Bongbong Marcos sa inaprubahang BICAM report ng 6.793 trillion peso sa budget para sa 2026.
06:27Ang Anilay People-Centered 2026 budget nilagyan daw ng safeguards at mga probisyon para maging transparent ang panggastos at hindi magagamit sa paumulitika.
06:38May unang balita si Jonathan Randall.
06:40People-Centered Budget ang tawag ng mga senador at kongresista sa pinirmahan nila kahapon na Bicameral Conference Committee report para sa 6.793 trillion peso 2026 national budget.
06:58Ang gusto po namin itawag dito sa budget na ito ay isang people-centered budget.
07:03Ito pong budget na ito ay talagang pinaghirapan na buuin ng Kongreso at ng Senado at ginawa po namin ang lahat para ito po ay maging transparent, accountable.
07:16This is a product of the very first open Bicam in history.
07:22Ito naman po ay ginawa po natin dahil gusto po natin maibalik ang tiwala ng taong bayan sa ating pamalaan.
07:29Mamaya ng hapon, raratipikahan na ng hiwalay ng Kamara at Senado ang Bicam report ng budget para maging General Appropriations Bill
07:37na ipapadala rin daw agad mamaya kay Pangulong Bongbong Marcos para pirmahan o di kaya i-veto kung may hindi a-aprubahan.
07:43Confident naman kami na walang mabiveto dito dahil very close yung aming coordination sa executive at very close yung coordination namin sa mga ehensya.
07:52Wala pong pork barrel sa 2026 budget.
07:55Dati nang sinabi ng Malacanang na pag-aaralan muna ng Pangulong 2026 budget kaya sa unang linggo na ito ng Enero mapipirmahan.
08:02Isa sa mga pagbabago sa 2026 budget ay ang pagbabawal na sa mga politiko na makialam sa pamimigay ng ayuda ng gobyerno.
08:10Lahat po ng types, AX, MAIP, TUPAD, covered na po yun. Mayroon pong prohibisyon sa political involvement.
08:17Hindi rin sila pwedeng maglagay ng mga tarpaulin or parafernalia during the distribution.
08:24Para iwas korupsyon naman at para madaling bantayan ang paggasto sa kaban ng bayan,
08:29iniutos na ngayon sa 2026 budget na magkaroon ng mga ahensya ng Transparency Portal.
08:35So meron po doon project monitoring, project status,
08:38nandun na po kung na-bid, magkano na-bid, sino yung contractor, ano yung actual status ng implementasyon ng mga proyekto.
08:45So yun po talaga yung main safeguards natin para siguraduhin na lahat mo ng mga proyekto ay na-implement ng tama.
08:53Sa 23 senador at kongresistang miyembro ng BICAM, labing isa lang ang humarap kahapon at personal na pumirma.
09:00Higit kalahati ang wala.
09:01Yung mga hindi nakapunta, nagpadala ng authorization for their e-signatures.
09:05All 11 BICAM members will vote in favor of the ratification of the Bicameral Conference Committee report.
09:12Naka-official business po sila sa ngayon.
09:15Nilinaw naman ni Swan Singh na hindi ni-impluensyahan ang liderato ng Kamara ang mga kongresista para bumoto sa 2026 budget.
09:22Yan yung matapos sabihin ni Batangas Rep. Leandro Leviste na inalok daw siya ng incentive na 151 million pesos na alokasyon sa 2026 budget
09:31ng isang abogadong nagpakilalang galing daw sa opisina ni Swan Singh.
09:35Hindi po ini-impluensyahan ng House leadership ang sino mang individual na miyembro ng kongreso, ng Kamara, na bumoto kung paano mang paraan.
09:47Yan ang unang balita. Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
09:52At dahil naman po, sa sobrang lamig na balot ng andap o ng frost ang ilang pananim sa Benguet.
09:58Sa paway sa bayan ng atok, nakapagtala roon ng negative 7 degrees Celsius na temperatura.
10:05Wow, sobrang lamig.
10:06Isa po yan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng andap sa mga dahon.
10:10Pangamba ng mga magsasaka, baka masira ang kanilang mga gulay.
10:13Gumagawa na lang sila ng paraan para kahit paano'y maiwasan o maibsan man lang ang epekto ng andap sa kanilang kabuhayan.
10:28Ilang araw bago ang bagong taon, tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga namimili ng mga paputok sa ilang stall sa Bukhawe, Bulacan.
10:41Ayon sa mga vendor mabenta ang mga paputok na tulad ng kwitis, lucis, fountain at aerial fireworks.
10:47Para naman sa mga bata, mabili na rin ang mga turotot.
10:51Bumigat na rin ang daloy ng trapiko sa ilang kalsada roon dahil sa dami na mga namimili.
10:5524 oras namang bukas ang tindahan ng mga paputok sa Mabalaka at Pampanga.
11:01Nakahilera ang firecracker stall sa gilid ng kalsada sa barangay Camacheles hanggang sa dao.
11:07Ayon sa Mabalaka at City Fireworks Association, kumpara sa nakaraang taon, mas mahina ang kita nila ngayon dahil sa mas mataas na presyo.
11:15Bahagya rin tumaas ang presyo ng mga panindang paputok sa Camarines Sur dahil nang galing parao sa Bulacan ang kanilang supply.
11:23Para maiwasan ang panganib, nakahanda na ang fire extinguisher, tubig at buhangin sa bawat stall.
11:30Patuloy rin ang pagbabantay ng mga otoridad.
11:33Sa Tupi, South Putabato naman, matumal pa ang bentahan sa ilang tindahan ng paputok.
11:38Ayon sa ilang vendor, posibleng dahil yan sa pagtaas ng presyo.
11:42Nagdagdag na sila ng iba pang paninda tulad ng turotot at ibang paingay para kumita.
11:47May paalala ang Department of Trade and Industry sa pagbili at paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
11:56Sabi ng DTI, siguraduhin bumili lamang sa mga lisensyadong manufacture.
12:00Dapat may Philippine Standard Quality mark yan mula sa DTI Bureau of Philippine Standards.
12:06Sa paggamit naman ng paputok, pinapaalala ng ahensya na basahin at sundin ang instructions nito.
12:12Huwag din daw pulutin ang mga paputok na hindi sumabog at huwag itong gamitin sa pangpa-prank ng mga tao.
12:19Panatilihin din nakasara ang mga bintana at pinto ng inyong mga bahay para maiwasan ang pagpasok ng mga ligaw na paputok.
12:27Kung magsisin din ang paputok, gumamit ng mahabang bagay at magsuot ng proteksyon sa mata tulad ng goggles.
12:34Para naman ligtas ang katawan sa ligaw ng mga paputok, magsuot ng cotton o denim na damit at magsuot ng sapatos.
12:41Siguraduhin din may nakahandang tubig at first aid kits sakaling magkaroon ng aksidente.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended