Skip to playerSkip to main content
  • 9 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 30, 2025


- Senado at Kamara, ni-ratify ang Bicam report para sa 2026 national budget | Unprogrammed appropriations, pondo ng PhilHealth, at MAIFIP, kabilang sa mga kinuwestiyon ng ilang senador | Ilang miyembro ng Senate Minority, tutol sa pag-ratify sa Bicam report ng 2026 budget; iba pang minority senators, hindi pumirma | Bicam report ng 2026 budget, tinutulan din ng ilang kongresista
- DSWD, nagbabala laban sa online surveys na may kapalit umanong regalo kapag sinagutan
- Mga bilog na prutas sa Mangaldan Public Market, mabenta na; inaasahang tataas pa ang presyo
- Ilang Kapuso stars, nagpasalamat sa kanilang manifestations na nagkatotoo ngayong 2025


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
01:00Dagdag niya, pinatibay rin ang pondo para sa kalusugan na may 447.6 billion kasama ang pagpapalakas ng zero balance billing sa DOH hospitals at piling LGUs.
01:12Ilang ahensya naman ang nakinabang sa realignment ng pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
01:19Kabilang ang sa PhilHealth na tumaas sa 129.78 billion pesos dahil sa mahigit 16 billion peso na realignment mula sa DPWH.
01:28Nasa 39.8 billion pesos naman ang pondo ng NDRRMC na nadagdagan ng 4.2 billion peso realignment mula rin sa DPWH.
01:39Pinakamataas din sa loob ng mahigit isang dekada ang 214.39 billion pesos na pondo ng agrikultura.
01:46Kaya ang pondo na ito, direkta raw mararamdaman ng taong bayan.
01:51Pero kailangan pa rin magbantay kung paano nagagastos ang budget.
01:55Numpisan na po natin ang mga reforma para sa isang bukas na proseso sa budget.
02:01Ang mahalaga ay magpatuloy, magpursagi at huwag magpatinag sa dating gawi at baluktot na sistema.
02:07Ilan sa senador na nasa plenaryong bumoto para maratipikahan ang BICAM report pero mayroong reservation.
02:27Tiniyak naman ni Gatchalya na may safeguards na ilatag para maggamit ng tama ang unprogrammed appropriations.
02:33Tungkol naman sa Medical Assistance o Indigent and Financially Incapacitated Patients Program o MAEFIP,
02:41ang reservation ni Senador J.V. Ercito.
02:44My reservation arises from the steep rise in the budget allocated for the MAEFIP,
02:48which has doubled compared to the amount requested in the National Expenditure Program.
02:53Patungkol naman sa PhilHealth, ang pasubali ni Senador Loren Legarda.
02:57My reservations arise from the national government's continued failure
03:03to remit PhilHealth's actual legally mandated sin tax revenues from year 2023 onwards
03:13and statutory shares from PCSO and PAGCOR since 2019,
03:20undermining the Universal Health Care Act
03:23and delaying the transition to an institutionally guaranteed zero out-of-pocket care framework
03:30in public health utilities and facilities.
03:33Si Sen. President Soto ang naglahad ng votong yes ni Sen. Pro Tempore Ping Lakson na wala sa sesyon.
03:39He voted yes with strong reservations regarding the MAEFIP and the AICS just to manifest
03:48that the national budget must not be a political tool and free from political exploitation.
03:56Binasa niya rin ang votong yes si Sen. Kiko Pangilinan, bagaman may gustong ipavito na probisyon.
04:02The reservation of Sen. Pangilinan, although positive of course, yes, he voted yes.
04:08He was reservations on the authorization of the DA to enter a MOA with DPWH for FMR implementation.
04:19So only DA and LGU ang proposal niya siyempre.
04:22Bumoto ng NOH o kontra sa ratifikasyon ng BICAM Report
04:26si na Minority Sen. Robin Padilla at Rodante Marculeta.
04:31Tila bumalik sa dating forma ang mga alokasyon na may ingat nating binantayan.
04:36It seems that we have let our guards down in deterring provisions prone to abuse and political patronage.
04:44Hindi naman pumirma sa BICAM Report si na Sen. Ronald Bato de la Rosa, Sen. Bongo at Sen. Aimee Marcos.
04:52Hindi pa batid ni Gatchelia ng dahilan ng mga kapwa-senador.
04:55Pero paniwala ni Sen. President Vicente Soto III na magiging corruption-free ang 2026 budget.
05:02Depende kung paano ito babantayang gastusin, lalo na ang mga infrastructure projects.
05:08Wala pa namang isang minuto ay natapos na ang sesyon ng Kamara
05:12at naratipikahan ang BICAM Report para sa P6.7 Trillion Peso 2026 National Budget.
05:19May mga kongresistang sumubok, tumutol at ipaliwanag ang kanilang boto.
05:24So nakakagulat, nakakadismaya na gano'n kabilis yung ginawa nila.
05:30Mukhang, you know, orchestrated siyempre yung mga ganyan na mga laro.
05:36Pero depends sa dyan.
05:38Ni Nueva Ecija Representative Micaela Swan Singh, na Chair ng House Appropriations Committee.
05:43Pag viva voce po, usually hindi na ina-explain yung vote.
05:47Wala pong pork barrel sa 2026 gaah at makikita niyo po na mayroon pangang safeguard na inilagay tayo
05:55which again is that prohibition on political involvement in the distribution of cash and other financial aid.
06:01At hindi rin totoo na pork free ang budget na ito.
06:06Mahigit 58 billion ang nadagdag sa mga lump sums para sa LGU, para sa mga infrastructure projects at ayuda na idadaan na sa LGU ngayon.
06:19Kung dati sa mga distrito, ngayon sa LGU.
06:22Ngayong naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang BICAM Report, ukol sa General Appropriations Bill, ipapasa na ito sa Pangulo para sa kanyang pirma.
06:33Una ng sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na sa unang linggo ng 2026 sinasahang pipirmahan ng Pangulo ang national budget.
06:41Kognay naman ang report ng PCIJ o Philippine Center for Investigative Journalism na ang distrito niya ng kanyang kapatid at Speaker Bojie D.
06:51Ang may pinakamalaking DPWH insertions sa 2026 budget, sabi ni Swan Singh.
06:57Wala pong insertions sa ating budget. Wala pong tago na mga pondo na o programa na isiningit sa budget.
07:04Lahat po ito ay dumaan sa masusing deliberation ng Kongreso at lahat po ito ay nakabase doon po sa mga in-endorse ng mga district engineering offices ng kanyang-kanyang mga distrito base po sa mga pangangailangan.
07:21Ito ang unang balita. Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
07:26Nagbabalang sa Department of Social Welfare and Development laban sa mga peking online survey na sinasabing mula o mano sa kanila.
07:35Ayon sa DSWD, kapalit daw ng pagsagot sa survey ay regalo o mano mula sa kanilang kagawaran.
07:41Red flag yan dito sa rated UB. Hindi raw ito galing sa DSWD.
07:48Posible raw na ginagamit ito para manakaw ang inyong personal na impormasyon.
07:52Para matiyak na green flag, siguraduhin galing ang post sa official online accounts ng DSWD.
07:59Sa mga aldan public markets sa Pangasinan, mabenta na ang mga bilog na prutas para sa bagong taon.
08:05Tradisyon na raw ito ng mga residente roon kaya marami ang bumibili kahit bahagyan tumaas ang presyo ng round-shaped fruits.
08:1215 pesos hanggang 35 pesos ang kada piraso ng mansanas, peras at orange.
08:17Nasa 20 hanggang 25 pesos naman ang kada piraso ng kiwi at lemon.
08:21Mabibili naman ang kada piraso ng pinya at melon ng 50 hanggang 75 pesos.
08:27Ang pakuan, 100 hanggang 250 pesos ang presyo kada piraso, depende sa laki.
08:32Nasa 200 pesos naman ang kada kilo ng ubas at longgan.
08:35Habang 100 piso ang isang net o supot ng kiat-kiat.
08:39Ayon sa ilang nagtitindaasahan, tataas pa ang presyo ng mga prutas ngayong araw at bukas na bisperas ng bagong taon.
08:51Hasa grateful ang ilang sparkle stars para sa kanilang manifestations na natupad ngayong 2025.
09:02Kung ano-ano mga yan, alamin natin sa unang shika ni Nelson Canlas.
09:05Marami sa mga kapuso stars ang naniniwala that 2025 is their lucky year.
09:15Kaya naman nang tanungin namin ng ilang celebs na magbalik-tanaw sa taong ito at ano ba ang kanilang winish, big or small, na nagkatotoo.
09:24Queen of manifesting na ata si Shuvie Etrata dahil lahat daw ng kanyang hiniling mula sa karyer hanggang sa mga kagamitan achieved niya in 2025.
09:35Promise po talaga, manifestation is real. As long as you work hard for it and you really believe in it.
09:42So nung nag-start ako dati, ano ko lang yung magkaroon ng sasakyan. Diba? Ano ko lang yun, minanipis ko lang yun. Nang nangyari.
09:50Milestone sa pagiging artista ang pinangarap naman ni Allen Ansay at natupad ito ngayong taon.
09:57Meron yung first movie. Kasi talagang before, pangarap ko talaga magkaroon ng movie and natupad yun.
10:05And yung karakter ko pa doon talagang malalim.
10:08Career advancement din ang hiniling ni Ashley Ortega.
10:12At pagkatapos maging housemate sa PBB Celebrity Collab Edition, nakamit niya ang matagal ng pangarap.
10:19Nako, napakarami po. Hindi lang isa. Unang-una gusto ko magpasalamat kay Papa Jesus.
10:24Pangalawa, sa lahat ng mga fans ko talaga. Sila talaga yung highlight ko this year. Sila yung naramdaman ko talaga yung pagmamahal nilang lahat.
10:33Same goes with skater actress Sky Chua na dati pangarap lang makasama sa isa sa biggest telepantasya on TV.
10:41Always grateful for everything, every milestone. Mga shows ko, napasama po ako sa Encantad yan. Ako, napaka-laking project nun.
10:51Success naman sa negosyo ang naging hiling ni Kapusuhang Kim Sontan.
10:56Siguro, ano, mas umaki ang business. So, feel ko na na-achieve ko naman siya this year. And looking forward to open more before 2025 ends.
11:07Para naman kay Prince Clemente at Chef Moses, ang mga aral na dumating sa kanila at ang patuloy pa rin napapaligiran ng pagmamahal,
11:16ang kanilang parating hiling at patuloy na na-achieve sa taong ito.
11:21Ayun talaga ang pinaka-importante naman, yung magkakasama kayo sa bahay, lahat kayo masaya, okay kayo ng family mo.
11:27Ang dami kong lessons na natutunan this 2025. Ang daming setbacks actually, but pero sobrang grateful ako kasi hindi ako pinapabayaan ni God yung work. Sobrang happy ako.
11:40Ito ang unang balita, Nelson Canlas para sa GMA Integrated News.
11:45Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments

Recommended