Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 30, 2025


- Ika-129 na death anniversary ni Gat Jose Rizal, ginugunita ngayong araw
- Ilang mamimili, dumidiskarte para makompleto ang 12 prutas sa pagsalubong ng bagong taon
- Ilang tindahan, nasunog matapos may magsindi ng paputok; 2 lalaking nagsindi, nakatakas
- Puwersahang nanguha ng mga dokumento si Rep. Leandro Leviste, ayon sa staff ni dating DPWH Usec. Cabral | Staff ni Cabral: Nasugatan ang dating Usec. matapos makipag-agawan ng dokumento kay Rep. Leviste | Rep. Leviste, itinangging nakipag-agawan siya ng mga dokumento kay Cabral | DPWH Sec. Dizon, itinangging may basbas niya ang ginawa ni Leviste sa opisina ni Cabral | PNP Forensic Group: Walang indikasyong itinulak sa bangin si dating Usec. Cabral, batay sa 3D scans | PNP Forensic Group: Fingerprints ng bangkay na natagpuan sa Kennon Road, tugma sa 2014 record ng fingerprints ni Cabral


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00Welcome to the Rizal Day.
00:30Nang pambansang bayani na si Gat Jose Rizal dito sa Luneta Park,
00:33pangunahan, pinangunahan, ipangulong Bombo Marcos ang programa na nagsimula kanina alas 7 na umaga.
00:38Nagsagawa ng flag racing at re-playing dito mismo sa Rizal Shrine.
00:42Kasabay nito ay meron din mga isinasagawang mga programa sa Rizal Shrine sa Calamba City, Laguna,
00:48o saan siya pinanganak, at sa Dapitan City sa Sambuanga del Norte kung saan siya nanirahan din.
00:52Ang tema ngayong umaga, Rizal sa pagbangon ng mga mamamayan, aral at tiwa niya, ang tunay na gabay.
00:58At sa buong bansa ay magkakaroon din ng pag-half mass ng mga watawat bilang pagkilala sa kabayanihan ni Rizal.
01:04Sa ngayon na ito, tapos ang seranmong niya at yung mga kaanak ni Rizal ay narito sa Mirizal Shrine
01:09para mag-alay din ng kanilang mga bulakla.
01:13Ito ang unang balita mula rito sa Luneta, Bamalagre, para si GMA.
01:16Thank you very much.
01:23Mabenta na mga itinuturing na pampaswerte sa pagsalubog sa bagong taon ng ilan.
01:29May diskarte para makompletong labindalawang prutas na kanilang iyahanda.
01:33Live mula sa Maynila, may unang balita si James Agustin.
01:36James, anong diskarte ba yan?
01:38Ivan, good morning.
01:43Yung iba nating mga kapuso mamimili kung yung tight ang budget ay tigitigis ang klase na lang ng prutas yung binibili
01:49para pumasok lamang dun sa labing dalawang klase ng prutas na pampaswerte sa pagsalubong sa bagong taon.
01:55Walang patid na nga po yung paglating ng mga mamimili dito sa Binondo, Maynila
01:59para dun sa mga bilog na prutas at iba pang pampaswerte.
02:02Galing malabon si Jomer at kanyang live-in partner na si Annabelle.
02:09Ang target nila kaya maaga sa Binondo sa Maynila, makompletong labing dalawang prutas para sa pagsalubong sa bagong taon.
02:15Naka-sanayan na po eh, taon-taon.
02:18Pero maa, nakakalimang taon na rin po ang kasanayan.
02:22Lagi na lang ginagawa pagka ating New Year.
02:26Sana, paswerte yun sa susunod taon.
02:29Ganon lang din po.
02:30Mas okay kasi maaga dati kasi maraming taong.
02:33Dumayo rin sa Binondo si Jaina galing sa Marikina.
02:36Sa isang tindahan pa lang nakabili na siya ng anim na klase ng prutas.
02:39Mas maganda yung dito mamili kesa sa lugar namin, medyo mura kasi dito eh.
02:45Siyempre, pag bilog pera yan eh, kailangan for whole year.
02:50Ang mga tightang budget may diskarte.
02:53Tigisang piraso ng prutas ang binibili para makompletong labing dalawang klase.
02:57Kailangan makompleto lang para masunod po yung para sa darating na taon.
03:02Tradisyon po natin.
03:04Yan po yung importante.
03:06Mabibili sa 3 for 100 pesos ang Fuji Apple.
03:09Sa gada seedless orange, persimmon at peras.
03:134 for 100 pesos ang pongkan at lemon.
03:15350 pesos ang 1-4 kilo ng cherry.
03:18100 pesos per pack ang kiyat-kyat.
03:20Habang 40 pesos ang kada peraso ng kiwi.
03:23Bagyang tumahas naman ang presyo ng seedless red at green grapes.
03:27Sa 300 pesos per kilo.
03:29Maging yung longgan at 250 pesos per kilo.
03:31Mas okay kesa sa isang taon.
03:33Ayawang ko lang sa kanila kasi sa akin ganun ang anak ko eh.
03:37Ano po pinakamabenta?
03:39Halos lahat.
03:40Wala lang ang pili-pili.
03:41Basta makabuo lang ng 13 o 12.
03:45Yun ang importante sa kanila para lang may maihain sa mesa.
03:49Mabenta rin ang ibang pampaswerte gaya ng mga chocolate coins na 20 pesos hanggang 150 pesos depende sa klase.
03:56Mabibili naman ang mga puting t-shirt na may nakasada Happy New Year sa 150 pesos kada peraso.
04:02Cloud Dancer kasi ang color of the year sa 2026.
04:06Ang mga toyong palay na karaniwang isinasabit sa mga pintuan.
04:0925 pesos ang kada isa.
04:10Pang lucky charm lang ba?
04:13Pero legit naman.
04:14Mabenta naman po siya.
04:16Tapos araw-araw nakabenta rin kami ng marami ganun.
04:19Minsan nyo nakukulang pa kami ganun.
04:21Basta yung hindi namin binibenta to.
04:23Siguro for use na namin binibenta.
04:24Samatala Ivan, ito yung sitwasyon dito sa Santa Elena Street sa Binondo, Manila.
04:35Kung makikita mo, siksika na talaga.
04:36At napakadaming mga namimili po ng mga pampaswerte at mga bilog na prutas.
04:40At yung mga tindahan po dito, hilera din.
04:43Lalo na nung mga nagibenta ng mga prutas.
04:45Bukas na po ito, 24 oras simula pa nung weekend.
04:47At magtatagala po yan hanggang bukas, bisperas na ng bagong taon.
04:51Yan na unang malita po.
04:52Pumula rito sa Maynila, ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
04:56Nasunog ang ilang tindahan ng paputok sa Barili, Cebu
04:59nang may magsindi ng triangulo
05:02at nahihagi sa nakadisplay na paputok na sinturo ni Judas.
05:06May unang balita live si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
05:11Nico, mayong buntag.
05:15Mayong buntag, Maris, namong problema na nga ngayon.
05:18Itong mga firecracker o stallholders at owners sa bayan ng Barili
05:22sa malaking lugi nga sa kanilang negosyo matapos ang nangyayaring sunog noong nakaraang gabi.
05:28Ito ang video na kuha ni JP Vincola sa nasunog na mga tindahan ng paputok.
05:39Ayon silang tao, higit pa sa ingay sa pagsalubong ng bagong taon ang kanilang nasaksihan.
05:46Natanggap ng Barili Fire Station ang alarma alas 9.33 ng gabi.
05:51Rumisponde sila at naapula ang apoy matapos ang mahigit sampung minuto.
05:56Sa imbistigasyon ng BFP Barili, may dalawang lalaking bumili ng paputok na triangle
06:01at sinindihan ito ng isa sa kanila.
06:04Naitapon niya ang paputok kung saan nakadisplay ang 1,000 rounds ng Judas Belt.
06:11Dito na madaling kumalat ang apoy na tumupok sa katabing mga tindahan ng paputok.
06:15Na hawakan ng mga tao sa lugar ang dalawang lalaki.
06:19Ngunit nakataka sila nang subukan ng mga tao na tumulong para maapula ang apoy.
06:25Pero naiwan ang mga lalaki ang kanilang sinakyang motorsiklo
06:28na nakuhanan ng plate number bago madamay ito sa sunog.
06:32Umaasa ang BFP na sa tulong ng plaka ay matutukoy nila ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki.
06:39Huwag ko magdaom ni himong, himong mingihingo na ito kahit may nagkakuha ng storm na may nakuhan.
06:51Apil mo ba ang storm may labot?
06:54May tamakonsensya ka kayo sa amin ni himong, mapaligtadhan na ni himong sa ibang pamilya.
07:00Problema ngayon ng mga apektadong negosyante kung paano mababawi
07:04ang kanilang puhunan na nasa 70,000 hanggang 300,000 pesos.
07:09Sa isang pulong na ipinatawag ng BFP,
07:25iginiit ng mga may-ari at nagbebenta ng mga paputok
07:28na sinunod nila ang mga alituntunin
07:30para masigurong ligtas ang kanilang pagbebenta ng mga paputok
07:34tulad ng paglalagay ng mga signages, tubig at iba pa.
07:39Anim na stall ang hindi nasunog,
07:41ngunit naghihintay pa ng ghost signal kung maaari silang magpatuloy sa pagtinda.
07:47Inaasahang magpupulong pa ang BFP kasama ang kanilang katuwang sa PNP
07:52at lokal na pamahalaan upang maglatag ng dagdag ng mga hakbang
07:57para maiwasang maulit ang nasabing insidente.
08:00Ang panawagan sa Duhakataw na nipalit, kung wala mo'y intensyon,
08:06nga inyong gitong-gituyo,
08:09ari mo dire sa station kaya para itong maisturyahan.
08:12Samantala, dito naman, Marisa, kinalalagyan natin sa natatanging firecracker selling area
08:22dito sa Cebu City, sa South Road Properties.
08:25Maagang nagbukas ang ilang mga stallholders dito.
08:28Sa mga oras ito, may mga pumunta na para bumili ng mga paputok
08:32para sa kanilang pagsalubong sa bagong taon bukas ng gabi.
08:36Mahigpit na ipinapatupad ang mga regulations dito
08:39para masigurong ligtas ang pagbebenta.
08:42Maris?
08:43Dagang salamat, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
08:55Tugma sa record ng fingerprints ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
09:00ang bangkay na natagpuan sa Cannon Road ayon sa PNP Forensic Group.
09:04Ikinwento naman ang dalawang staff ni Cabral ang puwersahan o manong pagkuha
09:08ni Batangas Rep. Leandro Leviste ng mga dokumento sa kanilang opisina
09:12na itinanggi ng kongresista.
09:15Mayunang balita si Joseph Moro.
09:20Kuha ito ng pagpunta ni Batangas First District Rep. Leandro Leviste
09:24sa opisina ni dating Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral
09:29noong September 4, 2025.
09:31Sa video nito, nakuha pasado ala 5 ng hapon na.
09:35Makikita ang lalabas si Leviste mula sa opisina ni Cabral
09:38at pupunta sa programming office sa kaparehong floor.
09:42Kasunod niya si Cabral.
09:43Sa isa pang kuha ng CCTV, lalabas si Cabral at Leviste mula sa programming office.
09:49Si Leviste may hawak na mga papel habang tila may ipinapaliwanag sa kanya si Cabral.
09:54Ito yung opisina ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral dito sa DPWH Central Office.
10:01Walang CCTV sa loob at ayon sa mga staff na nakausap natin,
10:05ang hindi nakita sa CCTV ay yung mga naging aksyon ni Batangas Rep. Leandro Leviste
10:11kung saan may hinahanap siya ng mga dokumento kay Cabral.
10:16Parsahan o manong nanguha si Leviste ng mga dokumento
10:19at kumopya ng mga files sa computer sa opisina ni Cabral at programming office.
10:25Hiniling nilang itago ang kanilang pagkakakilanlan dahil sa takot para sa kanilang seguridad.
10:30Ayon kay Kim, hindi niya tunay na pangalan,
10:33hinahanap ni Leviste kay Cabral ang mga proponent o pangalan
10:37na mga mababatas para sa mga proyektong nasa General Appropriations Act o GAA ng 2025.
10:42Nakita po namin sa loob, parang si Kong po, kuha siya ng kuha ng mga dokumento.
10:49Hawak niya po yung phone niya, tapos binibideohan niya po lahat ng mga papel.
10:56Tapos si ma'am po, parang Kong, huwag naman, ano po bang kailangan niyo para niya prepare naman na.
11:03Tapos that was the time na medyo tumaraas na po yung boses ni Kong.
11:08Ang sabi niya po noon na bakit may tinatago ba kayo?
11:11May isang pagkakataon ding nasugatan si Cabral dahil sa pakikipag-agawan ng dokumento kay Leviste.
11:18Pagkapasok po namin, naalala ko po, yung kamay ni ma'am na kaganon,
11:23ang dami pong dugo sa damit niya, yung ibang papel po noon eh, mayroon mga dugo din.
11:31Si Kong nag-video lang po, nagtuloy-tuloy lang siya, nag-video, nagtitake ng pictures.
11:37And then, doon na po kami nakiusap kay Kong na baka Kong pwedeng huwag naman ganito.
11:45Huwag naman, kasi may sugat na po si mami.
11:47Dito makikita na tila may bandage na sa kamay si Cabral habang may kausap ito sa telepono.
11:54Para daw mapayapa si Leviste, iniutos ni Cabral na bigyan ito ng kopya ng listahan
11:58na National Expenditure Program at GAA na nakalagay ang pondo sa mga distrito para sa taong 2025.
12:05It doesn't necessarily mean po na sila po yung nag-propose.
12:10Kasi kami, pinaplatnan namin kung ano talaga yung nasa official document,
12:16kung how much talaga ang napunta doon sa distrik na yun, sa NEP and sa GAA.
12:20Hindi yan yung request.
12:22Hindi.
12:23Request ang mga pondo, kung mga pasinit.
12:25Ah, hindi po. Hindi po.
12:27Kung saan located yung project, doon nakalagay yung allocation.
12:42Pero dahil natagalan ang pagpiprint ng dokumento,
12:45pinuntahan na ni Leviste ang opisina kung saan ito piniprint.
12:49Doon daw, sapilit lang ng ngopya na mga files galing sa computer si Leviste.
12:54Umupo po doon si Kong.
12:57Tapos nagkalikot-kalikot na siya ng mga mouse, ng keyboard.
13:03Sinabi ko naman hunab kung huwag naman ganito.
13:07Umabot pa nga po ako sa point na sabi ko kung empleyado lang kami,
13:10baka pwedeng huwag naman kami damay.
13:13Nakikita ko na po si ma'am.
13:15Tinginig na siya tapos tumitingin siya sa amin.
13:17Tumigil na lamang daw si Leviste nang dumating si Cabral.
13:21Pasado alasais ng gabi, umalis si Leviste sa DPWH.
13:25Nagdesisyon daw silang magsalita ngayon dahil si ginagawa na rin ni Leviste.
13:30Ayon kay Leviste, pumunta nga siya sa opisina ni Cabral
13:33pagkatapos niyang puntahan ang isang assistant secretary ng DPWH.
13:37Itinanggi ni Leviste na nakipag-agawan siya ng mga dokumento kay Cabral.
13:42I vehemently deny na may inagawan akong dokumento from Jose Cabral.
13:48At ang tanong ko po, bakit ngayon lang po iyang sasabihin kung totoo man yan?
13:52Tinanong namin si Leviste kang totoo rin na nangopya siya ng files mula sa isang computer
13:57at kung ano ang mga nakuha niyang dokumento.
14:00You were able to get some documents from the desktop.
14:04Hindi mo na sabihin.
14:05I hope that the public can see na lahat ng direction ko ay para maging transparent tayo sa budget.
14:13Anong file na kuhang ko, sir? Kung meron?
14:16Basta ang sinasabi ko kay Secvince, huwag nang tanong yan anong meron ako.
14:21Ilabas mo lang lahat ng meron ka.
14:22Ang mga ginawa daw niya sa opisina na Cabral, may bas-bas ni DPWH Secretary Vince Disson.
14:28At hindi rin daw niya ginagamit lamang si Cabral.
14:31All of this was with the authorization of Secvince.
14:33Kasi muli, andun nga po si Jose Cabral, on the phone naman si Secvince.
14:40Wala naman nagsabi sa akin na huwag mong gawin yan.
14:44Bagay na itinanggiin ni Disson.
15:00Nasa ombudsman na rin daw ang mga dokumento.
15:03Documents are already with the ombudsman. So, the ombudsman will decide what to do with those documents.
15:09At kung hindi man daw nila ipinablotter o nireport sa pulisya ang ginawa ni Leviste.
15:13Inilabas naman ang resulta ng 3D scanning ng PNP Forensic Group sa bangin kung saan natagpuan si Cabral.
15:30Natagpuan ang kanyang labi 0.2 hanggang 0.8 meters lamang ang layo mula sa paanan ng bangin.
15:36Indikasyon daw ito na walang tumulak sa kanya.
15:38Kung tinulak ito, chances are lalayo pa pa siya doon.
15:43So, makikita nyo dito na ang kamay niya, yung palm ng kamay niya ay may gasgas din po.
15:49Pati yung likod may gasgas din po.
15:51So, ang laki po ng probabilidad na nagpadaos-dos po talaga siya.
15:55Batay sa toxicology test, nagpositibo si Cabral sa isang antidepressant drug na posibil na nagkaroon daw ng negatibong epekto sa kanya.
16:03Sa taya ng Forensic Group, namatay si Cabral sa pagitan ng alas 3 at alas 5 ng hapon noong December 18.
16:09Pagbagsak sa lupa, unang tumama ang kanyang paa bago nabagok ang kanyang ulo.
16:14Batay sa bali sa bukong-bukong, binti, hita at dislocated hip joint.
16:19Wala pang DNA test dahil walang ibinigay na DNA sample ang kanyang mga kaanak.
16:23Pero ayon sa Forensic Group, walang dudang kay Cabral ang bangkay dahil tugma ang fingerprint ito na nasa 2014 record ng NBI.
16:30Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended