- 5 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 22, 2025
- Maximum srp sa karneng baboy, patuloy na ipinatutupad ng Dept. of Agriculture | Presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan, mas mataas sa maximum SRP dahil mahal daw ang kuha nila sa supplier | Ilang mamimili, kaniya-kaniyang diskarte sa pagbili ng karneng baboy
- Sikat na tindahan ng hamon sa Quiapo, pinilahan na kahit sarado pa
- Ilang pa-probinsiya sa Manila Northport, ngayong araw piniling bumiyahe
- MMDA: Provincial buses, pansamantalang pinapayagan sa EDSA ngayong holiday season
- Rep. Leviste: Ilang mambabatas at private individuals, kabilang sa proponents ng budget insertions ayon sa mga dokumento mula kay dating DPWH Usec. Cabral | PNP, iniimbestigahan ang nangyari sa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Cabral
- P243B na inilagak sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget, pinuna ng ilang mambabatas | Sen. Gatchalian: Maraming ahensiya at politiko ang nagpahabol ng proyekto sa Bicam | Enrolled bill ng 2026 national budget, nakatakdang pirmahan ng Kongreso sa Dec. 28
- DOH: Mass immunization kontra-tigdas,
sisimulan sa January 2026
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Maximum srp sa karneng baboy, patuloy na ipinatutupad ng Dept. of Agriculture | Presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan, mas mataas sa maximum SRP dahil mahal daw ang kuha nila sa supplier | Ilang mamimili, kaniya-kaniyang diskarte sa pagbili ng karneng baboy
- Sikat na tindahan ng hamon sa Quiapo, pinilahan na kahit sarado pa
- Ilang pa-probinsiya sa Manila Northport, ngayong araw piniling bumiyahe
- MMDA: Provincial buses, pansamantalang pinapayagan sa EDSA ngayong holiday season
- Rep. Leviste: Ilang mambabatas at private individuals, kabilang sa proponents ng budget insertions ayon sa mga dokumento mula kay dating DPWH Usec. Cabral | PNP, iniimbestigahan ang nangyari sa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Cabral
- P243B na inilagak sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget, pinuna ng ilang mambabatas | Sen. Gatchalian: Maraming ahensiya at politiko ang nagpahabol ng proyekto sa Bicam | Enrolled bill ng 2026 national budget, nakatakdang pirmahan ng Kongreso sa Dec. 28
- DOH: Mass immunization kontra-tigdas,
sisimulan sa January 2026
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00E.J. Gomez
00:23E.J.
00:30Igan, may ipinatutupad na maximum suggested retail price o MSRP sa karneg baboy ang Department of Agriculture.
00:38Pero di pasok dyan ang presyo na itinitinda o pinapatupad ng mga nagtitinda sa palengke
00:43dahil sabi nila malulugin na raw sila kung susundin ang MSRP, lalo na raw ngayon na mas tumumal ang bentahan ng baboy.
00:52Tuwing Desyembre, kalimitang nagtataasan ang ilang bilihin sa palengke,
01:00lalo na ang mga pangunahing sangkap sa mga putahing iniluluto sa noche buena at medyanotche, gaya ng karneng baboy.
01:08Kaya para maprotektahan ang mga mamimili, patuloy na ipinatutupad ng gobyerno ang maximum suggested retail price sa karneng baboy.
01:16370 pesos ang MSRP sa kada kilo ng liyempo, habang 330 pesos sa kasim at pigi.
01:24Kung ikukumpara ang presyo sa ilang palengke, gaya rito sa Marikina Public Market,
01:29mas mataas ng 20 pesos hanggang 30 pesos sa MSRP ang tindang karneng baboy.
01:35Ang kada kilo ng liyempo, ibinibenta sa 380 pesos hanggang 400 pesos.
01:41Ang kasim, 340 pesos hanggang 350 pesos.
01:45Nananatili ring mataas ang pata at ribs na 330 pesos ang pinakamababang presyo kada kilo.
01:53Sabi ng tinderang si Vina na pipilitan lang daw silang magtaas ng kanilang presyo dahil mahal din ang kuha nila sa supplier.
02:01Matumal din daw ang bentahan itong mga nakaraang linggo.
02:04Alam naman po na may SRP, kaya alam po, yung presyo po kasi sa supplier mataas pa rin po talaga.
02:11At matumal din po talaga yung bentahan.
02:14Kaya mataas pa rin po talaga yung bentahan ng baboy.
02:16Dati po kasi mas marami silang bumili. Ngayon po, unti-unti na lang.
02:21Ang dati raw tigli limang kilo ng baboy na binibili ng kanyang mga suki,
02:25nasa dalawang kilo na lang daw dahil sa mataas na presyo.
02:29May araw na nga raw na nasa san libo o mas mababa lang ang kita niya sa maghapong pagtitinda.
02:36Masaklak pa raw kapag di pa naubos ang kanyang mga paninda.
02:40Ang ilang tindera na dati raw kumukuha ng isang buong baboy,
02:44kalahati na lang daw ang ino-order dahil sa tumal at mababang demand.
02:49Ang mamimiling si Marvy, nasasagad na raw sa araw-araw na lang na pagdiskarte
02:54para kahit papaano ay may kitain pa rin sa negosyo niyang barbecuhan.
02:59Ang nooy 3,000 pesos niya raw na budget sa pagbili ng karneng baboy,
03:04napilitang itaas na sa 5,000 pesos.
03:08Sa darating na Noche Buena raw, adobo at minudo na lang ang putahing baboy
03:12na lulutuin niya para sa pamilya.
03:15Para magkasya yung pera po, dagdagan na lang po ng ulay.
03:18Dapat bumaba na po yung presyo ng baboy.
03:21Kasi sobrang taas po talaga ng presyo po.
03:23Igaan, sabi ng mga nakausap natin nagtitinda ng karneng baboy,
03:33talagang napipilitan lang daw silang itaas yung kanilang presyo para makabawi sila.
03:38Baka nga raw, mas tumaas pa nun ng kaunti yung presyo sa mga susunod na araw
03:42hanggang matapos itong taong 2025.
03:45Sabi naman ng DA, ang mas matumal na bentahan ng karneng baboy
03:49ay marahil dahil sa mas maraming Pinoy na raw
03:52yung pinipili na lang na bumili ng lutong putahing baboy.
03:56At yan, ang unang balita mula po dito sa Marikinas City.
04:01EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
04:05Madaling araw pa lang, may mga nakapila na sa labas ng sikat na bilihan ng hamon
04:10sa Quiapo, Maynila.
04:12At may unang balita live, si James Agustin.
04:16James!
04:16Ika, good morning.
04:21Hindi pa man bukas yung sikat na bilihan ng hamon kanina dito sa Quiapo, Maynila
04:25ay may pila na ng mga customer.
04:30Ika nga, maspesyal ang Noche Vena kapag may hamon.
04:33Kaya naman maagang pinipilahan ang sikat na bilihan niyan dito sa Quiapo.
04:37Ang nasa unahan ng pila, alas 4 pa na madaling araw nagtungo rito.
04:40May git-anim na kilo ang bibili niya na panregalo sa mga kaanak sa Bulacan.
04:44Mayroon din naman bibili para pagsaluhan sa Pasko at bagong taon.
04:48Ang iba galing pa sa malalayong lugar.
04:50Mabibili ang Chinese ham mula 1,880 pesos to 2,000 pesos per kilo.
04:55Ang pineapple ham naman ay 1,360 pesos per kilo.
04:59Mabenta ang scrap ham na 1,800 pesos per kilo.
05:02Mayroon din bone-in ham na 1,920 pesos per kilo.
05:06Habang ang debone ham ay 1,820 pesos per kilo.
05:10Marami rin po bumipila rito pagkakailang mas maaga para maauna kami sa pila.
05:20Ano nga gawin nyo ito sa ham?
05:21Ang pangalagal?
05:22May bibigay sa kapamilya nila.
05:24Daon-taon na.
05:25Daon-daon pag-aadap.
05:26Pagsisimba mo na.
05:27Tapos nila na dito.
05:28Sarap talaga yung ham dito.
05:30Bata pa kasi ako, dito na kami bumibili.
05:32Samantala, Igan, pasado alas 7 na umaga na magbukas ito pong sikat na bilihan ng hamon po dito sa Quiapo, Maynila.
05:39At yung mga nakapila po ng mga customer dito sa Carlos Palanca Street kanina ay na-accommodate naman ngayon doon sa loob.
05:46At marami pa po ng mga customer na nagtutungo ngayon dito sa Quiapo, Maynila.
05:50Yan ang unang balita po mula dito sa Maynila.
05:52Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
05:55May ilang pong biyahero sa Manila Northport na ngayon piniling lumuwas papunta ang probinsya.
06:00Kumustahin natin ang sitwasyon doon sa unang balita live ni Manny Vargas sa Super Radio DZWB.
06:06Manny?
06:07Yes, magandang maga.
06:09Patunong yung pag-ating ng mga kababayan ating papiyahe patungo ng iba't-ibang destinasyon sa bahagi naman ng Mindanao ngayong araw na ito ng lunes.
06:17Kanina, isang barko na ang nakapaglayaga habang mamayang gabi nga ang ikalawang barko na patungo rin ng Mindanao.
06:24Una ng bumiyahe ayon sa mga tauha na Manila Northport,
06:26at ang MV St. Michael the Archangel na papuntang sa Mwanga Sakay ang nasa 1811 mga pasehero.
06:34Parating naman mula Coron at Puerto Princesa sa Palawan ang MV St. Francis Xavier.
06:39Ito ay babiyahe mamayang alas 7 ng gabi kung saan isasakay nito ang nauna ng mga nagparito na mga pasehero na umaabot sa 1388.
06:49Sila ay patungo ng destinasyon ng Usamis, Butuan at ng Siargao.
06:54So, inaasahang ang mga biyahing ito ay makararating na bukas o kaya ay sa mismong bisperas ng Pasko
07:00para makapagbiwang kasama ang kanika nilang mga mahal na puway, ang mga lulan na pasehero.
07:07Mahitpit naman ang seguridad dahil pinatutupad dito sa pantalaan para matiyak na rin ang kaligtasan ng bawat pasehero
07:12kabilang na ang pagsuri sa mga dinadala nilang mga bagahe.
07:17Maris?
07:18Maraming salamat, Manny Vargas, ng Super Radio DZWB.
07:21Pansamantalang pinapayagan na dumaan ang mga provincial bus sa EDSA.
07:27Papayagan sila tuwing off-pick hours o alas 10 ng gabi hanggang alas 5 na umaga kinabukasan.
07:33Ayon po sa MMDA, simula naman sa bisperas ng Pasko hanggang January 2, 2026.
07:3824 oras na silang pwedeng dumaan sa EDSA.
07:41Ang mga galing North Luzon hanggang sa mga terminals sa Cubao, Casano City, pwedeng magbaba ng pasahero.
07:48Ang mga galing South Luzon naman hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange at sa Pasay Terminals pwedeng mag-drop off ng pasahero.
07:57Ayos sa MMDA, ilayon nito mapabilis ang pagdating at pag-alis sa mga terminal ng mga bus na babiyahe ngayong holiday season.
08:03Kapilang daw ang ilang mababatas at privado individual sa mga proponent na budget insertions
08:10batay sa mga dokumentong hawak ni dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
08:16Ayon po yan kay Batangas First District Representative Leandro Leviste.
08:21Sabi ni Leviste, ibinigay ni Cabral sa kanya ang mga dokumento noong September 4,
08:26dalawang linggo bago magbiting sa pwesto ang dating opisyal.
08:29Naipakita na raw ito ni Leviste sa ICI nitong Nobyembre.
08:33Pero isa sa publiko lang niya ito kung sasabian siya ni DPWH Sekretary Vince Nison na gawin ito.
08:39Dito na karang linggo na matagpang patay si Cabral sa Tuba Benguet
08:42na idala na kahapon ang kanyang labi sa isang punirarya sa Quezon City.
08:48Ayon sa Pilipinasong Police, tututok na sila ngayon sa pag-secure ng mga ebidensya
08:52para matukoy ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Cabral.
08:56Tumutulong na rin daw ang PNP sa pagkalab ng ebidensya sa posibleng makakatulong sa embisigasyon
09:01kaugnay sa isyo naman ng flood control.
09:06243 billion pesos ang inilagak sa unprogrammed appropriations
09:10sa panukalang national budget para sa 2026.
09:13Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian,
09:16maraming ahensya at politiko ang nagpahabol ng mga proyekto
09:20sa Bicameral Conference Committee.
09:22Paano matitiyak na lehitin mo yan ay hindi magagamit at hindi magagamit sa anomalya?
09:27May unang balita si Mav Gonzalez.
09:31Sa kasagsagan ng diskusyon ng Bicam,
09:33ilang beses pinunanang ilang mambabatas ang unprogrammed appropriations
09:37o mga proyektong wala pang tukoy na pagkukuna ng pondo
09:40at maaaring pondohan kung may sobrang kita o foreign loans na makuha ang bansa.
09:45Nagagamit daw kasi ito sa anomalya, gaya ng flood control projects.
09:49Mr. Chair, akala ko ba, Mr. Chair, wala na tayong unprogrammed this year.
09:56Bakit lumalabas na naman ito? Ito yung naging issue last year.
10:01Pero sagot ni Senate Finance Committee Chairman Sen. Wyn Gatchalian,
10:04ang Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs o SAGIP
10:08ang pinagmumula noon ng mga anomalya.
10:11Noong 2024, meron pong allocation na P225 billion pesos.
10:16In 2025, P160 billion pesos.
10:21At dito po kinuha yung mga flood control projects.
10:26Dahil po dyan sa kontrobersiya, tinanggal na po natin yung
10:30Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs sa SAGIP.
10:35Ang natira na lang adiya sa unprogrammed appropriations
10:38ay targeted accounts na meron talagang paggagabitan
10:41gaya ng AFP Modernization Program.
10:43Siniguro rin ni Gatchalian na hindi magagamit sa anomalya ang pondo.
10:48Lahat ito ay meron pong targeted program.
10:51At bawat programa na yan, meron rin po yung mga guidelines and rules.
10:55So, hindi po yan pwedeng i-divert sa flood control o sa iba pang mga programa.
11:01Sa huli, P243 billion pesos ang inilagak sa unprogrammed appropriations.
11:06Samantala, ayon kay Gatchalian, marami pa rin ahensya at mga politiko
11:10na nagpapahabol ng proyekto maski noong by cab.
11:14Iba-ibang proyekto pero lehitimo naman gaya ng school buildings.
11:17Ayoko na sabihin, ba't meron? Meron rin. Nakakuha ko maraming text.
11:22Legitimate to ah. Wala itong ghost project o wala itong flood control o wala.
11:26Mga legitimate to. Pero ang aking punto sa kanila, hindi na natin pwedeng gawin yan sa by cab.
11:33Dapat kausapin nyo yung inyong RDC, kung DepEd yan, kausapin nyo ang DepEd
11:39at dumahan tayo sa proseso.
11:41Sa December 28, babalik ang Kongreso para pirmahan ang Enrolled Bill ng 2026 National Budget
11:47bago ito ipadala sa Pangulo.
11:49Tiwala si Gatchalian na walang i-vito ang Pangulo dahil coordinated area ito sa Ehekutibo.
11:55Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
12:00Sisimulan na sa January 2026 ang mass immunization contra TIGDAS
12:04ayon sa Department of Health.
12:06Mahahati ito sa dalawang phase mula January 19 hanggang February 13
12:10ang phase 1 para sa mga taga Mindanao.
12:14Habang phase 2 naman sa Junyo para sa mga Tagaluzon at Visayas.
12:18Target ng DOH na mabakunahan ang mga sanggol na 6 na buwan hanggang 5 taong gulang na bata.
Be the first to comment