00:00Kauwag na niyan, inilabas na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang ikalawang schedule para sa Phase 1 ng rehabilitasyon sa EDSA.
00:08Natito ang detalye.
00:12Bagamat marami sa ating mga kababayan ang nasa bakasyon ngayon para sa Pasko at Bagong Taon,
00:17nag-abiso ang mga otoridad na planuhin mabuti ang biyahe para sa mga natitirang araw ng 2025 hanggang sa Bagong Taon.
00:25Ito ay dahil nagsimula na ang konstruksyon ng EDSA.
00:28Sa katunayan, inilabas na ng Department of Public Works and Highways ang ikalawang schedule ng 24-7 na konstruksyon para sa Phase 1 ng EDSA Rehabilitasyon.
00:38Mula December 28 hanggang January 5, 2026 ay may road reblocking sa outer lane ng southbound ng Home Expo Building Depot patungong Picelli Street
00:47habang inner lane naman sa northbound ng Park Avenue hanggang Orense.
00:51May reblocking din sa southbound ng ilang bahagi ng Ayala underpass exit malapit sa San Lorenzo Village.
00:57Asahan din ang road reblocking sa ilang bahagi ng EDSA northbound mula Orense hanggang malapit sa McKinley.
01:03Samantala, magkakaroon naman ang asphalt overlaying mula Tramo, Bus Station hanggang E. Rodriguez sa lahat ng lanes maliban lang sa bus lane.
01:11Mula naman sa lunes ay asahan din na magsisimula na ang pag-aaspalto sa northbound ng E. Rodriguez hanggang Kalayaan Avenue.
01:19December 30 naman magsisimula ang asphalt overlaying mula Loring hanggang Rojas Boulevard na gagawin kada lane.
01:26Bisperas pa ng bagong taon ay tuloy pa rin ang konstruksyon.
01:30Sa katunayan, sisimulan sa araw na ito ang paglalagay ng asfalto mula Rojas Boulevard patungong F.B. Harrison.
01:36Magpapatuloy din ang rehabilitation hanggang January 1 hanggang January 5, kabilang dito ang Ayala Underpass hanggang Tramo Bus Station.
01:45Gayun din ang lahat ng lanes mula Ayala Underpass hanggang sa Ordaneta Subdivision.
01:49Asahan din ang asphalt overlaying mula Palm Drive patungong Ayala Underpass na magsisimula sa January 3.
01:55Sa harap ng pagpapatupad ng ESO Rehabilitation, una nang sinabi ng MMDA na walang magiging pagbabago sa number coding schema.
02:03Ang pagsasara lang ng karasada will happen December 24 to January 5, which is sa experience namin, sa datos namin, kakaundi talaga ang sasakyan sa buong Metro Manila.
02:17Maybe because siguro 70% ng population ng Metro Manila either nasa abroad or nasa probinsya.
02:24Sa oras na matapos ang unang bahagi ng rehabilitasyon, agad na isusunod ang Phase 2 para sa nalalabing bahagi ng EDSA.
02:32Ito ay mula January 5 hanggang May 31, 2026, nagagawin alas 10 ng gabi hanggang alas 4 na madaling araw tuwing lunes hanggang biyernes.
02:42Inaasahan na magtatagal ng rehabilitasyon sa loob ng walong buwan, higit na mas maikli at mas matipid kumpara sa naunang plano na dalawang taon.
02:50Joshua Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments