00:00Bukod sa leptospirosis at dengue, pinakiingat din ng Health Department ang publiko ngayong panahon ng tag-ulan
00:07mula sa hand, foot and mouth disease na nakitaan ng ngapagtaas sa bilang ng mga kaso si Ben Manalo sa Centro Balita.
00:18Ngayong tag-ulan, naglipana na naman ang iba't ibang sakita, kabilang na ang hand, foot and mouth disease o HFMD.
00:26Kaya todo ingat si Nanay Jocelyne, lalo na at may maliliit siyang mga po.
00:31Hanggat maari, ay hindi na niya pinalalabas ng bahay ang mga bata para makaiwas sa mga sakita.
00:37Lagi niyang pinapalalahanan ng mga ito na panatilihin ang kalinisan.
00:41Napabahala po ako sa sakit kasi mga maliliit pa yung mga bata.
00:46Kailangan po sila lagaan at saka bantayan po para iwas po sa mga sakit.
00:52Pinabitamins po sila tapos pinapaliguan po araw-araw, kailangan po linisan lagi ang mga bata para po iwas po sa sakit.
00:59Hindi po sila nakipalalabasin kasi po alam mo naman sa labas, makalat, ganun. Lalo na nga yung tag-ulan.
01:06Naging rutina rin ni Nanay Jocelyne ang paglilinis ng paligid ng kanilang bahaya.
01:11Kailangan po laging malinis po ang kapaligiran.
01:14Kailangan po alisin po yung mga dumi sa kapaligiran sa mga paligid kasi po yun po ang mag-ano ng dulot ng sakit po.
01:21Sa huling tala ng Department of Health, pumalo na sa maygit 37,000 ang kaso ng Hand of Foot and Mouth Disease o HFMD sa bansa.
01:32Mas mataas yan ng maygit pitong beses kumpara sa maygit limang libong kaso na naiulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
01:40Kalahati sa mga tinamaan ng sakita ay pawang mga bata, edad isa hanggang tatlong taong gulanga.
01:46Ang Hand of Foot and Mouth Disease ay isang nakahahawang sakita na kumakalat sa pagtalsik ng laway na may virus.
01:54Maari rin makuha ang virus kapag ang isang tao ay humawag sa kanyang mata, ilong at bibig gamit ang kamay na nahawakan ng bagay na kontaminado ng virus.
02:04Ilan sa mga sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnata, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan at mga butlig sa palada, talampakan at puwitana.
02:13Kaya payo ng DOH.
02:15Ang mga may sakit, lalo na kapag pinaghihinalaan o kumpirmadong kaso ng HFMD, ay dapat manatili sa bahay at iwasang munang pumasok sa paaralan o trabaho.
02:26Manatili muna sa bahay ng 7 hanggang 10 araw o hanggang sa panahong mawala ang lagnat at matuyo ang mga sugat.
02:34Ihiwalay ang mga kubyertos at iba pang personal na kagamitan ng taong may sakit.
02:38At linisin ang lugar kung saan sila nanatili gamit ng disinfectant matapos ang nirekomendang pagkabukod.
02:46Maari ring magdulot ng mas malubhang komplikasyon ng hand, foot and mouth disease gaya ng meningitis at encephalitis o pamamaganang utak kung mapapabayaan.
02:56Kaya mahalaga na ugaliing sundin ang mga paalala para makaiwas sa naturang sakit.
03:02Bien, Manalo. Para sa Pambansang TV sa Bagong, Pilipinas.