00:00Kahit malakas ang ulan at hangin, tuloy ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard
00:04sa pag-rescue sa mga apektadong residente ng Super Bagyong Nando.
00:09Ito ang ulat ni Ryan Lesigas.
00:12Sa gitna ng hagupit ng Super Typhoon Nando,
00:15puspusan ang isinagawang rescue operations ng Philippine Coast Guard
00:19at pag-alalay sa ilang pamilya na naapektuhan ng bagyo.
00:22Sa Loco Sur, matagumpay na nailigtas ng PCG
00:25ang apat na individual matapos tumaas ang level ng tubig
00:29sa Buwaya River gamit ang lubid na itawid ang ilang residente
00:33patungo sa mas ligtas na lugar.
00:36Matagumpay din na nailigtas mula sa hagupit ng bagyo ang sampung pamilya
00:40kabilang na ang ilang minor de edad sa La Paz, Lawag City, Ilocos Norte.
00:45Bagamat pre-emptive evacuation ang ginawa ng mga tauhan ng PCG,
00:49sinalubong pa rin sila ng ulan at bugso ng hangin
00:52sa kasagsagan ng pagpapalikas sa mga residente sa lugar.
00:55Emergency evacuation naman ang isinagawa ng mga tauhan ng PCG
01:00sa iba pang bahagi ng Ilocos.
01:02Gamit ang flashlight at lubid,
01:04hindi nagatubili ang mga tauhan ng PCG.
01:07Sa gitan ng dilim, naakayin ang ilang pamilya
01:10patungo sa mas ligtas na lugar.
01:12Sa kabuan ay umabot umano sa mahigit labing apat na libong individual
01:15ang nailikas ng PCG.
01:18Katumbas ito ng mahigit apat na libong pamilya.
01:21Mula ang mga ito sa Northeastern at Northwestern Luzon.
01:25So, nung nabigyan po tayo ng advisory na posibleng ito ay maging super typhoon,
01:30with coordination po sa ating LGU,
01:32ay nag-conduct na po tayo kaagad na pre-emptive evacuation.
01:36Kaya nung tumating na po itong bagyo,
01:38ang ginawa na lang po natin is more of release of distribution po
01:42doon sa mga na-evacuate po natin ng mga individuals and families po.
01:46Bagamat, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility
01:49ang super typhoon Nando,
01:50pero nananatiling naka-red alert ang PCG.
01:53Ito ay bilang paghahanda naman nila
01:55para sa inaasahang pagpasok ng isa pang bagyo.
01:5824-7 po naka-standby at naka-activate
02:01ang lahat po ng ating mga deployable response group.
02:03So, etong DRG na ito,
02:05may kasama po tayong mga rescue swimmers
02:07at mga medical personnel.
02:09At bukod po sa DRG po natin,
02:11ay naka-standby na rin po ang lahat ng ating mga air assets,
02:15floating assets,
02:16kasama po yung mga radio equipment.
02:18Tuloy-tuloy umano ang koordinasyon ng PCG
02:21sa mga apektadong LGU.
02:22Ang DSW din naman,
02:25tuloy din sa pamamahagi ng family food packs
02:27sa mga apektadong residente.
02:29Katunayan,
02:30umabot na sa halos 11,000 family food packs
02:32ang kanilang naipamahagi sa limang regyon.
02:35Ang datos ay mula pa noong
02:36manalas ang bagyong Mirasol
02:38hanggang sa pagtama ng super typhoon Nando
02:41na nagpaigting sa epekto ng habagat.
02:45Ryan Lisigues,
02:46para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.