00:00Samantala tiniyak ng Health Department na walang dapat ikabahala ang publiko sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
00:07Ngayon pa man, mas mabuti pa rin ayon sa kagawaran na mga naging mag-ingat para makaiwas sa sakit.
00:14Nagpabalik si Bien Manalo sa report.
00:19Nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ni Nanay Mayeta nang tamaan siya ng COVID sa mismong kasagsagan ng pandemia noong 2020.
00:28Sampung araw siyang na-quarantine dahil sa sakita.
00:30Bukod sa kanyang kabuhayan, naapektuhan din ang kanyang tungkulin bilang purok leader sa kanilang barangay sa tandang Sora sa Quezon City.
00:39Napakahira po ang unang-una ko pong naisip na baka ako uuwi na ng abo na.
00:43Tapos ikalawa po, iniisip ko yung aking mga anak, yung asawa ko, yung apo ko na baka hindi ko na makita.
00:51Talagang as in matutuluyan ka pala talaga pagka siyempre stress ka.
00:55Tapos yung iniisip mo, parang hindi ka talaga makakahinga.
00:59Kaya nangangamba siya na baka muling magpatupad ng lockdown dahil sa naitatalang kaso pa rin ang tinatamaan ng COVID sa ilang lugar sa Pilipinas.
01:06Babahala po ako unang-una po may maliit po akong mga apo.
01:10Sana naman po huwag muna magka-lockdown kasi alam niyo kung bakit.
01:15Napakahira po unang-una yung hanap buhay.
01:18Tapos ikalawa, yung kilos po natin na normal.
01:22Kaya naman po karaniwan ay nagkakasakit talaga ang mga tao.
01:25Ayong sa stress, takot.
01:27Walang dapat ikabahala ang publiko sa mga naitatalang kaso ng tinatamaan ng COVID sa Pilipinas.
01:33Ayon yan mismo sa kagawara ng kalusugan.
01:36Umabot na sa mahigit isang libo ang naitalang kaso ng COVID sa bansa.
01:41Simula Inero hanggang May 3, 2025.
01:44Mas mababa yan ng 87% sa mahigit labing apat na libong kaso noong nakaraang taon.
01:50Bumaba rin ang mga naitalang bagong kaso ng COVID sa nakalipas sa tatlo hanggang apat na linggo.
01:55Sa ngayon ay nasa 1.13% lang ang fatality rate ng COVID sa Pilipinas.
02:00O isa sa kada isandaan ang namamatay.
02:03Nababantayan po ng Department of Health ang nai-report na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Asia.
02:13Binabantayan po namin ito sa Department of Health at ang tamang impormasyon ay maiaatid na sa inyo.
02:20Pero sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID sa bansa,
02:24paalala ng DOH na mas maganda pa rin kung patuloy tayong mag-iingat para makaiwas sa naturang sakita.
02:30Una, magsuot ng face mask, manatili sa bahay kung may sakita,
02:35magtakip ng dibig at ilong kung uubo o babahinga,
02:38regular na maghugas ng kamaya,
02:40at panghuli, agad na magpakonsulta sa doktora sakaling makaramdam na mga sintomas ng COVID.
02:46Hinihikayat din ang kagawaran ng publiko na bisitahin ang kanilang official social media page
02:51para sa tamang impormasyong pangkalusugan.
02:54BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.