00:00Iginit ng Malacanang na hindi apektado ng ingay sa politika si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06At handa nitong harapin ang anumang problema ng bansa. Yan ang ulat ni Kenneth Pasiente.
00:12Sa harap ng ingay politika at isyong ipinupukol sa kanya, tuloy lang sa trabaho si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:21Yan ang binigyang din ng palasyo kasunod ng panawagan ng ilang mga grupo na magbitiw dahil sa ilang isyo gaya ng korupsyon
00:27at ang pinakahuling mga paratang ng nakatatandang kapatid ng Pangulo na si Sen. Aimee Marcos.
00:33Gayet ng palasyo, hindi ang tipo ng Pangulo ang tinatakbuhan ng problema.
00:38Kailangan pa po bang i-memorize ito?
00:41Lahat naman yata ng supporter ng vicepresidente ang nais ay paalisin sa pwesto ang Pangulo.
00:48Bakit? Para pumalit ang vicepresidente?
00:52So, option ba ito?
00:54The president is still working and keeps on working for the country.
01:00So, hindi po option sa administrasyon, sa Pangulo, ang pagbibitew.
01:06Ang Pangulo ay matapang nahaharapin kung ano man ang suliranin ng bansa.
01:10At sila mga nag-iingay, sila ay ingay lamang.
01:13Nang tanongin ng palasyo kung ang ginawa ba ng Senadora ay banat o pagmamahal ng isang kapatid,
01:20tugon ng palasyo, matatawag bang pagmamahal ang paninira?
01:24Sinagot din ang Malacanang ang alegasyon ng Senadora na bata pa lamang ang Pangulo
01:27ay issue na umano ang hinggil sa iligal na droga.
01:31Parang may nabasa ako sa isang news na ang ating Pangulo ay nag-donate ng kidney sa kanyang ama.
01:41Paano po kayo makakapag-donate ng kidney ang isang tao na hindi health?
01:46So, banat o pagmamahal?
01:49Pagmamahal ba ang paninira sa sariling kapatid?
01:55Paninirang walang basihan.
01:56So, alam naman natin, muli uulitin ko, mas pinoprotektahan niya ang mga taong may issue about corruption,
02:05mas pinoprotektahan niya ang mga taong umamin na murderer.
02:09Kesa sa kapatid niya na nagsasagawa lamang ng pagpapaimbestiga para mawala, masig po ang corruption sa bansa.
02:17Sa hamon naman ng Senadora, nakakasa siya sa DNA test kung papayag ang Pangulo para sa isang hair follicle test,
02:24sagot ng palasyo.
02:25Uulit-ulitin ko, paulit-ulit, ang Pangulo po ay malinis at ang Pangulo po ay hindi magpapadala sa anumang pag-uudyok.
02:38Pag-uudyok ng mga destabilizers, pag-uudyok ng mga obstructionists na walang gagawin kundi magbigay ng mga kondisyon,
02:47magbigay ng pag-uuto sa Pangulo kahit hindi na po ito naaayon sa kanyang pagtatrabaho.
02:53Binigyang diin pa ng Malacanang na hindi makakaapekto sa pamamahala ng Pangulo ang isyo.
02:59Sa halip, babalik lang ito sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan.
03:03So hindi po ito makakasira sa Pangulo dahil alam ng taong bayan, mas maraming taong bayan ang naniniwala sa ginagawa ng Pangulo para sugpuin ang corruption.
03:15Nananatili naman daw ang tiwala ng AFP sa Pangulo.
03:18Hindi mabigat ang aligasyon ni Sen. Amy. Walang basihan. Kwentong walang kwenta. Kwentong kutsero.
03:27So bakit magkakaroon ng pag-aalala ang mga miyembro ng AFP?
03:33Wala, hindi dapat sirisohin ang mga aligasyon ni Sen. Amy. Isa lamang itong ingay.
03:39Sa ngayon giit ng palasyo, wala pang plano na magsagawa ng anumang legal actions laban kay Sen. Amy.
03:45Kenneth Pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bago, Pilipinas.