00:00Supportado ni Communications Secretary Dave Gomez ang rehabilitasyon at pagsasayos ng pasilidad ng People's Television Network o PTV.
00:10Ayon sa kalihim, nakita niya mismo ang problema sa state-owned media nang bumisita siya sa network noong nakaraang buwan.
00:17Agad niya umanong inatasan ng pamunuan ng PTV na gumawa ng proposal para agad na matugunan ang mga problemang ito.
00:24Tiniyak na rin ni Gomez ang pagsulong ng pondo sa kongreso para sa pagsasayos ng inyong pambansang TV.
00:35Nung nag-testify ako sa kongres to present and defend our budget, mga 3 weeks ago pa, naimungkahin na natin sa kongreso na kailangan talaga ng pondo ng PTV4 para ma-rehabilitate yung PTV4.
00:49Yung bagong management, under GM Malu and Chair Vivian, pinagawa ko na ng proposal kung anong kailangan ayusin doon at natanggap ko na yung proposal nila last week pa.
00:59So nasa akin na yung proposal nila kung magkano kakailangan yan, ano yung lapang gawin sa PTV4.
01:05Alam natin yun at tinitingnan na natin yung problema yun. Ayusin natin yun.