Skip to playerSkip to main content
  • 3 days ago
Korte Suprema, ipinag-utos na ibalik ang P60-B pondo ng PhilHealth | ulat ni Bien Manalo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakatakda ng ibalik sa PhilHealth ang 60 bilyong pisong sobrang pondo ng ahensya,
00:05matapos ang desisyon na ito ng Korte Suprema.
00:09Umakasa silang magagamit ang pondo para mapalakas pa ang universal healthcare ng bansa.
00:14Kaya ng ulat ni Bien Manalo.
00:18Ipinag-utos na ng Korte Suprema sa National Treasury na ibalik na sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth
00:24ang 60 bilyong pisong sobrang pondo ng ahensya.
00:28Ayon kay Atty. Camille Ting, ang tagapagsalita ng Supreme Court,
00:33unanimous ang naging desisyon ng Korte na ibalik sa ahensya ang naturang pondo.
00:38Isasabay na sa 2026 General Appropriations Act ang pagbabalik ng pondo.
00:44The Supreme Court, through the potential of Associate Justice, Ami C. Lazaro Javier,
00:50unanimously ordered the return of PhilHealth funds previously transferred to the National Treasury
00:57in the amount of 60 billion pesos and permanently prohibited the transfer of the remaining 29.9 billion pondo.
01:08Naunan ang iginiit ng Korte Suprema na walang pananagutan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:13sa pagbawi ng pondo sa ahensya.
01:16Matatandaang nitong Setiembre,
01:17nang mismong ipag-utos ng Pangulo ang pagsasauli ng naturang excess funds sa PhilHealth
01:22sa pagpapalakas na universal healthcare ng Pilipinas.
01:26Umaasa naman ang Supreme Court na gagamitin ang pondo sa pagpapalawak ng serbisyo
01:31at mabawasan ang kontribusyon ng mga miyembro nito.
01:35Sa inilabas naman na pahayag ng PhilHealth,
01:37lubos ang kanilang pasasalamat sa naging desisyon ng Korte Suprema.
01:41Pangako ng ahensya na sisikapin nilang mapalawag pa ang kanilang mga serbisyo para sa mga miyembro.
01:49Nagpapasalamat din ang Department of Health sa naturang desisyon ng Korte.
01:53Tiniyak ng kagawaran na patuloy silang maghahatid ng dekalidad na serbisyong medikal sa ating mga kababayan
02:00alinsunod na rin sa universal healthcare law.
02:03Samantala, iginagalang naman ang Malacanang ang naging hatol ng Korte Suprema.
02:08Sabi ng Palacio, pag-aaralan ng Office of the Solicitor General ang ruling para malaman
02:14kung kinakailangang magsampa ng motion for reconsideration.
02:18Dagdag pa ng Malacanang, mayorya ng Mahistrado ang nagdeklara na unconstitutional ang probisyon
02:24sa 2024 General Appropriations ACA at iginiita na ang ehekutibo ay sumunod lang sa mandato ng Kongreso.
02:32Suportado rin ito ng Kamara at Senado matapos isama ang pondo sa kanilang mga bersyon ng pambansang budget.
02:39Bien, Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended