00:00Dumag sa mga bata at kanila mga magulang sa theme park na Enchanted Kingdom ngayong araw ng Pasko.
00:05Yan ang ulatin din ni Sasorio.
00:08Ngayong Pasko, mas ramdam ang saya at sigla dito sa Enchanted Kingdom,
00:13kung saan dinarayo ng maraming pamilya ang theme park para magsama-sama at magdiwang ng kapaskuhan.
00:19Maga pa lang, mahaba na ang pila ng mga magulang at bata sa entrada,
00:24suot ang kanilang Christmas outfits at may dalang ngiti at excitement.
00:27Para sa marami, ang pagpunta sa Enchanted Kingdom ay hindi lang simpleng pasyal,
00:32kundi isang paraan para ipagdiwang ang bunga ng kanilang pagsusumikap sa buong taon.
00:57Sa bawat ride at attraction, maririnig ang tawanan ng mga bata at makikitang saya sa mga magulang na panandali ang nakakalimot sa pagod ng trabaho.
01:09May mga pamilyang unang beses palang makpasyal dito,
01:13habang ang iba naman, kinagawa na itong taonang tradisyon tuwing Pasko.
01:17Para sa kanila, ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi nasusukat sa mamahaling regalo,
01:23kundi sa oras na magkakasama, ang pagbuo ng alaala na magkakasama pa rin ang pamilya.
01:30Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment