Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 7, 2025


- 25, namatay sa Compostela dahil sa Bagyong Tino; mga naulilang pamilya, naghihinagpis | 12 pa ang nawawala sa Brgy. Tamiao dahil sa Bagyong Tino, ayon sa kapitan | Cebu Gov. Baricuatro, nananawagan ng hustisya; P26B na pondo para sa flood control projects, gustong paimbestigahan


- Mga pinsala ng Bagyong Tino sa Western Visayas, tumambad sa aerial assessment ng RDRRMC VI | Mahigit P33M halaga ng assistance, ipinamahagi ng DSWD VI sa mga apektadong pamilya; response operation sa Capiz, nagpapatuloy | Pagguho ng lupa malapit sa mga bahay sa Santa Barbara, nagdudulot ng pangamba sa mga residente | Mga residente malapit sa gumuguhong lupa, pinapalikas ng LGU | LGU at DPWH Iloilo 4th District Engineering Office, magpupulong para solusyonan ang pagguho ng lupa sa Santa Barbara


- Valenzuela LGU, naghahanda sa pagdating ng Bagyong Uwan; life vests, rubber boats, at iba pang gamit, nakapuwesto na


- Presyo ng sibuyas sa Mega Q Mart: P130/kg - P180/kg | P120/kilo Maximum SRP sa pulang sibuyas, pinag-aaralang ipatupad ng Dept. of Agriculture | Dept. of Agriculture: Presyo ng karneng baboy, posible ring patawan ng Maximum SRP | Presyo sa Mega Q Mart: Liempo: P450/kg, Kasim: P360/kg


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00.
00:00.
00:07.
00:08.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:24.
00:28.
00:29.
00:30.
00:32.
00:34.
00:36.
00:37.
00:38.
00:40.
00:48.
00:52.
00:54.
00:56.
00:58.
01:00Nabalot ng lungkot ang barangay Tamiyao sa bayan ng Kompostela sa Cebu,
01:04matapos masawi ang labing dalawang tao roon dahil sa pananalasa ng bagyong tino.
01:10Sa isang punirarya, nakahilira ang mga bangkay na pinaprocess.
01:14Nabutan ng Jamie Regional TV si Dixie Capuyan na humahagulhol at yakap ang kabaong.
01:20Sa loob nito, ang labi ng kanyang 18 anos at bunsong anak na si Angel,
01:26katabi nito ang kabaong ng asawa ng kapatid ni Angel na si Jonaline.
01:30Ngayong buwan sana nakatakdang manganak si Jonaline.
01:33Before I tried to say, hanapit sa duhas, murag nagpahiwating na, giba?
01:38Ang kanis silang duha, magsiging sabak na ako, katung laki ang tao, ni anak siyang hama.
01:44In jail, ayaw ginig biya, kuyog na ako, in jail ha, ayaw biyay si Alin o akong anak bantayin.
01:51Pagkahatay nila sir, nariskyo, nagtapat taong silang duha sir.
01:55Kahapon, natagpuan ang bangkay ng kanyang panganay na anak na si Kyle na asawa ni Jonaline.
02:01Kaya't ganun na lang ang paghiinagpis ng ina.
02:03Nasa trabaho raw siya nang mangyayari ang malawakang baha sa barangay.
02:07Ang pangalawang anak ni Dixie na si Ashley Chanel,
02:10ang nag-iisang nakaligtas sa insidente.
02:13Kwento niya, umakyat sila sa isang bahay at akala nila ay ligtas na silang lahat.
02:18Nang rumagasa ang baha, natangay raw ang mga wing van at nahulog sila sa tubig.
02:23Pagkatagak na ako, di ba dito dito ako kay mamulang way,
02:27seria, akong manghod, kamaoy, yung tatusiya.
02:31Kaya nakakupot, makugbaboy na patay.
02:34Muraghiwala kong salbabida, makupta na, untan ako kung manghod,
02:37pero nabuyan na ako, kaya nalumbos ko, kaya di ko kamaulang way.
02:42Suwerte lang ko, kaya akong buhok na sangit,
02:44sadakong kawayan mo ang napataas kong.
02:46Sa kabuhuan, nasa 25 individual ang nasawi sa bayan ng Kompostela,
03:08kabilang ang anak ni Betty Bataluna na si Olivia,
03:11na nuoy nagtatrabaho sa isang manukan.
03:13Sa barangay Tamiyao, halos na wipe out ang mga bahay.
03:22Inanod ang tatlong wing van na dumagan sa mga bahay sa lugar.
03:26Nasaksihan din daw ng mga tao ang inanod ng mga residente na humihingi pa ng tulong.
03:31May isang tao na yumakap sa puno ng niyog.
03:33Ayon sa kapitan, may labing dalawang tao pa ang pinagahanap.
03:48Nag-recorrida na mi, nag-pre-entive evacuation na mi.
03:52In fact, usagali ang nang missing role yan.
03:55Istorya gina na mo, nga backwit na lang mo.
03:58Isa ang bahay ni Bugtay na tinangay ng baha.
04:01Nakaligtas ang kanyang pamilya,
04:03subalit nasawi ang kanyang mga kapatid at pamangkin.
04:06Paniwala niya, baka ligtas pa ang kanyang kamag-anak
04:09kung napasama ang lugar sa flood control project.
04:12Putol ra nila kay ansumpayan nito, araman din to sunahan. Masip, tigid ang amang bayangari, o nahuman pa.
04:20Nananawagan ang hostisya para sa mga namatay at sa lahat ng biktima ng baha sa Cebu Governor Pamela Baricuatro.
04:27Kailangang maimbestigahan kung saan napunta ang 26 billion pesos na pondo para sa flood control project sa iba't ibang parte ng probinsya ng Cebu,
04:36simula 2022 hanggang ngayong taon, 2025. Ayon kay Baricuatro, ang matinding flash flood na kumitil sa mahigit isang daang buhay
04:46at patuloy na paghahanap sa iba pa ay hindi lang dahil sa environment, kundi dahil na rin sa aniya yung mga questionabling flood control projects.
05:06Maliban sa flood control project, gustong maimbestigahan ng gobernador ang kondisyon ng Central Cebu Protected Landscape kung saan makikita ang mga watershed area.
05:25Ang watershed area, ang konektado sa malalaking sapa sa Lusaran, papuntang Butuanon, Mananga at Kutkot.
05:33At sa mga sapa na papuntang Balamban, Asturias at Toledo City.
05:38Noong Merkulis na pag-alaman ng Kapitulyo na matinding apektado rin ng pagbaha at landslide ang mga bayan ng Balamban, Asturias at Toledo City.
05:46Gusto niya rin mapaimbestigahan ang iba't ibang mga quarry operations sa lalawigan.
05:55Igan dahil sa laki ng danyos ng Bagyong Tino. Ayon kay Governor Baricuatro, hihingi siya kay President Bongbong Marcos ng financial assistance para sa mga nasalanta.
06:07Bibisita ang Pangulo sa Cebu ngayong araw. Igan?
06:11Maraming salamat, Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
06:16Patuloy ang pagbabahagi ng tulong sa mga taga-Western Visayas na naapektuhan ng Bagyong Tino.
06:21Sa Santa Barbara sa Iloilo, problemado ang mga residente dahil sa lumalaking butas malapit sa kanilang mga bahay.
06:28Live mula sa Iloilo City, may ilang balita si John Sala ng GMA Regional TV.
06:33John?
06:38Susan, unti-unti nang bumabangon ngayon ang mga naapektuhan ng pinsala ng Bagyong Tino dito sa Western Visayas.
06:45Sa datos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, 233,694 na pamilya o mahigit 760,000 na individual ang naapektuhan ng pananalasan ng Bagyong Tino sa Western Visayas.
07:01Karamihan sa mga apektado, nasiraan ng bahay matapos lipa rin ang hangin ng mga bubong at nadaganan ito ng puno.
07:07Hangin din, mabaskog ang hangin. In fact, kadamong kita sa mga nagkala-approoted ng mga kahoy, ibang mga century-old trees pa because kabaskog doon sa hangin.
07:18Nitong November 5, nagsagawa ng aerial assessment ng RDR-RMC6 sa mga probinsya sa rehyon.
07:24Ito'y upang makita ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo.
07:27Unang ininspeksyon ng Gimaras kung saan nakita ang mga debris na inanod sa coastal areas.
07:32Sa Soklaran Wharf sa San Lorenzo, may nakitang maliit na pinsala ngunit nananatili itong operasyonal.
07:39Inikot din ang Iloilo City, lalo ng mga barangay sa city proper patungo sa Arevalo.
07:44Minimal din ang naitalang pinsala sa coastal barangays.
07:48Sa Myagawa at Gimbal, Iloilo, may nakitang sira sa seawall. May mga bahay rin na sira ang bubong.
07:54Sa mga kabundukan naman ng mga bayan ng Alimudyan, Leon at Tubungan, walang pagguho ng lupa na nakita.
08:00Sa mantalang ilang bayan sa Kapis, lubog pa rin sa baha at apektado ang agrikultura.
08:06Areas ang Sigma, Tumambusaw, Endao, flooded sa Gihapon, some parts of the highway.
08:13Kag makita man sa footage ang atong inspeksyon,
08:17na daw dagat ang atong mga kahumayan, ang farmlands na itong Digtunga area.
08:22Maygit 33 milyon peso sa kabuang halaga ng assistance na ipinamahagi ng DSWD-6 sa mga apektadong pamilya.
08:29Nang papatuloy rin ang response operation sa Kapis.
08:32Sa bayan ng Santa Barbara, Iloilo, hindi na pumapasok sa isang silid sa kanilang bahay ang pamilya ni Aling Roslin mula noong November 5.
08:40Dahil yan, sa pangambang dulot ng gumuhong bahagi ng lupa sa labas ng kanilang bahay malapit sa silid.
08:46Nakalbaan mga misir eh, kayo, di rin kayo magaturo.
08:49Paya subong di, sa sala na kami subong katuro.
08:52Kayo nadlok na mabas eh, magdalo mga magdalo, mga buho.
08:55Mula pa raw noong nakaraang taon ang may marinig silang tunog o ingay sa ilalim ng lupa.
09:01Maaring yung daw ang simula na pagguho ng lupa na nasa likuran lang ng flood control structure na itinayo noong 2018.
09:08Itong Dagauran, bala duminagabatsyagan kami magturob, duminagalagabong sa silod.
09:14Why man naman expect kung anura ba lang duminagahulog.
09:18May habang nasa labing apat na metro, lawak na nasa dalawa hanggang tatlong metro at lalim na tinatayang mahigit dalawampung metro ang guho.
09:27Nai-report na raw ito ng barangay ofisyal sa LGU.
09:30Giniyan na report naman namon isa may banawal, tapos ang concern lang namon di sa may kwan na tani.
09:37Actually, nila tani balada yun.
09:39Sa inisyal na embesikasyon ng MDRRMO ng Santa Barbara, lumalabas na soil erosion ang maaring dahilan ng pagguho.
09:45Isa sa mga tinitingnang solusyon ng LGU ay ang pag-evacuate muna sa mga residente.
09:51Base may nag-cause nga nag-leak ang lupa sa likod kang slow protection.
09:59So ang leak nga ito, kung may buho ito sa dalom,
10:02ang mga ito nag-cause nga nagsigisigi nga nag-erode ang lupa sa likod kang slow protection.
10:07We already instructed them to move to a safer place sa house nanda.
10:13Nilagyan na ng back-code ang gubuhong bahagi ng lupa upang maiwasang mahulog dito ang mga residente.
10:19Nakatakda ring magpulong ang LGU at ang DPWH Iloilo 4th District Engineering Office para sa pansamantalang solusyon sa sitwasyon.
10:27Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa news team ang mga taga 4th DEO.
10:31Ang mga residente, hindi na raw makapaghintay sa pulong ng dalawang panig at nananawagan sa mabilisang solusyon.
10:38Delikado, gede. So tanimang solusyonan na sa banwa o sa para nga makayad, para nga hindi makitakulbaan.
10:51Susan, ayon naman sa mga barangay official sabang hindi pa natatakpan ang malaking butas,
11:02e nagtalaga na sila ng mga barangay tanod na magbabantay sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
11:08Susan?
11:09Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
11:13Magandang pagpapong mga kapuso na. Dito pa rin po tayo ngayon sa Alert Center ng Valenzuela City
11:20kung saan nararoon po itong kanilang Disaster Risk Production and Management Office.
11:25At sa ngayon nga po ay kahit na maaraw po rito, ay tuloy-tuloy po ang kanilang paghahanda
11:29para sa paparating na Super Typhoon 1.
11:32At kabilang po sa kanilang mga inihahanda yung kanilang mga rescue equipment
11:35para nga po sa posibleng pag-deploy kung sa kasakaling merong mga ngailangan.
11:42Kabilang na po rito, yung mga kanilang fiber boats and rubber boats, life vests.
11:47At yung ilan sa mga high-tech na kagamitan po nila rito, yung ito pong waterproof na drone
11:53na kahit na lumubog po yan sa tubig, kaya mag-tumble at magagamit pa rin, hindi masisira.
11:58Kaya rin po yan lagyan, itong life boy po na ito para dalihin mismo doon sa kailangan i-rescue.
12:07Meron din po sila nitong remote control na life boy na pwede pong gamitin ng mga rescuer,
12:13hindi na kailangan sumakay ng bangka, dyan po isasakay yung mismong i-rescue nila.
12:19At meron din po silang sa kanilang mga go-bag nitong mga tumbler na kaya pong mag-filter.
12:25So kung halimbawa talagang desperate measures, wala na po kayong maiinom, pwede po kahit tubig na baha
12:31at ipapasok nyo lamang po dyan, kaya na niyang i-filter at maiinom na po ito yung safe na tubig.
12:37So ilan lamang po ito sa kanilang mga rescue equipment, kasi inaasahan din po na makakapaminsala
12:42na itong Super Typhoon 1, kagaya na rin po sa nangyari sa Bagyong Tino na talagang malaking dagok ang iniwan,
12:50hindi lamang sa infrastruktura, kundi pati na rin po sa agrikultura.
12:53So mga kapuso, tayo po ay maghanda, makibalita, magingat at magdasal po tayo mga kapuso.
13:04Pinag-aaralan ng Depabra Agriculture na magpatupad ang maximum sa just-and-witter price sa pulang sibuyas at karning baboy.
13:12Bula sa Kansas City, may unang balita live.
13:15Ito si Bea Pinlak.
13:17Bea!
13:17Igan, hindi mawawala sa pagluluto nating mga Pilipino ang sibuyas, lalo na't sikat itong pampalasa sa ating mga paboritong ulam.
13:29Pero dito sa Mega Q Mart, umaabot na ng 180 pesos ang kada kilo nito.
13:34Hindi pa man nahihiwa ang mga panindang sibuyas na ito, mapapaiyak ka na sa presyo.
13:44Nasa 130 to 180 pesos ang presyo ng kada kilo ng sibuyas dito sa Mega Q Mart sa Quezon City.
13:51Masakit. Actually, hindi lang naman talaga sibuyas ang mahal. Halos lahat ng gulay nagmamahal.
13:56Talagang napakahirap. Napakahirap sa pagbabudget.
14:00Pero ayun na nga, sinasabi ko, wala tayong choice.
14:02Kundi talagang gagawan at gagawan mo ng paraan.
14:05Sa monitoring ng Department of Agriculture, umaabot ng 200 pesos kada kilo ang bentahan ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.
14:14Marami naman daw ang supply ng imported sibuyas.
14:16Kaya pinag-aaralan ng DA na magtakda ng 120 pesos maximum sa adjusted retail price para rito sa susunod na linggo.
14:24Ang onion natin, maraming import pero hindi mababa ang presyo sa merkado.
14:29Ibig sabihin, somebody is taking advantage and I have a suspicion it's the retailer.
14:34So baka mag-MSRP tayo sa imported red onion.
14:38Maximum niya, 120. Kung pwedeng 100 or 110.
14:42Magandang balita para sa mga mamimili ang pagtatakda ng MSRP.
14:46Malaking may tutulong sa amin yun. Pero sana, sana talaga. Mahirap din kasi umasa.
14:50Antay na lang talaga natin at gagawa na lang talaga tayo ng paraan.
14:53Ang mga nagtitinda ng gulay, tiyak daw naaaray.
14:57Hindi pwede. Hindi na kami magtitinda niyan pagka yung presyo nilang masusunod.
15:06Kasi ang puhunan namin o ang 50 na eh.
15:08Pati presyo ng karning baboy, posibleng lagyan ng MSRP.
15:12Palaisipan daw kasi sa DA kung bakit mataas ang presyo ng baboy, lalo na ng liyempo, dahil mababa naman ang farm gate rates.
15:20Ang liyempo talaga mataas. Kasi alam mo naman, mataas talaga kahit noon pa.
15:27Nangangamba naman ang ilang nagtitinda ng baboy sa posibleng epekto ng mababang MSRP sa kita nila.
15:33Sobrang tumal ngayon. Totoo lang.
15:35Mas totoo, hindi kami kumikita ngayon.
15:38Pwesto, tauhan, kulang pa.
15:40Tapos silang mga dealer, mga supplier, silang magbaba ng baboy, hindi kami.
15:43Sa Mega Q Mart, umaabot ng 450 pesos ang kada kilo ng liyempo at 360 pesos naman sa Kasim.
15:52Sa monitoring ng DA, nabibili ng hanggang 480 pesos ang kada kilo ng liyempo sa mga pamilihan sa Metro Manila.
15:59Igan, hiling din naman daw na mga tinderang nakausap natin na hindi pa natumaas pa ang presyo ng mga bilihin, lalo na yung sibuyas at karneng baboy.
16:13Pero sana raw, hindi sila ang malulugi.
16:16Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
16:18Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
16:22Gusto mo bang mauna sa mga balita?
16:24Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
16:29Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended