00:00Good morning, Maris.
00:29Sa ngayon, patuloy pa rin ang monitoring ng provincial government.
00:32Ganon din ang iba't ibang lokal na pamahalaan sa mga river systems sa probinsya ng Aurora.
00:41Dalawang araw na sa evacuation center ang pamilya Shason mula sa barangay Pingit sa Baler, Aurora dahil sa Bagyong Ramil.
00:49Kasama ni Aling Anjeli ang kanyang apat na anak at dalawang pamangkin sa evacuation center.
00:54Hindi pa rin sila pinapayagang makauwi sa kanilang bahay dahil pa rin sa banta ng pagbaha.
00:58Lalo pat ang kanilang bahay ay tabing ilog lang.
01:02Eh baka po biglang umanong tubig.
01:05Kaya po dito kami pinaanong.
01:09Nagsisimula pa lang daw na bumaba ang tubig mula sa mga bayan ng San Luis at Maria Aurora patungo sa Baler.
01:16Kung tataas pa ang tubig sa ilog, posible pang bahayin ang mga nasa low-lying areas.
01:20We're still monitoring the situation kasi baka tumaas pa ang mga level ng tubig sa ilog natin.
01:27Dahil pan-coordination with other municipalities na mas ahed, mas nauuna sa amin.
01:33Baka tumaas yung tubig nila sa amin kasi, Andre, dito sa bahay ng Baler.
01:37Lifted na ang liquor ban sa probinsya.
01:39Nanatiling suspendido ang mga water activities sa Baler Beach.
01:4324 oras na may nakabantay sa Baler Beach ng mga pulis.
01:46Apektado talaga kasi walang mga, even the local, yung mga taga-baler mismo, hindi talaga pumukuntay.
01:53We have letter from the government natin eh, na hindi pwedeng magpapanigo ng mga guests.
01:59Kasi ang concern namin doon, it's safety of everyone.
02:03Sa Kabuan, maygit 1,200 na pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers sa probinsya.
02:10Walang naitalang landslide o storm surge sa probinsya.
02:13Maliban lang sa flash flood o pagbaha sa kalsada sa bahagi ng barangay Janet sa Dipakulaw, Aurora.
02:25Maris, ngayong umaga, inaasahang pabalikin na ang mga residente sa kanikanilang bahay,
02:31especially yung mga nasa evacuation center pa rin hanggang sa ngayon.
02:34Samantala, ngayong araw na marinaasahang ilift na ang suspension sa water activities dito sa Baler Beach.
02:41Maris?
02:41Maraming salamat at ingat kayo dyan.
02:44Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
02:47Ilang tulay sa Isabela at Nueva Esiha ang hindi madaanan dahil sa bahang idinulot ng Bagyong Ramil.
02:53Kabilang dyan ang Gucab at Anafunan Bridges sa Echage Isabela.
02:58Isinara muna ang mga ito sa mga motorista dahil umapaw ang Cagayan River.
03:01Sa bayan ng Benito Sullivan, ipinagbabawal din muna ang pagdaan sa Maluno Bridge dahil sa pag-apaw ng ilog.
03:09Nagsisilbing alternatibong ruta ang barangay Zamora Old San Mariano Minanga Road sa bayan ng Ramon.
03:16Simula Sabado pa, nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam.
03:21Isang gate ng reservoir ang nakabukas.
03:24Nakaranas din ang masamang panahon sa Cacibon Nueva Vizcaya dahil sa Bagyong Ramil.
03:29Hindi ngayon madaanan ng Poblasyon Alloy at Kapit Alloy Overflow Bridges.
03:35Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng flu-like illnesses, ipinagutos ang mandatory na pagsusuot ng face masks sa Quezon Province.
03:43Ayon sa kanilang Provincial Health Office, ipatutupad yan sa lahat ng indoor settings at sa outdoor areas kung saan hindi nasusunod ang physical distancing.
03:51Alinsunod daw ito sa utos ng Department of Health na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga lokal o local government unit na magpatupad ng health measures na naayon sa kanilang lugar.
04:01Tiniyak naman ang DOH na walang kakaiba o bagong virus o strain na kumakalat sa bansa sa kabila ng pagdami ng kaso ng flu-like illnesses.
04:12Ang tatlong nangungunang sanhiraw ng malatrang kasong sakit ay influenza A, rhinovirus at enterovirus.
04:20Flu season din ngayon.
04:21Para maiwasan ang hawahan, payo ng DOH na sumunod sa mga health measures gaya na madalas na paghuhugas ng kamay at panatilihing malusog ang pangangatawan.
04:31Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:35Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments