• 11 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 19, 2025


- DPWH, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni dating Usec. Cabral na natagpuang patay sa Tuba, Benguet


- Rep. Vargas sa class action civil lawsuit na isinampa laban sa kaniya at iba pa: "This is a nuisance suit; it's really political"


- Hepe, 15 pulis at isang non-uniformed personnel, ni-relieve sa puwesto matapos umanong mag-christmas party at mag-inuman sa presinto


- Mga pailaw at paputok, sinimulan nang ibenta
- Candyland-inspired at under-the-sea themed Christmas pasyalan sa Negros Occidental, dinarayo ng mga residente at turista


- Alex Eala, panalo ng kaniyang unang gold medal sa SEA Games; Unang ginto ng Pilipinas sa Tennis matapos ang 26 na taon


- 3 bus station sa EDSA-Cubao, ininspeksyon ng DOTr at MMDA bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero


- Mahigit 100,000 balikbayan boxes na ilang taong natengga sa port area, sinimulan nang ipamahagi ng BOC


- Manggang Guimaras, special ingredient sa mga kakanin sa "Panabor sa Isla"


- Karamihan sa mga biyahe Pa-Visayas at Mindanao, fully-booked na; Dagsa ng mga pasahero, inaasahan ngayong weekend


- Mga bagong Kapuso show na aabangan sa 2026


- Noel Bazaar,perfect destination para sa mga magla-last minute Christmas shopping; Bukas sa The Filinvest Tent hanggang Dec. 21


- DPWH Usec. Catalina Cabral, nag-check in sa Baguio City bago siya nakitang walang malay sa Tuba, Benguet, ayon sa pulisya


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
01:00Ditong December, iniimbitahan si Cabral na humarap sa pagdiling ng ICI pero wala siyang tugon at hindi rin humarap sa komisyon.
01:08Isang nuisance o panggulo lang.
01:13Ganyan tinawag ni Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas ang isa ng pang 1 billion peso class action civil lawsuit laban sa kanya at iba pa ng grupong United People Against Corruption.
01:24Kawag na yan sa umano'y palpak o hindi maayos na flood control project sa kanyang distrito.
01:30Tingin ni Vargas, pamumuliti ka lang ang pagsasampa ng reklamo ng UPAC.
01:35Napatunayan naman daw ng Quezon City Government na walang ghost project sa lungsod.
01:39Maghahain daw sila ng legal na hakbang laban sa UPAC.
01:44Di-relief sa pwesto ang hepe at ilang tauhan ng Dolores Municipal Police Station sa Eastern Samar.
01:54Matapos na unong mag-Christmas party at mag-inuman sa loob ng presinto.
01:58Ay sa Police Regional Office Eastern Visayas, kabilang sa mga inalis sa pwesto, ang labing limang polis at isang non-uniform personnel.
02:06Sa ilalim ng protokol at guidelines ng PNP, bawal ang pag-inom ng alak sa loob ng polis station.
02:14Sinubukan pang makunan ng paig ang mga sangkot na polis.
02:18Ayon kay Police Lieutenant Colonel Annalisa Catilogo-Armeza ng PNP Regional Public Information Office,
02:24magkakaroon ng reassignment sa nasabing istasyon.
02:28Nakamoniton din sa imbisigasyon ng National Police Commission.
02:31Nag-simula na rin magbenta ng mga pailaw at paputok sa Coronadal, South Cotabato.
02:38Ay sa mga nagtitinda, asaan na mas mahal ang presyo ng mga paputok dahil tumaas ang presyo mula sa mga supplier.
02:44Ang ilaan maaga nag-set up ng kanilang mga paninda dahil tatlong linggo lang ang ibinigay ng lokal na pamahalaan para mag-operate.
02:51Sa ngayon, mang ilan-ngilan pa lang daw ang bumibili ng mga paputok.
02:55Christmas just got sweeter para sa mga taga-bago negros occidental.
03:03Dahil po yan, sa kanilang candyland-inspired themed Christmas,
03:06tampok sa oh-so-sweet na pasyalan,
03:10ang giant Christmas tree na tad-tad ng iba't-ibang mahukulay na dekorasyon.
03:14Nagningning din ang La Paz o La Carlota Plaza.
03:18Highlight ng kanilang Christmas Festival of Lights and Music 2025 ang pagpapailaw sa giant Christmas tree.
03:26Nag-alalighted castle din ang kanilang munisipyo.
03:29Simbolo raw ito ng pagbangon ng lungsod pagkatapos ng mga dumaang bagyo.
03:34Under the sea creatures naman, ang patok na decoration at display sa Plaza ng Sagay.
03:40Favorite spot ng mga bisita ang jellyfish-designed na Christmas tree.
03:44Sa Takurong Sultan Kudarat naman, Sugar Rush ang inabot ng ilang residente at turista.
03:52Yan ang kanilang candy wonderland-themed Christmas village.
03:56Tampok dyan ang mga naglalakihang lobo, donut, candies, ice cream, cupcakes at lollipops.
04:03May Christmas tree at malapalasyo ring binudbura ng tsokolate.
04:08At may drummer boys pa.
04:10Extra special din ang pamamasyal doon dahil sa Libring Snacks.
04:25Matapos ang 26 na taon, nanalo muli ng gold medal ng Pilipinas sa tennis sa Southeast Asian Games.
04:32Mula yan kay Pinay tennis star Alex Yala.
04:35Una niya rin niyang ginto sa SEA Games.
04:37Sa finals ng women's tennis, nakalaban niya ang pambato ng host country na Thailand.
04:43At sa lublang ng dalawang set na ako ni Yala ang panalo.
04:46Kwento ni Yala, malaking bagay para sa kanyang makapagbigay ng parangal para sa bansa.
04:51Matagal ko nang pinapangarap yun na ako yung makakadala ng ganong pride sa Pilipinas.
05:01To end the year on this highest is such an amazing thing I wouldn't have thought would have happened in the start of the year.
05:08Panalo rin ang gold medal ng Philippine Blue Boys sa men's softball.
05:14Tinalo nila ang Singapore sa score na 3-0.
05:17Sa ngayon, 41 na ang gintong medalya ng Pilipinas sa 2025 Southeast Asian Games.
05:22226 naman ang kabuang bilang ng medalya ng bansa.
05:27Dahil sa inasaandag saan ng mga pasahero ngayong weekend,
05:32tatlong bus station sa EDSA Cubao ang ininspeksyon ng Department of Transportation at MMDA kahapon.
05:39Nagdala ng K9 units ang mga otoridad para masigurong walang makalulusot na droga sa mga bus.
05:45Isinailalim din sa random drug testing ang mga bus driver at konduktor.
05:49Gayun din ang mga tauha ng Land Transportation Office.
05:52Kapag nagpositibo, pokumpiskahin at sususpindihin ang kanilang lisensya.
05:57Samantala, sa monitoring ng MMDA noong lunes, umabot sa mahigit 400,000 ang mga sasakyang dumaan sa EDSA.
06:05Inaasahan pa ang pagtaas niyan sa mga susunod na araw.
06:10Sinimula ng ipamahagi ng Bureau of Customs sa mahigit 100,000 balikbayon boxes na natinga sa Port Area sa Maynila.
06:17Sa Inspeksyon and Delivery Rollout ng BOC sa mga abandonadong balikbayon boxes,
06:23nakakuha na ito ng ilang OFW at kanilang pamilya.
06:27Ilang taon natin ang gayaan, mataas umanong pabayaan ng mga pribadong kumpanyang dapat na mamahala sa mga ito.
06:33Dadismaya naman ang mga OFW na hindi dumating sa takdang oras ang mga ipinadala nilang balikbayon boxes.
06:39Ayos sa BOC, pananaguti nila ang mga deconsolidator na nagpabaya umano sa mga package.
06:50I-demanda natin at hindi na makapag-negosyo.
06:53Magkakaroon kami ng mas mahigpit na parameters na kapag may problema, meron kami nga habulin na band.
06:58Hindi yung pera ng gobyerno ang gagastusin natin sa obligasyon nila.
07:02Tuwing magpapasko, hindi mawawala ang mga kakanin.
07:07Ma-exciting at flavorful twist sa ilang probinsya.
07:11Sa island of Gimaras, ano pa nga ba ang isasama sa mga kanin?
07:15E di syempre ang pinagmamalaki nilang produkto na mangga.
07:18Extra special at extra sweet ang sapin-sapin, turon at puto dahil hinaluan ng manggang Gimaras.
07:25On the spot na niluluto ang mga yan sa Panabuar sa Isla Celebration.
07:32Puto Bongbong 2.0 naman ang bida sa Malasiki, Pangasinan.
07:37Bukod sa classic flavor at toppings na nyog, cheese at kondensada,
07:41meron din yan matcha, muscovado, leche flan at nata de coco.
07:47Kung hanap mo naman ay iwas umay, pwede rin magpalagay ng salted egg.
07:52Isa pa raw na must-try ang Misa de Gallo drink na inspired din sa puto bumbong ang lasa.
08:02Pahirap pa na ang pagbubok ng mga biyahe pa Visayas at Mindanao sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
08:10Inaasang dandag sana mga pasahero ngayong huling weekend bago magpasko.
08:14Kaya unang balita live si Bam Alegre.
08:17Bam!
08:17Inaan, good morning. Pasado la 7 ng umaga ay patuloy ang pagdating ng mga pasahero dito sa PITX.
08:27At halos fully booked na rin ang mga biyahe pa puntang Visayas at Mindanao.
08:32Kahapon, 182,000 ang tinatayang foot traffic ng mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
08:41Mula kaninang hating gabi hanggang ngayong umaga, 7,000 na kaagad ang bumiyahe rito.
08:46Parami ng parami ang mga buhig-biyahe na dala ang mararaming bagahe pa uwi ng probinsya para sa family reunion.
08:52Ayon sa mga linya ng bus, pahirapan na makakuha ng mga tiket pa Visayas at Mindanao.
08:56Lalo na sa Samar, Leyte at Davao Region.
08:59Katulad ni Gina Lin Cadeno na dalawang oras pumila para makabili ng tiket pa uwi sa Tacloban.
09:04Mahirap talaga kasi matagal po. Dalawang oras po bago maka...
09:09Maliit na rin daw ang tsansa para sa mga chance passenger ayon sa mga bus ticket seller.
09:15Ngayon po medyo laylo pa po ngayon pero bukas po ang ano po na din talagang polybook. 20 hanggang 23.
09:26So Igan, ito ang sitwasyon dito sa PITX.
09:30Mahingitan ninyo, mahigpit yung siguridad. May canine unit pa nga dito sa ating likuran.
09:34At patuloy pa rin yung pagdating ng mga pasahero pero mas maigi na agahan ang punta kung may nakaschedule kayong lakad.
09:40Ito ang unang balita. Mala rito sa PITX, Bama Legre para sa GMA Integrated News.
09:45Inilipas na ang short teaser para sa upcoming Capuso Show sa 2026.
09:582026, taon pa rin natin ito.
10:01From Royal Blood to Master Cutter, reunited si Capuso Primetime King Ding Dong Dantes
10:07at MMFF 2024 Best Child Performer, Shanna Stevens sa upcoming series.
10:15Makakasama rin nila si na ex-PBB housemates Shuvie Etrata
10:19at Charlie Fleming with Joe Berry and Max Collins.
10:23For the first time, magnatambal on screen si star of the new gen, Jillian Ward
10:27at si pambansang ginoo David Licauco sa action drama series, Never Say Die.
10:33Tampok sa upcoming series na My Sister's Game si ex-PBB housemates Ashley Ortega
10:39at Sparkle Couple na si na Ellie Villeneva at Derek Monasterio.
10:43Ang isa pang ex-PBB housemates na si Michael Sager, makakasama si na Zephanie at Olive May
10:49sa musical drama na Born to Shine.
10:54First time din magsasama sa Afternoon Prime si na Beauty Gonzalez, Mike Tan, Chris Bernal
10:58at Martin Del Rosario para sa House of Lies.
11:01From Bahay ni Kuya to The Secrets of Hotel 88 naman,
11:04mapapalawd ang ilang ex-kapuso at kapamilya housemates
11:07ng PBB Celebrity Collab Edition na isang panibagong collaboration project
11:12ng GMA at ABS-CBN.
11:16Para sa mga kapuso nating magla last-minute Christmas shopping,
11:21bukas na ang holiday finale ng Noel Bazar sa Philinvest tent sa Alabama, Muntin Lupa.
11:27Maaaring mamili sa mahigit dalawang daang merchants na may unique items at panregalo.
11:33Pwede rin mag-relax at kumain sa food stalls pagkatapos mag-shopping.
11:37May booth sa bazar ang GMA Kapuso Foundation kung saan pwedeng mag-donate
11:41para sa school supplies ng mga bata.
11:44Present sa opening ng bazar si GMA Kapuso Foundation Executive Vice President
11:49and Chief Operating Officer Ricky Escudero Catibog
11:53at si CUT Unlimited Incorporated Managing Director Justine Bautista Reyes.
11:58Bukas ang Noel Bazar hanggang linggo, December 21, mula 11 a.m. hanggang 9 p.m.
12:05Shopping na!
12:06Alamin na po natin ang updates sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
12:13mula sa Baguio City.
12:14May unang balita live si Bea Finla.
12:17Bea, alam na ang sanhinang pagkamatay?
12:24Marisa, ngayon hindi pa nagbibigay ng detalye.
12:28Yung pulis sa sanhinang pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
12:32Pero dito nga tayo sa Baguio City kung saan nga naka-check-in daw si Cabral
12:38bago ang trahedyang sinapit niya sa bahagi ng Cannon Road sa Tuba Benguet kahapon.
12:45Sa bahagi ng Cannon Road sa Tuba Benguet, huling nakitang buhay si Cabral.
12:49Ayon sa investigasyon ng pulisya, namatay si Cabral matapos umanong mahulog sa isang bangin
12:54patungong Bued River.
12:56Mag-alas 3 kahapon nang magpaiwan umano sa Cannon Road si Cabral
12:59sa driver niya habang pabiyahe sana sila pala Union.
13:04Pinaalis muna ni Cabral ang driver niya,
13:06pero nang makabalik raw ito makalipas ang ilang oras,
13:09wala na si Cabral.
13:10Pumunta ang driver sa hotel nila sa Baguio,
13:12pero wala roon si Cabral,
13:14kaya bumalik siya sa pinag-iwanan nito sa dating opisyal sa Cannon Road.
13:18Bandang alas 7 na ng gabi,
13:20nang humingi ng tulong sa pulisya ang driver.
13:22Natagpuan si Cabral na wala ng malay at unresponsive sa ilog.
13:26Pasado alas 12 ng hating gabi nang ideklara siyang patay.
13:30Isa si Cabral sa mga personalidad
13:31na nadadawit sa maanumaliang flood control project sa bansa.
13:35Nagbiteo siya sa pwesto noong Setiembre.
13:38Pinahaharap sana si Cabral
13:39sa Independent Commission for Infrastructure nitong lunes,
13:42pero hindi ito sumipot.
13:44Marisa, ngayon hinihintay pa rin natin na humarap sa media
13:47ang jepe ng Tuba Municipal Police Station
13:50para magbigay nga ng karagdagang balita o update
13:53tungkol sa investigasyon na patuloy pang gumugulong.
13:57Yan mula ang latest mula rito sa Baguio City,
13:59Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.

Recommended