00:00Hindi na po aabot sa katapusan ng 2025 ang pagpirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2026 National Budget.
00:08Ayon po yan kay Executive Secretary Ralph Recto.
00:11Saksi si Mav Gonzalez.
00:16Sa unang linggo na ng Enero, mapipirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2026 National Budget.
00:22Kinumpirma yan ni Executive Secretary Ralph Recto sa isang mensaya sa GMA News Online.
00:28Nauno nang sinabi ni Senate President Tito Soto na posibleng re-enacted ang budget sa mga unang araw ng taon.
00:34Noong nakaraang Webes lang natapos ang pagtalakay ng bicameral conference committee sa budget.
00:39Sa December 29 naman ito raratipikahan.
00:42If they have started reviewing it from now up to that time, there's a possibility but I doubt it.
00:50I doubt it. Perhaps somewhere like, sometime like first week of January would be ideal na na-review na ni Leon.
01:03So possible re-enacted for a few days?
01:06Yeah. Kung ganun lang naman, wala problema because hindi ba the last time, hindi pa kami three months na re-enacted.
01:13Si Senate President Pro Tempore Ping Lakson, matagal na rin sinasabing mas mainam nang magkaroon ng re-enacted budget sa unang quarter ng 2026
01:22kesa madaliin ang pagpasa na ni hindi nare-resolba ang mga issue ng maling paggamit at pag-abuso sa pondo, particular sa flood control projects.
01:31Dahil Ania hindi magkasundo ang Senado at Kamara sa ilang programa, kabilang ang farm-to-market roads at mga ayuda gaya ng MAIFIP at AICS,
01:40naglagay na lang ng safeguards ang Senado sa pagpapatupad ng mga ito.
01:44Naiintindihan naman daw ni Senate Finance Committee Chairman Sen. Wyn Gatchalian na kailangan ng ehekutibo ng sapat na oras na reviewhin
01:51ang mahigit 4,000 pahina ng enrolled copy ng budget.
01:55Maingat na aksyon-anian na pirmahan ito ng Pangulo sa unang linggo ng Enero para masigurong napag-aralan talaga lahat ng probisyon.
02:03Nauna na rin sinabi ni Gatchalian na kumpiyansa siyang walang ibivito sa budget ng Pangulo dahil coordinated ito sa ehekutibo.
02:10Iginiit naman ni Lanaudal Sur First District Representative Zia Alonto Adyong na walang pork barrel sa 2026 national budget.
02:18I'm confident at this time, this 2026 budget is airtight po ako nga kung tatanungin nyo
02:28na wala pong mga concessions dyan, wala pong mga line items dyan na nagbibigay pondo doon sa mga questionabling mga infrastrukturang programa.
02:43The 2026 budget contains no lump sum appropriations, no discretionary funds, and is fully itemized.
02:52There is no pork barrel and there are no pork barrel appropriations in the 2026 national budget.
02:59Sa ngayon, nasa proseso-anian ng reconciliation ng House at Senate versions, ang BICAM technical staff.
03:05Inaasahan daw nilang makakatanggap sila ng kopya ng BICAM report bago ito i-ratify ng Kongreso.
03:10A thousand pages, minsan, pamutpatayan ng limang libo na pahina.
03:16So that's going to be now the work of the committee staff.
03:22The majority leader ensured the House, not only Kongos Manteno and the minority,
03:28but ensured that the whole House will be furnished a copy individually of the committee report prior to the ratification
03:37so that all of us would have time to review and look at the items and compare it probably on the approved HGAP.
03:50Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.