Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipagpapatuloy ng Senado ang deliberasyon sa proposed 2026 national budget bukas.
00:05Minamadali na ng mataas na kapulungan ng pagtalakay at pag-aproba sa pambansang budget
00:09para mapirmahan ito ng Pangulo bago magpalit ang taon.
00:14Saksi si Mackie Pulido.
00:18Gipit na nga ang schedule na suspindi pa ang Senate session ngayong araw
00:22matapos magkasunog kahapon sa third floor ng Senate building.
00:26Nag-inspeksyon lang muna kanina si Senate President Tito Soto para alamin ang tindi ng pinsala ng sunog.
00:32Kahit na holiday bukas sa Pasay City dahil Pasay Day, papasok ang mga senador para sa pagpapatuloy ng period of amendments.
00:40Maspasan na ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Sherwin Gatchalian para maiwasan ang re-enacted budget.
00:47Kung wala kaberya, inaasahang simula ng bicameral conference sa December 11
00:51at mapirmahan ang bicam report ng December 16 o isang araw bago ang Senate Christmas break,
00:57target mapirmahan ni Pangulong Bombo Marcos ang General Appropriations Act sa December 29.
01:03Very tight, to be honest about it.
01:05Kasi like pag titignan mo nga yung bicameral na mention ko,
01:08three days lang yung binigay namin sa relay namin.
01:11So we have to really work fast and find common ground.
01:16Kung dati, sarado sa publiko ang bicameral conference, ngayon naka-livestream ito.
01:22Sa bicam, pag-iisahin ang Senate at House version ng panukalang budget
01:25at isang yugtong ito sa budget process kung saan nagkakaroon noon ng budget insertions.
01:30Inaasahan ni Gatchalian na magkakaroon ng mainit na debate sa ilang issue.
01:34Isa ang unprogrammed budget, lalo't tinapyas ito ng Senado sa P170 billion mula sa P230 billion.
01:42Pusible ring pagtalunan ang dagdag na budget para sa rehabilitasyon ng mga probinsyang
01:47na sa lantan ng mga bagyo.
01:49Para matapos ang bicam sa loob ng tatlong araw,
01:52gusto ni Gatchalian limitahan ang diskusyon sa mga pagkakaiba lang ng House at Senate version.
01:57So I would suggest, dahil naka-upload naman na ito sa website,
02:05at kung ano yung mga differences doon, yun na lang ang pag-uusapan.
02:08I would propose na gano'n na lang, na wala na tayong pag-uusapan outside of those,
02:13kung hindi talaga magiging unwieldy.
02:16Iniimbisigahan pa ang sanhinang sunog sa third floor ng Senate building.
02:19Nang apulahin na mga bumbero ang sunog, nag-leak ang tubig sa session hall,
02:23pati sa ibang bahagi ng gusali.
02:25Pero kaninang tanghali, bukas na mga ilaw sa session hall at meron na rin air conditioning.
02:30Pinatutuyo na lang ang carpet at sinicheck ang mga nabasang electrical wiring.
02:34Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended