Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilabas ni dating Congressman Zaldico ang nilalaman ng liham na ipinadala umano niya kay Pangulong Bombong Marcos
00:06at sa sulat, biranggit ni Ko ang isang daang bilyong pisong insertions na iniutos umano ni Pangulong Marcos
00:12bagay na dati nang itinanggi ng Malacanã.
00:16Saksi, City na Panginiban Perez.
00:22Noong February 2025, sumulat po ako ng isang confidential letter kay Pangulong Marcos.
00:27Doon ko ipinaliwanag na ginagawa ko lang ang mga utos niya tungkol sa mga insertions na sinasabi niyang hindi na raw niya makilala.
00:39Tulad ng kanyang sinabi sa videong pinost noong Martes, inilabas ni dating Congressman Zaldico
00:46ang kanya umanong confidential letter kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:50Ang pitong pahin ng sulat, pirmado ni Ko.
00:53Walang nakasaad na pecha rito.
00:55Bagamat sinabi ni Ko na ipinadala niya ito sa Pangulo noong Pebrero.
01:01Hindi rin malinaw kung paano ito ipinadala sa Pangulo.
01:05Walang anumang marka na natanggap ito ng Malacanang o ng Office of the President.
01:10Sa liham, sinabi ni Ko na sumulat siya sa Pangulo para magpaliwanag
01:15dahil pakiramdam niya na akusahan ng kamera na ginulo nito ang 2025 budget
01:21gayong sinunod lang naman daw nila ang National Expenditure Program na isinumite ng Ehekutibo.
01:28Binanggit din ni Ko sa sulat ang umanay 100 billion pesos na budget insertion na hinihiling umano ng Pangulo.
01:36Sabi ni Ko na paulit-ulit daw niyang tinanong kung inutos nga raw ba talaga ito ng Pangulo.
01:42Pero kinumpirmaan niya ni na Nooy Budget Secretary Amena Pangandaman
01:47at dating PLLO Chief Under Secretary Adrian Bersamin na utos nga raw yun ng Pangulo.
01:53Sinisiri ni Ko, sinooy Senate President Chief Escudero,
01:58kung bakit daw lumobo ng husto noon ang budget ng DPWH
02:02ng mas malaki pa sa budget ng edukasyon.
02:06Gusto raw kasi ni Escudero na magkaroon ng 200 billion na alokasyon ang Senado
02:11na ang malaking bahagi ay ipapasok sa mga proyekto ng DPWH
02:16kaya kinailangang magbawas sa pondo sa ibang departamento.
02:20Nagbabala pa raw siya kay Escudero na hindi pwedeng mas malaki
02:25ang alokasyon ng DPWH kesa edukasyon
02:28pero nagbanta raw si Escudero na patatagali ng budget deliberations
02:33para magkaroon na lang ng re-enacted budget.
02:36Ito raw at ang hininging budget insertion ng Pangulo
02:39ang dahilan kung bakit naging mas malaki ang budget ng DPWH sa edukasyon
02:45bagay na hindi raw alinsunod sa saligang batas.
02:48Itinuro rin ni Coe ang staff ng Senado
02:51na siya raw may kasalanan sa kinwestiyon noong mga blanco
02:55sa Bicameral Conference Committee report sa 2025 budget
02:59at hindi raw ang mga tao ng Kamara.
03:02Binanggit din ni Coe si dating DPWH Secretary Mani Bonoan.
03:07Ayon kay Coe, sa opisina raw ni Bonoan,
03:10nag-aaway-away umano ang mga broker at mga contractor
03:13dahil daw nakapagbigay na ng mga anyay advance.
03:17Hinimok pa ni Coe ang Pangulo na i-review raw ang mga naging desisyon
03:21ukol sa budget at investigahan ang papel ng Senado
03:25at ng mga pinakamalalapit na kaalyado ng Pangulo
03:28sa malakihang realignment sa budget.
03:31Hinihingan pa namin ang reaksyon si Escudero,
03:34si Bonoan at ang Malacanang tungkol sa mga sinabi ni Coe.
03:38Ang ilang mambabatas naman na aming nakausap,
03:42hindi raw kumbinsido sa mga pahayag ni Coe.
03:45Hinimok nilang bumalik ito sa bansa,
03:48panumpaan ng lahat ng kanyang sinasabi,
03:50at humarap sa korte.
03:51Dapat niyang ihain ito sa proper forum
03:56and then make himself personally be able to at least make these complaints
04:02before the courts so that he can also be given the due process
04:08to make all these allegations come into light before the proper forum.
04:13Umuwi siya.
04:13Mahirap malaman kung ano yung nasa utak ni Saldi ko.
04:18But if you look at the statements,
04:21it's very serious accusations.
04:23But at the same time,
04:24sabi lang niya yun.
04:26Ang iniintay ko ay maglaba siya ng supporting evidence,
04:30lalong-lalo na yung independent corroboration.
04:34Dapat bumalik siya dito,
04:36iharap niya yung mga kaso.
04:38Para sa GMA Integrated News,
04:40ako si Tina Panganiban Perez,
04:42ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended