Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging takli!
00:08Sama-sama tayong magiging takli!
00:38Sa lumabas na resulta ng mga survey noong kampanya.
00:42Saksi, si Van Maylina.
00:48Kahit tanguna na si Sen. Bonggo sa ilang senatorial survey noong huling bahagi ng kampanya,
00:54nagulat pa rin daw siya sa partial unofficial results ng eleksyon 2025.
00:58Nasurpresa po ako sa naging resulta.
01:03Referendum po ito sa amin bilang incumbent senator.
01:07Ito po yung performance rating namin kung nagtrabaho ba kami sa loob ng alin na taon.
01:13Nagpasalamat sila ng kapartidong si Sen. Bato de la Rosa sa mga taga-suporta.
01:17Pangatlo si de la Rosa sa partial unofficial count.
01:20Pareho rin nilang nabanggit si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:23Sa lahat po nang sumusuporta at nagtitiwala sa akin at of course sa dating Pangulong Duterte na naging mentor ko po sa pagsiservisyo.
01:38Ito pag-angat natin ngayon dito sa partial results ay it came with a very heavy price at yan yung freedom ni Pangulong Duterte.
01:51Isa pang nanguna sa ilang senatorial survey si Congressman Erwin Tulfo na pang-apat ngayon sa Magic 12.
01:57Handa rin siya makipag-dialogo sa kanyang mga posibleng makatrabaho sa Senado laloan niya para sa healthcare.
02:03Pag-official na tayo na, lembra ng Senado din sa kausapin po natin.
02:08Lahat siguro from the opposition, from the left, from the right, para how can I help?
02:13Pero ang mismo mga survey firm nagulat sa talon ng ranking ng ilang senatorial candidate.
02:18Halimbawa, si dating Senador Bam Aquino, pangalawa sa partial unofficial count.
02:23Pero kung titignan ng mga huling survey ng SWS, Pulse Asia at Octa Research ay wala o hindi kataasan sa Magic 12.
02:31Si dating Senador Kiko Pangilina naman, panglima sa partial unofficial count.
02:36Pero sa mga survey na isinagawa nitong Mayo lang o dulong bahagi ng Abril, may mga pagkakataon pang hindi siya pasok sa Magic 12.
02:43Tingin ni Pangilina, nakatulong ang pag-endorso ng mga lokal na opisyal, particular sa Cebot, Cavite.
02:49Masigasig na pangangampanya at magsusulong ng kanyang adbukasya para sa food security.
02:54Yung tip, meron kaming telegram thread. At doon ko nakita yung unang feed na nasa top 5 na nga. So akala ko pay news.
03:09Pero hindi raw niya inaasahan na ganun kataasan niya magiging ranking.
03:12Meron talagang ganun, talagay kong voters na nagahanap. Siguro feeling nila masyadong magulo ang nangyayari, yung bangayan.
03:23E kami naman, hindi naman kami kasama doon sa dalawang naguumpugang bato, ika nga.
03:27Nagpapasalapas ko kami sila sa mga sumulong, sa mga volunteers, especially po yung mga kabataan.
03:33Tingin mo namin yung mga kabataan na nagayos at gula sa amin, ikaw sa winning circle po.
03:38May mga kandidato namang pasok sa mga survey pero sa ngayon ay laglag sa Magic 12.
03:44Gaya ni na Ben Tulfo, Sen. Bongrevillea at Makati Mayor Abibinay.
03:49There were some surprises. For example, we didn't expect Abibinay or Bongrevillea to be where they are now in terms of the numbers.
04:00Of course, it can still change. There's still 20% of the vote.
04:03May margin of error lagi ang survey. Hindi siya perfecto, hindi rin siya crystal ball.
04:07So, doon sa margin of error, makakita niya, dikit-dikit talaga eh.
04:11Sa bawat survey na isinasagawa ng SWS, Pulse Asia at Okta Research,
04:15laging nariyan ang mga katagang kung ngayon gagalipin ang eleksyon.
04:19Ang mga sagot kasi ng mga sinasurvey, maaaring magbago sa mismong butohan.
04:23We have data to show that 20% of our voting population will only decide on the day of election.
04:29Mismo election.
04:30And then another 20%, close to 20%, 18% will decide the week before the election.
04:37Maaaring rin naka-apekto ang mga nangyaring mula ng huli sila mag-survey.
04:41Gaya ng nasa number 6 spot na si Congressman Rodante Marcoleta.
04:45Kabilang sa mga maaaring rin nakatulong sa kanya ang suporta ng mga Duterte.
04:49At gayon din ang Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan niya ang paglalabas ng endorsement ng INC.
04:55Hindi rin pasok sa survey period.
04:57From experience, yung Iglesia Ni Cristo, talagang solid yun.
05:00By solid, I mean 80%.
05:02Not 100, not 80%.
05:05My feeling always has been doon, but kukunti lang sila.
05:11Mga 5% lang ang mga Iglesia Ni Cristo voters.
05:14Diba?
05:15So, I haven't seen yet that that could change the standing so much.
05:20Let us see.
05:21Anyway, hindi pwedeng Iglesia lang.
05:23Luobas din kamakailan ang endorsement kay Marcoleta ni Vice President Sara Duterte.
05:28In-endorse rin ang bisensi na Congresswoman Camille Villar at Senadora Amy Marcos
05:33at inampo ng PDP laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:37Pero hindi pa raw dapat pa kasiguro mga nasa dulo ng Magic 12.
05:40Halos hindi naglalayo ang kanilang mga figures mula dun sa 10, 11, 12.
05:49So, pwedeng gumalaw.
05:50Para sa GMA Integrated News, ako sa Ivan Mayrina ang inyong saksi.
05:54Ngayon po silipin natin ang partial unofficial count as of 10.21 p.m.
06:01Nanguna pa rin sa listahan ng mga Senador.
06:05Hongbo, 26,484,089.
06:10Pangalawa, Bam Aquino, 20,636,345.
06:15Number 3, Bato de la Rosa, 20,267,642.
06:22Sa ika-apat na pwesto, Erwin Tulfo, 16,814,780.
06:28Ikalimang pwesto, Kiko Pangilinan, 15,087,765.
06:34Sa ika-alim na pwesto, Rodante Malcoleta, 14,906,896.
06:43Number 7, Ping Lacson, 14,856,359.
06:49Number 8, Tito Soto, 14,596,270.
06:54Sa ika-alim na pwesto, Pia Cayetano, 14,306,453.
07:02Sa ika-alim na pwesto, Camille Villar, 13,358,507.
07:10Sa ika-alim na pwesto, Lito Lapit, 13,119,308.
07:16At sa ika-alim na pwesto, Amy R. Marcos, 13,036,297.
07:22Number 13, Ben Tulfo, 11,886,201.
07:29Number 14, Bong Revilla, 11,788,789.
07:35At sa ika-alim na pwesto, Abibinay, 11,569,458.
07:43Yan po ay partial unofficial count as of 10.21pm.
07:46At mula po yan sa 97.35% ng clustered precincts sa buong bansa.
07:53At batay po yan sa datos ng Comelec Media Server.
07:57Sa kala mga kapuso, naiproklama na ang lahat ng nanalong alkaldes
08:01sa labing-anin na lungsod at nag-iisang bayan sa Metro Manila.
08:05Huling itrinoklama si Esco Moreno na papalitan.
08:08Ang dating running mate at kalaunay nakatunggali sa pagkamayon ng Maynila na si Honey Lacuna.
08:15Saksi, si Mariz Umali.
08:20Matapos makakuha ng 530,825 na boto mula sa 1,584 cluster precincts,
08:27naiproklama na bilang susunod na alkaldes na Maynila si Esco Moreno.
08:31Ayon sa City Board of Canvassers ay inaprubahan na ang mosyon ng Kampo ni Moreno
08:36na ibabang threshold for proclamation dahil malayo na ang agwat ng kanyang boto
08:40sa incumbent mayor Honey Lacuna.
08:43Buong kababaang log nating tinatanggap ang kapasyahan ng higit na nakararami sa atin.
08:50Maraming salamat sa pangbigay ninyo
08:53ng pagkakataon na ako'y maging kauna-unahang babaeng punong lungsod sa kasaysayan ng Maynila.
09:00Una ko na muna ang panawagan ito sa ating mga mamamayan.
09:05Tapos na po ang eleksyon, yung mga nagkontrapartido, magkatapat ng ilog,
09:12magbati-bati na po kayo na po tayo mag-iwaiwalay.
09:16At the end of the day, tayo-tayo rin ang magkikita sa finals.
09:21Nanawagan siya ng paghilom matapos siyang maiproklama.
09:24Ipinroklaman namang Vice Mayor si Chi Atienza.
09:30Muling maupo bilang alkalde ng Pasig sa ikatlo at huling termino si incumbent Mayor Vico Soto.
09:36Panalo rin ang running mate niya si incumbent Vice Mayor Dodot Jaworski
09:40at iba pang kasama sa giting ng Pasig Slate.
09:42Naipakita po natin na ang tao ayaw na sa tradisyonal na politika,
09:48ayaw na sa siklo ng korupsyon at maduming politika,
09:53ayaw na ng mga lumang kalakaran.
09:55Sa susunod na tatlong taon, pagtitibayin daw niya ang mga nasimulang pagbabago sa Pasig.
10:00May balak ba siyang tumakbo sa national position pagkatapos ng kanyang termino?
10:04Wala po akong balak.
10:06Sana hayaan din po ako ng mga tao na magtrabaho
10:10at hindi yung lagi po akong pinipressure o mag-isip ng kung ano-ano.
10:18Importante, magtrabaho po tayo every day.
10:21Let's take it one day at a time.
10:22Let's do the best where we are right now.
10:25Focus po tayo.
10:27Wala pa rin daw sa isip na incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte
10:30kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon.
10:32Matapos niyang manalo sa ikatlong termino.
10:35Naiproklama na siya kanina at ang kanyang running mate na si Gian Soto.
10:38Ipagpapatuloy po natin ang pagsulong ng good governance sa ating lungsod.
10:42Mapalawak pa ang serbisyo para sa ating mga mamamayan.
10:46Huling termino na rin ipasay si TMI Calixto Rubiano.
10:49Sa aking mga kababayan, yung tiwalang binigay nila sa akin
10:52mula noon hanggang ngayon ay talagang pinaka-iingatan ko
10:57at ito po ay sinusukliang ko ng tapat at ikit pa sa sapat ng pagdilin ko.
11:03Ang pamangkin niyang si Mark Calixto ang nanalong vice mayor ng lungsod.
11:07Patuloy na yung magsisilbing alkalde ng San Juan si incumbent mayor Francis Zamora
11:12na nasa ikatlo na niyang termino.
11:14Panalo rin si incumbent vice mayor AAA Agcawili.
11:18Magpapalita naman sa pwesto ang mag-inang Aguilar sa Las Piñas.
11:22Unang termino sa pagka-alkalde ni incumbent vice mayor April Aguilar
11:25habang vice-alkalde ang ina niyang si incumbent mayor Imelda Aguilar.
11:29Maraming maraming salamat sa inyo.
11:31Sabi ko nga po isang tabi na natin yung politika.
11:34Magsama-sama tayo, magtulungan tayo.
11:37Para sa ikauulad na Las Piñas.
11:39Ang konsihala si Mark Anthony Santos ang ipinroklamang panalo sa pagka-kongresista.
11:44Tinalo niya ang tatlong katunggali kabilang na si Senadora Cynthia Villar.
11:49David and Goliath.
11:50Pero kalimutan na natin yun kasi it's time to move on.
11:54Tapos na ang eleksyon, trabaho na at kailangan sipagan pa natin.
12:01Sa Makati City, ipinroklamang alkalde si incumbent Senator Nancy Binay, kapatid ni Senatorial Candidate at incumbent Makati Mayor Abby Binay.
12:14Tinalo niya ang asawa ni Abby na si incumbent Makati 2nd District Representative Luis Campos.
12:19Hindi changes eh. It's more of enhancement.
12:22Yung mga programa na nasimulan ng daddy ko, na tinuloy din naman ng mga kapatid ko including Mayora Abby.
12:29Ipinroklaman na rin Vice Mayor si Makati Representative Kid Peña.
12:34Nayproklama na rin bilang alkade ng Marikina si 1st District Representative Marjorie Ann Maan Teodoro.
12:40Papalitan niya ang asawa si outgoing Mayor Marcy Teodoro na nangunguna sa bilangan sa pagka-kongresista ng 1st District ng Lungsod.
12:47Sinuspindi ng COMELEC ang proklamasyon kay Marcy Teodoro dahil wala pang resolusyon sa inihaing reklamo laban sa kanya.
12:53Umapila naman si Teodoro sa COMELEC na irespetoan niya ang boses ng mga botante at ituloy ang proklamasyon.
13:00Muli namang manunungkulan sa ikalawang terminong si Kaloocan City Mayor Along Malapitan.
13:05Pinalo niya si dating Senador Antonio Trillanes IV.
13:08Masaya tayo na na-appreciate ng mga taga-Kaloocan yung mga ginawa natin nung ating 1st Term.
13:16So sabi ko nga pagpapatuloy natin yung mga ginawa natin.
13:20Ang ama ni Along na si Congressman Oscar Malapitan,
13:24Waghi bilang 1st District Representative.
13:27Labing walong taon nang hawak ng mga malapitan ang naturang posisyon.
13:31Waghi rin si Vice Mayor Karina Te.
13:34Muli rin mauupo bilang Malabon Mayor si Jeannie Sandoval.
13:37Ito po'y pudyat na ako po'y lalong magbibigay ng mas maigting, mas maalab at mas dedikadong servisyo publiko.
13:52Si Edward Nolasco naman ang nanalong Vice Mayor.
13:55Second term na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
13:59Ipinrok lamang Vice Mayor ang running mate niyang si Arvin Ian Alip.
14:02Re-electionist at loan candidate naman si Wes Gatchalian na al-calde ng Valenzuela.
14:07Habang si Valenzuela District 1 City Councilor Marlon Alejandrino ang Vice Mayor.
14:12Loan candidate rin ang muling nahalal na al-calde ng Montinlupa na si Rufy Biazon, Vice Mayor si Fanny Tevez.
14:19Pareho rin ang unopposed ang nanalong Mayor ng Nabotas na si John Ray Tiangco at Vice Mayor na si Tito Sanchez.
14:26Unopposed din si Mandaluyong Incomment Vice Mayor Menchie Avalos na ipinrok lamang al-calde ng lungsod.
14:31Gayun din ang tumakbong Vice Mayor na si Anthony Suva.
14:35Sa Paranaque, si 1st District Representative Edwin Olivares ang nanalong al-calde.
14:40Ipinrok lamang al-calde ng patero si Gerald Herman.
14:43Habang si Carlos Santos ang ipinrok lamang Vice Mayor.
14:46Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang, inyong saksi.
14:52Inanyayahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga bagong halal na opisyal,
14:56anuman ang partido o koalisyon na makipagtulungan tungkol sa ikabubuti ng bansa.
15:02Ang mensahe ng Pangulo pagkatapos ng eleksyon 2025,
15:05sama-samang umusat ng may bukas na pag-iisi at iisang layuin.
15:10Nagpasalamat din siya sa bawat Pilipinong bumoto at sa mga sumuporta sa mga kandidato ng Alyansa.
15:17Hindi man nila napanaluna ng buong Magic 12, tuloy pa rin daw ang trabaho at ang misyon.
15:22Si Vice President Sara Duterte naman,
15:25kirikilala ang resulta ng eleksyon.
15:27At bagamat hindi ito ang resulta ang inaasahan nila,
15:30hindi natitinag ang kanilang pangakok sa taong bayan.
15:34Patuloy rin nilang isusulong ang mahalagang isyo
15:37at hindi titigil sa pagtatrabaho tungkol sa malakas at anyay constructive na oposisyon.
15:43Hindi raw ito ang katapusan kung isang panibagong simula.
15:46Mga kapuso, maging una sa saksi.
15:50Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
15:54Mga kapuso, maging una sa saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended