Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Simula bukas, suspendido ang mga pagkukumpuni sa North Luzona Expressway sa gitna ng pagdami ng mga sasakyan ngayong papalapit ang Pasko.
00:07Sa Sabado naman, ang simula ng pagpapatupad ng bagong sistema ng pagkwenta kung magkano ang singil sa mga TNVS.
00:15Ating saksihan!
00:19Pahirap ang pagbubuk at tumataas sa singil ngayong holiday season.
00:23Ilan lang yan sa idinaraing ng mga pasahero ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS.
00:31At sa Sabado, December 20, asahan pa ang mas mataas sa pamasahe.
00:37Inaprubahan na kasi ng LTFRB ang Fixed Pickup Rate System na ipatutupad hanggang January 4.
00:44Sa ilalim nito, isasama na sa singil ang biyahe ng mga TNVS papunta sa pick-up point basta't pasok sa 5-kilometer radius.
00:54Hindi tulad sa nakasanayang ang singil ay nakabase lang sa lugar kung saan sumakay ang pasahero hanggang sa kanyang destinasyon.
01:01Naiintinahan naman po namin yung hirap ng mga TNVS driver lalo na traffic ngayong holiday season.
01:08Pero mabigat pa rin po para sa aming mga pasahero itong Fixed Pickup Fair System.
01:15Bukas at sa weekend din, inaasahang daragsa ang mga pasahero sa bus terminals.
01:20Tatlong bus station sa EDSA-Cubao ang ininspeksyon kanina ng mga opisyal ng DOTR at MMDA.
01:28Nagsagawa rin ng random drug test sa mga bus driver ang mga tauhan ng LTO.
01:33Maganda naman ito para at least yung mga gumagamit talaga, mauli nila at siguradong sip yung pagmamaniutabihan.
01:45Once na mag-positive yan ngayon, dito ikukumpis kahin namin yung driver's license para hindi yan makabiyahe.
01:53Magpapasyokos kami ng hearing. Pag napatunayan doon sa hearing na talagang siya ay nagdodroga, e-rebook yun.
02:02Ang pamunuan naman ng NLEX, nagdagdag na raw ng mga nag-iikot na bantay kasunod ng naiulat na insidente ng pamamato sa mga sasakyan nitong lunes.
02:14Hindi bababa sa limang bus ang magkakasunod na nabato sa bahagi ng Burol Underpass sa NLEX Northbound Balagtas Exit.
02:23Steady incident, nag-coordinate kami with Barangay Burol, Balagtas, Bulacan. May nahuling bata na may tirador. Nakakitang ginagawa niya yung pang tirador.
02:34Together with our security team, nag-latter ko doon sa barangay.
02:40Bakit daw naninirador siya ng bus?
02:42I think, hindi lang. Bata siguro kala niya hindi niya alam yung effect ng paninirador niya.
02:48Ayon sa NLEX, hinuli ang isang minor de edad na itinuro rin ang iba pang batang na mato.
02:54Itinuturing itong isolated incident dahil matagal na raw na walang namonitor na kaparehong insidente.
03:01Nag-detractal din na mas parang security teams na involving more frequently in the area.
03:06Magdaragdag din ang patrol, teller at incident responders kognay sa dagsa ng mga biyahero sa mga probinsya mula bukas hanggang January 5, 2026.
03:18Mula bukas ay suspendido rin muna ang mga road work at magpapatupad ng counter flow lanes mula alas 5 na umaga hanggang alas 8 ng gabi.
03:27Pwede yung ma-extend kung kailangan.
03:29In case po na talagang gagamitin po nila, instead of using yung on-ramp ng Skyway Stage 3 dito sa may balintaw area,
03:40doon na lang po sa may Bonifacio area yung on-ramp po ng Skyway Stage 3.
03:46Inanunsyo rin ng NLEX ang libring toll sa NLEX, SC-TEX at NLEX Connector mula 10pm sa December 24 hanggang 6am ng December 25.
03:58Pati na mula 10pm ng December 31 hanggang 6am ng January 1.
04:04Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
04:08Sa December 29, planong ipadala kay Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang 2026 National Budget na inaprubahan na ng BICAM.
04:18Saksi si Bea Pinlak.
04:19Sa ilalim ng National Expenditure Program o ang panukalang budget na isinusumitin ang Ehekutibo sa Kongreso sa pagsisimula ng budget cycle,
04:31mahigit 880 billion pesos ang budget ng DPWH para sa 2026.
04:37Pero matapos pumutok ang eskandalo sa mga flood control project,
04:41tinapyasa ng mga proyektong locally funded.
04:44Kaya naging mahigit 624 billion pesos na lang ang ipinasan ng Kamara.
04:50At sa Senate version, bumaba pa yan sa mahigit 570 billion pesos.
04:55Nauwi pa sa deadlock ang usapin ng budget ng DPWH sa BICAM.
05:00Matapos umapila si DPWH Secretary Vince Dizon na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas ng Senado.
05:07Sa huli, 529.59 billion pesos ang ipinasang budget ng BICAM para sa DPWH.
05:15Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Wyn Gatchalian,
05:1820.7 billion pesos ang nakompute na savings nang i-apply ang Construction Materials Price Data o CMPD
05:26na ibinigay ni Secretary Vince Dizon.
05:28Ang CMPD ay batayan sa pagtaya kung magkano ang materyales na gagamitin sa mga proyekto
05:34gaya ng bakal, asfalto at iba pa.
05:37Confident po ako sabihin na wala nang overpriced na materyales sa loob po nitong budget na ito.
05:43Hindi malaki ang dapat tapyasin.
05:48At nung kinompute nila, sinama na rin yung hauling, ibig sabihin yung tracking, logistics ng materyales na kasama dapat sa costing.
06:02Ayon, lumalabas, hindi 45 kung hindi 20.7 ang overpriced.
06:11Sa 20.7 billion pesos na savings, 16.5 billion pesos ang inilipat sa PhilHealth
06:18at 4.25 billion ang napunta sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund na ginagamit tuwing panahon ng kalamidad.
06:26Every year, ang remittance to PhilHealth from Syntax kulang yan.
06:31So this year will be the first time na kompleto siya at 63 billion if I'm not mistaken.
06:38Tapos yung additional pang 60 billion na ibinalik dahil sa Supreme Court ruling.
06:45So ang trabaho ngayon ng PhilHealth, siguraduhin na yung case rates taasan.
06:51Sabi noon ni Dizon, magkukulang ang pondo para sa halos 10,000 proyekto kung hindi ibinalik ang 45 billion pesos.
06:59Pero sabi niya ngayon, pagkakasahin na lang ang pondo.
07:02Okay lang yun. Kasi naniniwala ako, naniniwala ang pangulo at naniniwala din ang kongreso na ang importante sa budget ay magini siya at ma-implement siya ng tama.
07:21Kabilang naman sa nadagdagan ng pondo ang farm-to-market roads sa ilalim ng Department of Agriculture.
07:28Mula 16 billion pesos na orihinal na proposal, itinaas yan sa 33 billion pesos sa BICAM.
07:34Noong una, kinwestiyon ni Sen. Ping Lakson ang listahan ng farm-to-market roads na kulang daw sa detalye tulad ng coordinates at plano.
07:42Mag-i-inspeksyon daw ang Senado para mabantayan ang implementasyon nito.
07:47Pasado rin sa BICAM ang pinataas na pondo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AIX na nasa 63.9 billion pesos.
07:56Tinaasan ito para hindi na raw kumuha sa unprogrammed budget tulad ng mga nakaraang taon.
08:01Isasama na rin kasi sa AIX sa mga benepisyaryo ng ACAP o ayuda para sa kapos ang kita program na tatanggalin na at hindi napupondohan.
08:09Kahit sa MAIFIP o Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients, aalisin na ang paggamit ng guarantee letter mula sa mga politiko para maka-avail sa programa.
08:20Target na maratipika ang BICAM report sa plenaryo ng Kamara at Senado at maitransmit ito sa Pangulo sa December 29, dalawang araw bago matapos ang taon.
08:31Kung hindi mapirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang budget bago matapos ang taon, posibleng mauwi ito sa re-enacted budget.
08:37Pero pag titiyak ng Senate Finance at House Appropriations Committee, synchronized na ang ginagawang review ng DBM para umabot sa 2025 ang pagpirma ng Pangulo sa budget.
08:48Nauna nang sinabi ng palasyo na ayaw ng Pangulo na magkaroon ng re-enacted budget.
08:53We just want to give the assurance that the executive has enough time to review.
08:58As we finish the agencies, we already start sending to the DBM.
09:03We can now confidently say, ngayon natapos na po yung BICAM. There will be no re-enacted budget.
09:10Para sa GMA Integrated News, ako si Bea Pinlak, ang inyong saksim.
09:16Tinawag ni Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas na nuisance ang isinampang 1 billion peso class action civil suit laban sa kanya.
09:25Kawag ngayon ang maanumalya umanong flood control projects.
09:27Git ni Vargas, politika, ang dahilan ng pagsasampan ng reklamo.
09:33Napatunayin din daw sa pag-aaral ng Quezon City Government na walang ghost projects sa lungsod.
09:38Ayon pa kay Vargas, oras na matanggap nila ang kopya ng reklamo at mapag-aralan na ito, maghahain po sila ng ligan na hakbang.
09:45Inihain ng grupong United People Against Corruption ang reklamo kung saan respondent rin sinadating House Speaker Martin Romualdez,
09:54dating Congressman Zaldico, at ilang tauhan ng DPWH.
Be the first to comment