00:00Sa Matnog, Sorsogon naman, pahirapan sa pagsakay ng Roro ang mga biyahero sa Matnog Port.
00:06Kita ang dami ng mga paseherong nakapila para makabili ng tiket pa Samar ngayong magpapasko.
00:12May ilan pa ang mahigit labing dalawang oras nang naghihintay para makasakay sa Roro, patawid ng dagat sa Samar.
00:19Sa inisyal na informasyon ng pamunuan ng Matnog Port, wala namang kansilasyon at tuloy-tuloy ang biyahe.
00:24Ayon sa Sorsogon Provincial Administrator, natatagalan lang makabalik ang mga barko mula sa kabilang pantalan.
00:31Kakaunti kasi ang mga pasehero at mga sasakyan na sumasakay pabalik ng Matnog Port.
Comments