Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 22, 2026


- Sen. Ping Lacson : Pambabastos ang Senate minority report tungkol sa imbestigasyon ng flood control scandal | Sen. Lacson: May tamang proseso para sa mga gustong ipasok ng Senate Minority sa final committee report | Sen. Risa Hontiveros: Hindi bawal ang minority report; Ginawa noon pero hinintay muna ang final committee report | Sen. Lacson: Pagsama ng mga puna ng minorya para sa final committee report, pagbobotohan | Sen. Imee Marcos: Hindi ako ang may basurang pinagtatakpan
- Rep. Leviste, inilabas ang listahan ng mga kontratistang nakakuha umano ng pinakamalaking gov't contract mula sa Unprogrammed Appropriations noong 2023 at 2024
- Impeachment complaint vs. PBBBM, na-transmit na sa Office of the Speaker
- DILG, ipinag-utos sa mga operatibang naghahanap kay Atong Ang na magsuot ng bodycam | BJMP: Mga kulungan sa Laguna at Batangas, nakahanda sakaling maaresto si Atong Ang | PNP:5 sa 6 na baril na nakarehistro kay Atong Ang, isinuko; Hindi na siya itinuturing na "armed and dangerous"
- Tomtom Traffic Index: Pilipinas, pinaka-ma-traffic na bansa sa Asya noong 2025; Davao City at Manila, pinaka-matraffic sa Pilipinas | Ilang motorista at pasahero, sang-ayon sa isang pag-aaral na pinaka-ma-traffic ang Pilipinas sa Asya; May ilang suhestiyon para maibsan ang traffic
- DPWH Sec. Vince Dizon, nagsasagawa ng inspeksiyon sa drainage expansion project sa G. Araneta Avenue
- GMA Network, nagtala ng 86.2 net reach o 62M viewers noong 2025; Number 1 network pa rin | "24 Oras" at "Kapuso Mo, Jessica Soho," nanguna sa top 30 most-watched list sa bansa | GMA Network, nangunguna rin online; may 74.4 billion views sa iba't ibang platform | GMA Integrated News, nakakuha ng 18.5B views nitong 2025; "Encantadia Chronicles: Sang'gre," most-watched GMA content | GMA Radio stations, nangunguna sa Metro Manila at sa mga rehiyon
- Estero na may mga basura at lupa sa Brgy. Malanday, target linisin ng MMDA ngayong araw bilang pangontra sa baha
- PBBM: Cash incentives para sa SEA Games 2025 medalists, dinagdagan
- Presyo ng local rice sa Mega Q Mart, tumaas ng P2 kada kilo | DTI: 91% ng mga pangunahing produkto, hindi magtataas ng presyo
- Aspin na humihingi ng pagkain, kinaaawaan ng netizens


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30May unang balita si Chino Gaston.
01:00Dating House Speaker Martin Romualdez ang itinuturo ng mga dati ng nagsalita sa issue.
01:04Sabay-sabing walang sapat na ebidensya laban kina Minority Senators Chis Escudero at Jingoy Estrada at dating Sen. Nancy Binay.
01:13Hindi na binasa ni Laxon ng report.
01:15Respect the guest respect.
01:16Paano ko re-respetuhin ang isang dokumento na nagsisimbolize ng disrespect toward the committee at saka sa entire Senate at sa institution. Kasi wala sa roles namin e.
01:27Tinawag din ang report na walang saisay ang Independent Commission for Infrastructure o ICI. At umabot na sa dead end ang investigasyon ng committee ni Laxon.
01:36Isa lang ang Blue Ribbon Committee sa Senado at ito'y mayroong labing-pitong membro, hindi siyam. Bakit nila ipipre-empt?
01:45Ang tamang procedure, mag-re-route ng committee report, papasok yung period of amendment at doon sila mag-amend kung anong gusto ang input.
01:56Kapwa-membro ng Blue Ribbon Committee, ang mga naglabas ng Minority Report na sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Aimee Marcos.
02:07Pero si Marcos, hindi tumalo sa hearing ng committee.
02:11Wala, hindi lang akong kinakausap eh. Media kinakausap nila. Ba't ko nang sila kakausapin?
02:15Sabi ni Sen. Risa Odeveros, hindi bawal bumuo ng Minority Report na ginawa na nila, ninooy Sen. Coco Pimentel, tungkol sa sugar importation sa bansa.
02:24Pero hinintay muna nilang mailabas ang final report ng Blue Ribbon Committee.
02:30So our Minority Report was a comment on and a constructive criticism too at may proposals kami doon.
02:40Pero ang investigasyon sa flood control, gumugulong pa nang isumite ang Minority Report noong Desyembre at hanggang ngayon.
02:46Ayon kay Lakson, may botohan namang nakatakda kung saan pwedeng maisama ang mga puna ng minorya para sa final report.
02:53Merong proper time po that mag-intunod sila ng amendment after na makipag-debate sila sa penaryo.
02:59Hindi yung ganito pamamaraan ang ginagawa nila. Wala sa lugar, wala sa hulog.
03:04Katunayan na nanatiling bukas ang imbitasyon kay Romualdez para dumalo sa pagdinig.
03:09Pusibling sunod na tutukan ng impormasyong Kumpanya Umanoh na mga diskaya.
03:13Ang kontraktor ng bahay sa Forbes Park na binili Umanoh ng isang kumpanyang Umanoh kay Romualdez.
03:20At kung saan Umanoh ibinagsak ang Umanoh mga kickback sa flood control project.
03:26Ipatatawag ang abogadong may-ari ng nasabing kumpanya na board member Umanoh ng isang kumpanya ni Romualdez
03:32para malaman ang kakayahan ng kumpanyang bilhin ang nasabing property.
03:36Sa isang pahayag, sinabi naman ni Senadora Marcos na taong bayan daw ang pinatunguhan ng ginawa nilang minority report.
03:44Wala raw siyang alam sa basurahan at hindi rin daw siya ang may basurang pinagtatakpan.
03:50Ayaw raw ng Senadora na patulad ang usaping respeto.
03:54Aniya, kung may pinakamalaking bastusan dito, yun ang pambabastos sa talino at pangunawa ng Pilipino.
04:01Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
04:07Inilabas ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste ang listahan ng mga kontratista
04:12ang nakakuha o mano ng pinakamalalaking kontrata ng gobyerno.
04:17Mula sa Unprogrammed Appropriations noong 2023 at 2024,
04:22nangunguna sa listahan ang SunWest na may mahigit 11 billion pesos na halaga ng mga kontrata.
04:27Ito ang kumpanyang dating pagmamayari ng dating kongresista si Zaldico na patuloy pang tinutugis
04:33para sa kaso niya ang graft at malversation kaugnay sa questionable and flood control project
04:38sa Nauhan Oriental Mindoro.
04:40Sabi ni Leviste na kuha niya ang impormasyon mula sa isang anyay insider sa Department of Public Works and Highways.
04:47Sinisikap naming makuha ang pahayag ng SunWest kaugnay nito.
04:50Na-i-transmit na sa Office of the Speaker ang inihayang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
05:00Kinumpirma yan ni House Secretary General Celoy Garafil.
05:03Itong lunes, January 19, ang ihain ni Atty. Andre de Jesus ang reklamo.
05:09Matapos itransmit sa opisina ng House Speaker,
05:12dapat ito maaksyonan sa loob ng 10 session days bago i-refer sa Justice Committee.
05:17Dilinaw naman ang komite na gugulong lang ang one-year bar rule kapag hawak na nila ang impeachment complaint.
05:33Pinagutos ng DILG sa mga operatibang naghahanap.
05:36Sa most wanted na si Charlie Atong Ang na magsuot ng body cam.
05:40Ayon kay Interior Secretary Junvik Remulia paraan yan para maiwasan ng huli dap
05:44o posibleng pangingikil ng mga aaresto sa negosyante.
05:49Anya, baka makakita ng pera at matukso ang mga otoridad sa mga raid para mahanap si Ang.
05:55Kahapon, pinuntahan ng mga taga-CIDJ ang isang farm ni Ang sa Tanawang, Batangas, pero hindi siya natagpuan doon.
06:02Ayon naman sa Bureau of Jail Management and Penology,
06:05nakahandaan sa Santa Cruz District Jail sa Laguna, sakaling maaresto si Ang.
06:09Dahil hindi na mga kulungan sa San Pablo, Laguna at Batangas.
06:13Sa mga nasabing lugar, may arrest warrant o pending na mga kaso si Ang kaugnay sa mga nawawalang sabongero.
06:20Samantala, isinuko na ng abogado ni Ang sa Mandaluyong Police ang lima sa anim na baril na nakarehistro sa pangalan ni Ang.
06:28Pinagpapaliwanag ang kampo sa isang rifle na hindi raw na isurrender dahil nawala umano.
06:34Pinipigyan po natin sila ng full-time at ngayon po ay nagkuhusana sila.
06:41Hindi na po siya considered na dangerous.
06:46Pinaka-ma-traffic na bansa sa Asia ang Pilipinas ayon sa isang pag-aaral.
06:51Ramdam daw ng ilang tsuperyan na aminadong apektado ng mabigat na traffic ang kanilang kita.
06:57At yan ang street hirit, live ni Bam Alec.
07:00Bam!
07:01Bam!
07:04Again, good morning!
07:05Pagdating sa traffic sa buong mundo, kasama ang Pilipinas sa top 12 sa pinakamasikip ang congestion o yung gapang ng biyahe kapag bumper to bumper ang traffic.
07:15Yan ang resulta ng datos na hihimayin natin sa street hirit.
07:23Sinuri ng TomTom Traffic Index ang GPS data ng mga pangunahin lungsod sa buong mundo.
07:28Travel time sa mga kalsada lalo na kapag traffic ang batayan.
07:32Ano-ano nga bang bansa ang nanguna sa leaderboard kung na isa usapin ang congestion level o yung nadadagdag na oras sa biyahe dahil sa bumper to bumper na traffic?
07:42Sa datos, narito yung top 3 ng mga bansa.
07:45Mexico City, Bengaluru, India at Dublin, Ireland.
07:48Top 12 ang Davao City at pang top 40 naman ang Metro Manila.
07:52Sa Asia, naunguna ang Pilipinas sa congestion level na 45%.
07:57Sunod dyan ang Singapore at India.
08:00Gaano nga ba naka-apekto ang traffic sa pang-araw-araw na buhay ng ilan nating kapuso?
08:05Pasakit daw talaga ito kung ang namamasadang rider na si Roger Bantillo ang tatanungin.
08:10May litanya siya.
08:11Sige Roger, ilabas mo ang sama ng loob mo.
08:14Sobrang traffic talaga lalo na pag-rash-ar.
08:17Nahihirapan yung mga pasahero namin mag-book.
08:20Lalo-lalo din po kami.
08:22Lalo-lalo na po kami kasi naano namin yung mga pasahero din namin.
08:27Kami di nahihirapan kasi kulang-kulang din yung mga rider na hindi namin mawabos-obos yung mga pasahero.
08:34Sang-ayo naman dito ang pasaherong si Ricardo Lorico na balisana kasi malilate na siya.
08:38At walang masakyan na ipit ata sa traffic.
08:41Eh, katulad ngayon no. Tingnan mo, wala ko panggip.
08:45Hindi may tatanggi ang epekto sa kabuhayan ng traffic lalo para sa chuper na si Gerald Dumalal.
08:51Medyo mahirapan kami sa kita sir. May ma-traffic kasi.
08:55Ang kapwa-chuper niya na si John Lloyd may ilang mga sugestyon para maibsan ang traffic diyan.
09:00Siguro yung mga number coding mas padamihin pa sa loob ng isang araw.
09:06Kasi sobrang dami talaga ng private na yun eh.
09:09Kung tutuusin eh. Mas marami na nga yung private kaysa sa public transportation.
09:18Igan, mga lungsod sa Estados Unidos yung buhubuo sa bottom 7 o listahan o yung mga lungsod na mababa ang congestion level.
09:25Ito ang street hilit mo la rito sa Pasa Iba Malagre para sa GMA Integrating News.
09:29Pa mo po sa nandito pa rin po tayo sa canto ng G. Araneta at E. Rodriguez Aden.
09:35Kaugnayin itong drainage expansion project ng DPWH.
09:39At ngayong araw nga po ito ay i-inspeksyonin ng kalinghim ng DPWH.
09:45Yung mga proyekto nito. Kasama natin si Secretary Disney Sol.
09:48Good morning.
09:49Good morning.
09:50Good morning.
09:50Hey, nako! Alam mo, Secretary, hindi na malihil sa'yo. Itong lugar na ito, ang napaka-bilis bahay.
09:56Eh, ano? Tinuturo mo lampas tao nga, sir.
09:59Lampas tao, kasi yung tubig galing sa Tatalon, lahat bagsak dito, eh.
10:04So, talagang nung mga nakaraang taon, eh, lampas nga tao. Lampas daw ng bush, eh.
10:10May bush daw na lumutang dito, eh.
10:12Pero ano, kasi at least nila nga ngayon, nagkaroon dito ng Expansion Project.
10:16Ang lalaki nung ano, ah, nung drainage nila.
10:18Pinaraki natin talaga, ah.
10:20Bali, mahigit doble yung kapasidat ngayon.
10:23Okay.
10:24So, hopefully, mabawasan yung baha.
10:28So, ang sinisigurado natin ngayon, kailangan matapos to bago mag-uulan na naman.
10:34Oo, oo, oo.
10:35So, nakakuha ko ng report ngayon, mukhang February, ang end of February, tapos na tayo dito.
10:42Okay.
10:43So, may February yun.
10:44Nakul, matutuwa ko yung mga kababayan natin, ha?
10:46Pero, meron pang isa.
10:47Aha.
10:48Meron pa tayong isang sisimulan, para yung tubig namang gagaling dito,
10:52mabilis papasok sa ilalim ng E. Rodriguez.
10:54Okay.
10:55Tapos, gagabas na sa San Juan River.
10:57Okay, okay.
10:58Magsisimula yun ngayon na, kasi habang tag-init.
11:01Tag-init, o.
11:02Tapos, ang commitment namin, by end of May, tapos na rin yun.
11:07Okay.
11:08Bago magkasagsaga ng ulan.
11:09Bago ng June.
11:10Bago ng rainy season.
11:11Oo.
11:12Eh, na, segretary ito.
11:13So, mapagtatapos na ito, ano yung makikita natin niya improvement dito?
11:18Alampas tao pa ba, o mababa na lang?
11:21Ang goal is, pababayan natin.
11:22Hindi yan mawawala completely.
11:24Okay.
11:25Pero basta hindi na siya, basta makakadaan pa rin ang sasakyan.
11:28Mm-hmm.
11:29No, hindi ka mukha dati eh, lumulutang na mga sasakyan dito eh.
11:32Tsaka kawawa yung mga kababaayan natin dito sa…
11:34Ay, kya pa, hindi makakababaayan mga yan.
11:36Wala, hindi na.
11:37Wala na yung buhay nila dito pagka bumaha dito.
11:39Mahabang bahaya.
11:40Kaya yun ang objective natin.
11:42So, ito yung unang project.
11:44Pangalawa yung tutuloy sa hanggang San Juan River dito sa I Rodriguez.
11:49Okay.
11:50Tapos pangatlo, meron tayong dadagdag pang mga tinatawag nilang retention basin.
11:56Mm-hmm.
11:57Na gagawin din natin sa iba't ibang lugar dito sa area.
12:00Oo.
12:01Para yung tubig may pag-iipunan sa ilagay.
12:04Oo.
12:05Hindi na iiwan sa ibabaw.
12:06Oo.
12:07Tsaka pang-apat, eventually magtatayo tayo ng pumping station next year.
12:11O, sunod-sunod siya.
12:12Doon sa may San Juan River.
12:14O, sa San Juan River plus the pumping station.
12:16Oo.
12:17So, ito yung kung saan tayo nakatayo, ito na lang yung nalalabing bahagi ng project.
12:20Ito na lang.
12:21Doon tapos na.
12:22Doon tapos na.
12:23Titignan ko nga yung trabaho doon.
12:24Bukang tapos na naman.
12:25Nakita ko yung drone video.
12:27Ito na lang yung natitira.
12:29Pero tingin natin, by February, third week, or end of February, tapos na ito lahat.
12:34Ano ba ito? Ilalagay na lang ito sa ilalim.
12:36Ilalagay na lang ito sa ilalim.
12:38So, yung nakikita ko ninyo, pati niya, ito na lang yung bahagi na kailangan taposin ko.
12:42Oo.
12:43Dati kasi mag-iit ang mga, ang mga ano dito eh, ang mga drainage dito eh.
12:47Oo.
12:48Mag-iit.
12:49So, yun na yung mga luma ng drainage.
12:51So, ito lahat bago na.
12:52Oo.
12:53Mag-iit.
12:54Mahigit dobre ang kapasitan nito.
12:56Kapasitan nito.
12:57Oo.
12:58Dahil yun siyempre, sa paglipas ng panahon talaga kailangan, lumalaki na rin yung mga lalagay na ating mga pipe.
13:02Oo.
13:03So, paka yun naman po doon sa takpo ng proyekto ay satisfied naman kayo.
13:08Well, kaya hindi pa tayo tapos.
13:09So, hindi ko pa masasabi.
13:10Ang kailangan nang dito talaga, paspasan kasi aparte dun sa pag-aayos nung bahay, eh kawawa naman yung mga motorista.
13:19Oo.
13:20Nakaharang yung dalawang lane dito.
13:22Oo.
13:23Nagtatrafik.
13:24So, pinapamadali ko talaga.
13:25Oo.
13:26So, ano ba?
13:27Ano mabibigay natin yung assurance sa ating mga kababayan?
13:29Especially, yung mga nakatireho dito, yung mga motorista na na-affectuhan.
13:33Kapag nagkakaroon nung pagpahanong yung mabibigay natin na assurance sa kanila na this project ay maratapos bago magtagulan.
13:40Basta end of February, itong Aranet Avenue tapos na.
13:43Yun naman gagawin natin sa May Rodriguez, sisimula na ngayon, by May tapos na rin yun.
13:50Oo.
13:51So, pag nagawa natin yung dalawang yun, tapos magdedredging pa para tayo sa Salon River para mabilis ang daloy ng tubig.
13:58Mas mabilis mawala.
13:59Oo.
14:00Hopefully, yung tatlong bagay na yun, maraki na ang may tutulog.
14:03Aha.
14:04Tapos, pag nagagay pa natin yung retention pant, saka yung pumping station,
14:09e hopefully, by next year, talagang tuluyan ang mawala yung baha dito.
14:13Sana.
14:14Oo.
14:15Kaya, in-inspeksyon na yung secretary ngayon pa to make sure na yung commitment
14:19Opo.
14:20Na matapos by February, wala naman sila nakikita yung gumagawa, secretary.
14:23Wala naman sila nakikita na magiging problema para mag cause ng delay dito sa completion ito.
14:28Sa ngayon, nagdi-deliver naman yung contractor kasi talagang pinapressure natin.
14:32So, mukhang dito sa nakita ko, tapos titignan ko pa dun sa dulo.
14:37Oo.
14:38Mukhang matatapos na ito ng February.
14:39Oo.
14:40Oo.
14:41Gaya ng nakikita natin.
14:42O, advance ito ng konti.
14:43Oo.
14:44Kasi mga bandang Marso, Abril to ito.
14:45Pero tingin ko, Febrero matatapos na ito.
14:46Sana.
14:47Maraming salamat ako.
14:48Si Secretary Vince Lison po.
14:49Ay, mag-iikot pa dito.
14:50Titingnan niya.
14:51Salamat po.
14:52Itong project nito, yung Drain Nature Expansion Project.
14:54To make sure nga na by February, hopefully matapos.
14:55Oo.
14:56At bago sumapit naman ng tag-ulan, ay natapos na talaga ito.
14:57Oo.
14:58Mga kaasay, mga kamabayan natin.
14:59Tututuwa ka natin ito.
15:00Oo.
15:01Kaya naku.
15:02Pahingan din, Sir.
15:03Katari pag may tangha.
15:04Oo.
15:05Tugay-tugay ka ko.
15:06Maraming salamat po.
15:08Si Secretary Vince Lison po.
15:09Nang Department of Public Works and Highways.
15:10At mag-i-inspection pa siya dito.
15:11Sa bahagi ito ng General Menta.
15:12At Irodrinus Abbey.
15:13Dito po.
15:14Sa Kevin City Cove-9.
15:15Nang Department of Public Works and Highways.
15:18At mag-i-inspection pa siya dito.
15:20Sa bahagi ito ng General Menta.
15:22At Irodrinus Abbey.
15:23Dito po.
15:24Sa Kevin City Cove-9.
15:25Nang kanina gilalawang.
15:26Rain Nature Expansion Project.
15:28Tapos nyo.
15:29Sa ating mutang.
15:31Tignunin po tayo.
15:36Dahil sa walang sawang suporta nyo, mga kapuso.
15:39Na natiling number one.
15:40Network.
15:41Ang GMA Network.
15:43Noong 2025, umabot sa maygit 60 milyon na mananood ang GMA.
15:49Taos puso kami nagpapasalamat sa inyong pagsubaybay sa aming mga programas sa
15:53telebisyon, radyo, online, at iba pang platform.
15:58May unang balita si Mark Salazar.
16:04Malaking milestone para sa GMA Network ang taong 2025.
16:09Ipinagdiwang din ang ikapitumputlimang taong anibersaryo ng Kapuso Network.
16:15Pitumputlimang taong pagbibigay ng malinaw, patas, at mapagkakatiwala ang balita.
16:21Mapangmulat na mga dokumentaryo.
16:23At iba't ibang programang nagbibigay ng ngiti at saya sa mga Pilipino saan mang sulok ng mundo.
16:29At nito ngang 2025, napagtibay ng GMA ang pagiging number one matapos makapagtala ng 86.2% net reach mula January hanggang December 2025.
16:43Batay sa datos ng Nielsen Television Audience Measurement.
16:47Katumbas yan ang 62 million viewers.
16:51Kung isasama pa ang GTV, iHeart Movies, at Heart of Asia, sumatutal na 63 million viewers ang naabot ng GMA Network.
17:00Dinumi na rin ang Kapuso Programs ang top 30 most watched list sa bansa base sa aggregate ratings.
17:09Pinangunahan ang award-winning magazine show ng GMA Public Affairs na Kapuso Mo Jessica Soho ang 27 programa mula sa GMA.
17:18Sinundan niya ng primetime newscast ng GMA Integrated News ng 24 oras.
17:25Pasok din sa top 30 ang 24 oras weekend.
17:29Pati ang mga dati at kasalukuyang GMA prime shows tulad ng Encantadia Chronicles, Sangre, Sanggang Dikit for Real, at iba pa.
17:38Pero mga kapuso, hindi nyo lang kami sinuportahan sa telebisyon, kundi pati rin online.
17:45Ang GMA ang top Southeast Asian creator sa loob ng halos dalawang taon sa entertainment and media category base sa datos ng Tubular Labs noong 2025.
17:57Sumatutal, 74.4 billion video views ang nakuha ng GMA across all platforms as of December 31, 2025.
18:08Marami rin ang nakaantabay sa mga pinakasariwang balita.
18:13Bukod sa pinakakomprehensibong midterm elections coverage, nanguna rin ang GMA Integrated News pagdating sa video viewership and engagement.
18:22Ayon sa Tubular Labs and Hootsuite Analytics, umabot sa 18.5 billion ang kabuhaang video views sa Facebook, TikTok at YouTube.
18:32Ang Encantadia Chronicles, Sangre, itinanghalpang most watched na GMA Network content sa YouTube, Facebook at TikTok na may mahigit 5 billion views simula ng umeri ito noong June 2025.
18:47Pati sa radyo, nangungunang GMA, nakapagtala ng kabuhaang 44.5% audience share ang superradyo DZBB batay sa AGB Nielsen data sa buong 2025.
19:0247.6% audience share naman ang naitala ng barangay LS 97.1 forever.
19:09Sa labas ng Metro Manila, numero uno rin sa mga tagapakinig ang GMA radio stations.
19:15Ilan lang yan sa mga nakamit na tagumpay ng GMA Network noong 2025 dahil sa inyo mga kapuso.
19:23Kaya ngayong 2026, layunin ang GMA Network na maghatid ng bago at malikhaing contents
19:30na patuloy na magbibigay kaalaman, inspirasyon at aliw sa mga manunood sa mga Pilipino.
19:37Ito ang unang balita, Mark Salazar para sa GMA Integrated News.
19:44Para makatulong din kung ang trabaha, magliliis ngayon ang MMDA sa Valenzuela.
19:49Ang target nilang kuntahan, ang isang barangay na puno ng basura.
19:54Nakatutok niya na kasama natin si Bea Pilatia.
19:57Susana ito yung itsura ng estero dito sa barangay Malanday, Valenzuela
20:09na nililinis ngayong araw bilang bahagi ng bayanihan sa estero program ng gobyerno.
20:15Kulay itim yung tubig, kaliwat kanan ng water lili at may mga basura at lupa na rin sa estero.
20:24Ito yung lilinisin ngayong araw na pangungunahan ni MMDA Chairman Attorney Don Artes
20:29at iba pang kawani ng MMDA.
20:31Nandito na ngayon si na Valenzuela City Mayor West Gachalian
20:34at MMDA General Manager Nicolas Torre III para suriin yung estero at yung paglilinis dito.
20:39Layon itong proyekto na malinis at matiyak na gumagana ang mga drainage infrastructure natin sa Metro Manila
20:46para makatulong pangontra sa baha.
20:50Ayon sa MMDA, Susan, January 8 pa nang simulan nalinisin itong estero sa barangay Malanday, Valenzuela.
20:57Sa ngayon, dinadaanan na ng backhoe itong estero para mas mapalalim pa ito
21:02at matanggal na rin yung mga nakaharang tulad ng mga nagsisilutangan ng water lili at iba pang halaman.
21:08Yan ang unang balita mula rito sa Valenzuela.
21:11Bea Pinlac para sa GMA Integrated News.
21:15Kasabay ng pagkilala sa mga atletang nagkapit ng medalya sa Southeast Asian Games 2025,
21:21inanunsyo rin ang Pangulo ang dagdag na insentibo para sa kanila.
21:26Bukod sa dati na insentibo na itinakda ng batas,
21:29may dagdag na 300,000 pesos sa mga nakakuha ng gold medal,
21:32150,000 pesos kung ikay naka-silver,
21:37at 60,000 pesos kung naka-bronze.
21:40May tig 10,000 piso naman ang mga atletang nanalo sa ibang palaro bukod sa SEA Games.
21:46Bikin din sila ng presidential citation.
21:49Lahang dagdag na insentibo na magbigay ng motivation sa mga atleta para sa mga paparating pang kompetisyon.
21:56Dumi-discarte ang ilang negosyante dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Quezon City.
22:05Price check tayo. May unang balita live si James Agustin.
22:09James, magkano ang itinaas?
22:14Maris, good morning.
22:15Dalawang piso ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng local rice dito sa Mega Q Mart sa Quezon City kumpara noong nakaraang linggo.
22:22Ang ibang pangunahing bilin at produkto naman po gaya ng mga dilatang sardinas at instant noodles ay hindi naman daw po magtataas ang presyo, sabi ng DTI.
22:3448 pesos per kilo ang pinakamuran local rice na mabibili sa tindahan ito sa Mega Q Mart sa Quezon City.
22:40Ang well-milled rice naman.
22:42Naglalaro ang presyo mula 50 pesos hanggang 56 pesos per kilo.
22:46Tumaas yan ng 2 piso kada kilo kumpara noong nakaraang linggo.
22:49Hindi naman gumalaw ang presyo ng imported rice sa 55 pesos per kilo, ayon sa ilang nagtitinda.
22:54Sabi po nila sa mataas daw po ang kuha ng palay, presyo ng palay.
22:59Sa supplier po mataas din.
23:02Kada linggo tumataas ang presyo sa local rice.
23:05Dahil tumaas ang presyo, dumidiskarte na lang daw si Ray na nagatrabaho sa isang kantin sa Ubaw.
23:118 kilo ng imported rice ang binibili niya kada araw.
23:13Medyo magbawas sa takal niya yung dami.
23:19Pagano ba per cup?
23:2015 pesos kasi per cup.
23:22Ngayon magbawas ng konti para medyo kumita naman ng konti.
23:27Marami namang pangunahing produkto at bilihin ang hindi magtataasang presyo ayon sa Department of Trade and Industry.
23:3391% daw ito na mahigit dalawang daang pangunahing produkto.
23:37Kabilang dyan ang mga dilatang sardinas, instant noodles, kandila, sabong panligo at panlaba at mga tinapay.
23:44Ilang manufacturers lang daw ang humirit ng taas presyo.
23:47Maganda para sa amin yun na hindi magtataas yung mga dilata or noodles.
23:54Kasi parang, at papano, kikita rin kami.
23:58Paborito, hindi lang sa malilit na negosyante maging sa mga mamimili.
24:01Gaya ni Cherry Ana, pinagkakasya ang kanyang sahot sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
24:06Mababa lang po yung sahot eh.
24:08Mas pabor sa amin po na hindi tataas yung mga bilihin.
24:17Sa matala, Marie, sinisiguro naman ang DTI na maigpit nila na minomonitor yung presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.
24:24Yan ang unang balita mula po rito sa Quezon City. Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
24:29Naantig ang netizen sa Aspen sa General Santos City.
24:33Madalas daw tumambay ang aso sa isang karinderiya roon para humingi ng pagkain.
24:38Nagpa-poppy eyes pa ang Aspen.
24:41Hindi tuloy natatanggihan ng mga customer ng karinderiya ang huwawa ng aso at binigyan nito ng pagkain.
24:49Kwento ni Yus Cooper Miyoko Okana, gustuhin man, hindi na niya kaya ampunin ang aso dahil labing-anim na ang kanyang pets.
24:57Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
25:02Mag-subscribe na sa Gemma Integrated News sa YouTube.
Comments

Recommended