00:00Walang nakikitang problema ang NGCP sa supply ng kuryente ngayong holiday season.
00:06Nanunso rin ang power grid operator ang mas mababang transmission rates ngayong bua.
00:11Inangulat ni Harley Valbuena.
00:14Walang nakikitang problema sa supply ng kuryente sa bansa,
00:18ang National Grid Corporation of the Philippines,
00:21sa pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.
00:23Ayon sa NGCP, wala nang inaasaang red o yellow alert na itataas
00:28sa power grids ng Luzon, Visayas at Mendanao.
00:31Ito ay kung wala nang mga hindi inaasaang pangyayari para sa nalalabing bahagi ng taon.
00:37Well, for the rest of the year, wala tayong nakikita.
00:40Wala tayong nakikita ang magiging problema sa supply ng kuryente.
00:44Pwera na lang, again, unforeseen circumstances,
00:47kagaya ng sana hindi mangyari, bagyo o di kaya bigla ang pagpalyan ng mga power plant.
00:55Pero kung walang ibang mangyayari, wala tayong nakikita ang magiging problema.
00:59Bukod dito, sinabi rin ang power grid operator na fully restored na
01:03ang lahat ng power transmission lines at structures
01:07na nasira sa pagtama ng Bagyong Tino at Bagyong Uwan noong nakarang buwan.
01:12Pero sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng katiyakan ng NGCP
01:16sa magiging sitwasyon sa supply ng enerhiya para sa susunod na taon.
01:20Ito ay matapos ihayag ng Department of Energy na may inaasa ang pagnipis ng supply ng kuryente sa Visayas sa 2026.
01:29Noong December 11, ay nagtaas ng yellow alert ang NGCP sa Visayas grid
01:34dahil sa pagsipa ng demand at pagbaba ng supply ng enerhiya ang kinukuha mula Mindanao.
01:41Ang tanging may papayo ng NGCP sa mga consumer, maging wais sa paggamit ng kuryente.
01:46Every year naman, parating nating sinasabi na huwag magtipid.
01:50Mahirap kasi yung huwag gumamit ng kuryente.
01:53Ang maganda talaga is masinop na paggagamit ng kuryente.
01:57Maliliit na tips lang yung mga example.
01:59Linisin natin ng electric fan, siguradong malinis ang filter ng aircon
02:02para hindi rin malakas ang konsumo ng mga appliances.
02:06Inanunsyo naman ng NGCP ang mas mababang transmission rates na mag-reflect sa electric bill ngayong Desembre.
02:12Mula sa 1 peso and 51 centavos noong nakarang buwan, bumaba ito ngayon sa 1 peso and 37 centavos per kilowatt hour.
02:21Bagamat bagi ang tumaas sa Visayas at Mindanao ang transmission rates,
02:25ay malaki naman ang ibinaba nito sa Luzon.
02:27Kaya't naging pababari ng direksyon ng average transmission rates sa buong bansa.
02:32Ang isang customer na kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan
02:49ay magkakaroon ng 270 pesos and 94 centavos na average transmission rate sa kanilang bill ngayong buwan.
02:57Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments