00:00Magandang balita po para sa mga empleyado ng pamahalaan.
00:04Simula ngayong araw, May 15, ay matatanggap na ang mid-year bonus ng mga kwalifikadong kawani ng pamahalaan.
00:13Ang bonus na ito ay katumbas na isang buwan na batay ang sahod,
00:16alinsunod sa mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng Department of Budget and Management.
00:22Sa inalim ng Budget Circular No. 2017-02, makakatanggap ng mid-year bonus ang mga regular at contractual,
00:30casual na personnel, mapanational o lokal, basta't nakapaglingkod na hindi bababa sa 4 na buwan mula July 1, 2024 hanggang May 15, 2025.
00:42Nananatili sa serbisyo sa nabanggit na petsa at may satisfactory performance rating noong 2024.
00:49Kasama sa saklaw ng bonus ang mga kwalifikadong kawani sa mga sangay ng gobyerno gaya na lang ng Ehekotibo,
00:55Lehislatura, Hudikatura, mga Konstitusyonal at Komisyon, mga State Universities and Colleges at mga GOCCs na sakop ng CPCS.
01:05Gayun din ang mga uniformed personnel tulad na lamang ng AFP, PNP, BFP, BJMP at Philippine Coast Guard.
01:13Samantala, hindi naman saklaw ng bonus ang mga consultant, student workers at mga taong kinuha sa pamamagitan ng job orders
01:21o kontrata ng serbisyo na walang employer-employee relationship.
01:25Hindi rin kasama ang mga ahensyang exempted sa RA-6758 at mga GOCCs na may sariling approved compensation system.
01:34Ang pagpopondo para sa mid-year bonus ay magmumula sa mga nakatalagang budget ng bawat agency, LGU at GOCC.
01:44Para sa mga wala pang sabat na pondo, maaaring gumamit ng Miscellaneous Personal Benefits Fund
01:48o i-charge ito sa kanilang corporate operating budget.
01:52Lahat ng ito ay sinagawa upang mapanatili ang motibasyon at servisyo de kalidad ng mga lingkod bayan.