00:00Malawak ang kawalan ng kuryente ang naging resulta ng paghagupit ng bagyong-ebong at hanging habagat sa ilang bahagi ng Luzon.
00:08Ito'y matapos pumalya ang maraming plantan ng kuryente.
00:12Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:15Daan-daan libong residente sa Luzon ang nawala ng kuryente sa harap ng pananalasa ng bagyong-ebong at habagat.
00:22Ayon sa Department of Energy, ito'y bunga ng pumalya o nasirang power transmission lines.
00:30Dahil dito, siyam na electric cooperatives ang nakaranas ng partial power interruption.
00:36At ang mga ito ay nasa Pangasinan, Ilocosur, Benguet, Pampanga, Zambales, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Marinduque.
00:48Apektado nito ang mayigit limangpung munisipalidad.
00:52Dalawa naman ang nakaranas ng total power interruption, kabilang ang La Union Electric Cooperative at Pangasinan 1 Electric Cooperative.
01:00Apektado nito ang 280,000 na customers.
01:05Sinabi ng DOE na hanggat ramdam pa ang hagupit ng bagyo o hindi pa umuho pa ang baha,
01:11maaaring hindi pa may balik ang normal na supply ng kuryente sa mga apektadong lugar.
01:15Yung baha po ay nakaka-apekto rin sa mismong restoration.
01:20Pinaka-importante po ay yung safety.
01:22Dahil hindi po natin talaga pwedeng bigyan na kagad ng kuryente kung ang isa pong area ay apektado pa
01:28at pwede pong magkaroon ng mas malaking insidente o aksidente.
01:31Pinapayuhan ang mga residenteng pinasok ng tubig baha ang mga bahay na patayin muna ang main switch o circuit breakers ng kanilang kuryente.
01:41Samantala, iniulat din ang DOE na may mga gasoline station ang nagtamo ng pinsala o nagkaroon din ang power interruptions.
01:50Labing isa sa Region 1, labing isa sa Region 3, sampu sa Calabar Zone at dalawa sa Mimaropa.
01:56Mino-monitor din ang Energy Department ang price freeze sa produkto ng petrolyo para sa mga lugar na nasa state of calamity.
02:04Ang pag-supply ng ating mga downstream oil, yung ating mga produkto ng petrolyo,
02:11hindi po pwedeng baguhin ang presyo, hindi po pwedeng itaas ang presyo ng ating mga LPG
02:16matapos po yung pagdideklara ng state of calamity.
02:20Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.