00:00Tinutugunan na ng Bureau of Customs ang problema sa online tax calculator
00:04habang nagbabala rin ng hensya laban sumano'y paggamit ng pangalan ng BOC sa pangingigil.
00:11Yan ang ulat ni Harley Valvena.
00:16Inaayos na ng Bureau of Customs ang kanilang online tax calculator
00:21na pansamantalang sinuspindi kasunod ng reklamo ng aktres na si Bella Padilla
00:26sa umano'y labis na singil sa kanyang shipment mula ibang bansa.
00:31Ayon kay Padilla, pinatawa ng 4,600 pesos na buwis ang kanyang shipment na may halagang 11,000 pesos.
00:39Gayong batay sa online calculator ng BOC ay dapat nasa 1,650 pesos lamang ito.
00:47Paliwanag ni Customs Commissioner Ariel Nepomuseno,
00:50may ilang items o produkto ang hindi naisama sa online tax calculator
00:55at may problema rin ito sa language features.
01:00Hindi rin ito pinapakita ang bukod na bayad sa third-party couriers at shepherds
01:06o ang singil para sa mga nagahatid ng kargamento.
01:09Kaya aminado si Nepomuseno na sadyang magdudulot ito ng kalituhan sa publiko.
01:14Hinggil dito, ina-upgrade na ang versyon ng online tax calculator
01:19at sisikapin itong may balik sa susunod na linggo.
01:23Dapat maging mas user-friendly.
01:26Ibig sabihin, yung itsura, yung pindutin dyan,
01:29ay maging mas madali pa unang paapun
01:31upang naingganyo sila na ganitin pa na kayaan.
01:35Matapos namang mamarkahan ng unsatisfactory rating
01:38sa 2024 Agency Performance Review ng Department of Budget and Management,
01:44pagbubutiin pa ng BOC ang servisyo
01:47sa pamamagitan ng full automation ng kanilang sistema
01:50upang may balik ang tiwala ng publiko.
01:53Pero iginit ni Nepomuseno na wala silang pagkukulang
01:57pagdating sa paongolekta ng buwis
01:59at sa katunayan ay nalagpasa nila ang kanilang target collection noong Hulyo.
02:05Kinumpirma rin ni Nepomuseno na may mga natanggap siyang ulat
02:09mula sa mga pantalan sa labas ng Metro Manila
02:11hinggil sa ilang individual na umano'y ginagamit ang pangalan ng BOC
02:16para mangikil kapalit ng diskwento sa malalaking kargamento.
02:21Umaabot o mano sa lima hanggang sampung milyong piso
02:25ang hinihinging halaga ng mga dawit sa solicitation scheme.
02:29Hinggil dito, nagbabala si Nepomuseno
02:32na siya mismo ang sasalakay sa mga nasabing kawatan
02:35at tiniyak niyang makakasuhan at makukulong ang mga ito.
02:39Sa kapag yan, may interrupt namin ako mismo sa tama
02:43upang mapusasan po natin yung ganyang practice
02:46dahil ang kapilang-bilin na po sa atin
02:48ang Pangulong Bongbong Marcos ay good governance.
02:51Nagpaalala rin ito sa publiko
02:52na huwag maniwala sa anumang solicitation scheme
02:56at bayaran lamang ng tama ang buwis sa mga kargamento.
03:01Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.