00:00Tila lampas na sa langit ang malaking bahagi ng Kiyangan-Ifugao.
00:06Kahit kalagit na ana ng araw, nababalot pa rin ng ulap ang mga tuktok ng bundok.
00:13Sa isang bahagi ng bundok na ito, ang sinasabing naging hulingkuta ni General Tomoyuki Yamashita.
00:20Halos sampung oras ang biyahe mula sa Metro Manila.
00:32Kailangan munang sumakay ng habal-habal, pakiat ng Mount Puloy,
00:39isa sa mga dating kampo ng mga sundalong Japon.
00:42Wala pang dalawang talampakan ang lapad ng dadaanan.
00:56Sa isang punto, kinailangan na naming bumaba dahil hindi na kaya ng motor.
01:12Si Natonton at Vanessa ang makakasama ko sa pag-akyat sa bundok.
01:31Sila ang magsisilbing guide namin.
01:33Pagdating sa itaas, kulang-kulang isang oras pa ang lalakarin.
01:47Nakamamanghang isipin na walumpong taon na ang nakararaan.
01:52Dito naglakad si na General Yamashita at ang kanyang mga tropang sundalo.
02:03Ayon sa historia na si Dr. Ricardo Jose,
02:13ipinadala si Yamashita sa Pilipinas
02:15para paghandaan ang muling pagbabalik ni General Douglas MacArthur sa Pilipinas.
02:22Pabalik na yung si MacArthur dito sa atin.
02:24Sabi niya na kailangan natin ang magaling na commander sa Pilipinas.
02:28Si Yamashita nasa northern China.
02:31Hindi natin nagagamit.
02:31So, ginala siya dito.
02:34So, he had only had, I think, two days, three days sa Tokyo.
02:37Binisita niya yung asawa niya.
02:39Tapos, punta na siya kagad sa Pilipinas.
02:42Subalit hindi na umubra ang estrategiyang matagumpay niyang ginapit
02:46sa pagsakop sa Singapore at Malaysia.
02:50Yung main problem ni Yamashita actually pagdating niya dito
02:53was hostile yung tao.
02:55Yung Pilipino, syempre.
02:56Karamihan ng Pilipino, anti-Japanese.
02:58So, pagdating niya dito, alam na niya na yun ang talaga.
03:02So, sabi niya nagkamali yung earlier Japanese kasi naging kaaway yung Pilipino.
03:07Sabi niya kung yung earlier commanders were more lenient at mas friendly sa mga Pilipino,
03:13sana kumampis sila sa amin.
03:15Pero pagdating niya sa dito, puro gerilas na.
03:18So, wala siyang magawa.
03:19Very hostile yung population.
03:24September 1944, nang dumating dito si Yamashita.
03:29Ikaapat siya sa mga naging highest commander ng Imperial Japanese Army
03:34na namuno sa Pilipinas noong World War II.
03:38Oktobre naman, nang maganap ang pamosong Leyte Landing ni MacArthur.
03:42Matinding bakbaka na o naganap na naging salit ng unti-unting pagkalakas ng mga sundalong hapon.
03:55Subalit, nagdulot naman ito ng matinding pinsala sa Maynila at iba pang karatig lugar.
04:00The rape of Manila was not really directly under Yamashita.
04:06Yung plano ni Yamashita was i-abandon yung Manila.
04:09Kasi sabi niya, wala, wala, hindi madedepense ang Manila.
04:13It's a liability strategically.
04:16And talagang wala, talo tayo sa Amerikano.
04:19So, sabi niya, evacuate na natin.
04:22Mula Maynila, tumulak sila patungon norte.
04:25Nung na-evacuate na yung troops niya yung Manila, he went to Ipodam.
04:30So, Ipodam, New Year's Day, 1945, nasa Ipodam siya, sa isang bahay doon.
04:36And then, from there, he went to Baguio.
04:38Baguio yung headquarters niya for maybe two months, January, February, till early March.
04:44And then, March, binobomba na yung Baguio.
04:47So, he moved out, he went to, I think, Bayombong in Nueva Vizcaya.
04:53And then, from Bayombong, umakyat na siya sa bundok.
04:57And he wound up in Kiyangan.
05:00Dito sila nagputa sa masukal na kagubatan ng Mount Puloy.
05:06At ito ang nagsilbing first line of defense ng mga Hapon.
05:11Nakakapagod siya kasi puro putikin na daanan mo kasi medyo maulan ngayon, September.
05:16Pero, mas mahirap siguro noon kasi wala talaga silang daan.
05:22Kaya kailangan pangkawiin yung mga dadaanan nila.
05:24Tsaka puro bangin yung gilid. Nakatakot.
05:30Maya-maya, nadaanan namin ang isang malaking buta sa lupa.
05:35Foxhole daw ito na ginawa ng mga sundalong Hapon para dito sila magtago o umatake sa mga kalaban.
05:43Dito pa sila nakatago kasi ito ko yung daanan.
05:47Yung trail kaya dito po sila nakabantay.
05:50Oo, okay.
05:51Tapos sa pano po yan, may takip sa ibabaw siguro.
05:55Opo.
05:55Tapos ngayon natabunan na po. Medyo malalim po yan.
06:00Natabunan na po sa tagal po ng panahon.
06:03Nang marating namin ang tuktok ng bundok, nagkalat ang mga alaala ng malagim na digma ang naganap dito noong World War II.
06:19Dito sa taas nagkalat na yung mga foxhole.
06:23Itong nasa unahan natin, running trench daw yan. Kaya ayan, makikita nyo.
06:26Parang may hukay na parang kanal. Yan, yung takbuhan from one foxhole papunta sa kapilang foxhole.
06:34Yan, yung takbuhan ng mga sundado. Magkakonekta sila. Kaya lang, natabunan na siya. Kaya medyo bumabaw na siya.
06:40Pati sa damo, may bakas pa rin ang pananatili ng mga hapon.
06:55Ito pa yung mga dala ng mga hapon naman.
06:57Kasi, ano, para, yung mga damo kasi dito sa atin, hindi nila alam yung mga yun. Hindi nila alam kung alin ang makakain doon.
07:08So, nakatumulong to sa sustenance nila nung habang nandito sila sa bundok.
07:14So, ito po ay nakakain?
07:16Yes, nakakain po.
07:22Buo pa rin ang isa sa tunnels na ginawa ng mga hapon.
07:30Marami raw nito sa bundok.
07:34Pero natabunan na ang ilan sa pagdaan ng panahon.
07:38So, ito po, ma'am, yung, ano, sa sa mga tunnel po ng mga hapon.
07:45Tapos, sa loob po, may mga bunker po yan.
07:48Dito sila nagtutulog yung iba.
07:51Okay. Ito po, hinukay lang nila yan pagano'n?
07:53Opo.
07:56Tapos po, saan po ang lagos niyan?
07:58Doon po, sa kabila po nitong puddok.
08:00Ganyan lang po talaga kalait yan.
08:01Opo, ma'am.
08:02Pero, mas malawak to nung, ano, kaso lang po, medyo natabunan po.
08:06Hatid po na, ano, ulan.
08:07Oo.
08:08Pwede po tayo pumasok doon, Kuya.
08:09Ang baba pala niya.
08:21Ang hirap pumasok dito.
08:23Isipin mo kung nagmamadali ka pumasok.
08:26Kasi, halimbawa, parating na yung mga kalaban, di ba?
08:28Nagmamadali ka. Ang hirap dito.
08:32Ito po, gano'ng kalaki to, tong tunnel na to?
08:35Guro, malaki po yun, ma'am. Kaso lang, kaso natabunan na po, eh.
08:38Ah.
08:39Baka, ito pa nga po, eh. Pwede tayong makatayo. Kaso lang po na talagang natabunan na po.
08:43Ah. Ah, oo. Ah.
08:45Kasi, yung ibang tunnel talaga nila, nakakatayot po sila.
08:48Oo.
08:49Sabi ni Sir, doon daw, may labusa na.
08:52So, parang yung tunnel ay through and through.
08:54Para, kung doon ka mapasok, tapos, kunwari, patakas ka, pwedeng dito ka na lumabas.
08:59Pero, mas paliit na siya ng paliit.
09:01Parang, parang lulukod ka na mahirap na mag-squat dito.
09:08Kahit anong dilim at sikip sa tunnel,
09:12Yan.
09:13Yan, dito pwede na tumayo.
09:16Siya namang lawak at aliwalas.
09:19Paglabas mo sa kabilang dulo.
09:21Ha?
09:21Kita na yung view galing dito.
09:36Mas ali, ito po yung front line nila eh.
09:38Ah po.
09:38Mas ali, dito po yung trail.
09:40Sa baba, kitang kita po yung mga, ano, sundalo pag parating.
09:43Kaya, pag-exit nila, doon na lang po sa kabila ng bundok.
09:46Kaya minsan, hindi yung mga sundalo po nila, hindi na mamatay sa, ano, yan, laban.
09:52Minsan po sa sakit.
09:53Oo.
09:53Kasi po, kulang-kulang na po yung mga food supply nila.
09:57Then, yung pang mga, ano, yung sa pabago-bagong panahon.
10:01Kasi, dito nga po sila sa, ano, bundok.
10:03Opo.
10:03Doon po sila, medyo, nagkakasakit.
10:07Oo.
10:07Paano yun, sir, yung mga katawan?
10:10Naiwan na lang.
10:10Naiwan na lang po dyan, banilibing ng mga kasama nila.
10:13Oo.
10:13Naku, edi sigurado pagka nag-hukay tayo dito, may makikita.
10:16Ano, hukay po tayo, baka may makikita tayo.
10:18Oo.
10:19Maraming salamat sa pagtutok sa eyewitness, mga kapuso.
10:23Anong masasabi niyo sa dokumentaryong ito?
10:25I-comment na yan at mag-subscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel.