00:00Isinomitin na sa ombudsman ang affidavit ni Ramil Madriaga,
00:04ang dating aide at umano'y bagman ni Vice President Sara Duterte.
00:09Iginit naman ng palasyon na bagamat hands-off ang Pangulo dito,
00:13dapat pati mapanagot ang sino mang mapatutunayang nagkasala sa batas.
00:17Nagbabalik si Harley Valbuena.
00:21Kung sino man ang makakapagbigay ng anumang ebidensya,
00:24laban sa sino mang public servant,
00:26at ito ay may patungkol sa anomalya, paglulustay, pagnanakaw ng pondo ng bayan,
00:33dapat lamang pong maimbestigahan,
00:36siguraduhin lamang po na ito ay hindi pa mumolitika.
00:39Kailangan managot ang dapat managot.
00:41Ito ang pahayag ng Malacanang sa napaulat na pagsusumite sa ombudsman
00:46ng affidavit ni Ramil Madriaga,
00:49ang former aide at sinasabing umano'y bagman ni Vice President Sara Duterte.
00:54Sa liham kay ombudsman Jesus Crispin Boing Remulia,
00:58inendorso ng legal counsel ni Madriaga na pag-aralan ang kanyang notarized affidavit
01:03na nagsasadumano ng facts o katotohanan.
01:07Lumabas ang ulat na ibinunyag ni Madriaga
01:09na pinondohan umano ng drug dealers at pogo operators
01:13ang kampanya ni VP Sara noong 2022 elections.
01:17Ignit naman ang palasyo na hands-off si Pangulong Ferdinand R. Marcos Denier
01:22sa mga transaksyon ni VP Sara kahit na naging magkatambal sila sa pagtakbo noong 2022.
01:29Wala pong personal knowledge ang Pangulo patungkol sa anumang maaaring naging transaksyon
01:34ng Vice Presidente sa mga pogo operators o sa drug lords.
01:38Wala po siya masasabi patungkol po doon.
01:42Samantala, muli ring iginit ng Malacanang na walang kinalaman ng Pangulo
01:46sa anumang hakbang para patalsikin sa pwesto si VP Sara.
01:51Hingil ito sa sinabi ni House Deputy Minority Leader Leila de Lima
01:55na ang isinampang plunder complaint sa ombudsman laban sa Vice Presidente
01:59ay pwedeng maging batayan sa paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa kanya.
02:06Ngunit katulad ng naunang sinabi ng palasyo,
02:08ang sino mang may pagkakasala sa batas ay dapat panagutin.
02:12Sa ngayon, hindi po pa nagiging issue sa Pangulo ang impeachment
02:19laban po sa Vice Presidente.
02:22Pero ang Pangulo po kasi sinabi na noon pa,
02:27kung dapat managot, ay dapat panagutin.
02:32Wala dapat sinisino.
Comments