00:00Inalmahan ng Malacanang ang patutsada ni Vice President Sara Duterte na lumalabas siya ng bansa dahil umano sa frustration ng mga Pinoy abroad sa sitwasyon sa Pilipinas.
00:10Guelta ni Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, abala si Pangulong Marcos Jr. sa pagtatrabaho at sa paglaban sa katiwalean,
00:18habang ang BISEP ay mas madalas umano sa personal trip.
00:21Banat pa ng palasyo, hindi trabaho na ikalawang pinakamataas sa opisyal ng bansa na mag-ikot abroad para manira ng Pangulo.
00:30Hindi po sagot ang pagbabiyahe para masolusyonan kung may problema man ang bansa.
00:39Hindi po trabaho ng Vice Presidente at wala po sa Konstitusyon na kailangan siya magbiyahe para siraan ang Pangulo
00:47at para hilingin sa taong bayan ang pagbagsak at pagtanggal sa pwesto ng Pangulo.
00:55Unang-una dahil pag pinatanggal po ang Pangulo sa kanyang pwesto, ang makikinabang po dyan ay ang Vice Presidente.
01:02Hindi po iyon trabaho ng Presidente. Maliwanag naman po siguro yan sa ating Konstitusyon.