00:00Nagpatuloy ang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure sa mga kongresistang idinadawid sa Manumalyang Flood Control Projects.
00:08Pero limitado pa rin ito sa executive session, kaya't hindi pa rin nasisimulan ang live streaming ng mga hearing.
00:16Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:19Dalawa pang kongresistang idinadawid sa Manumalyang Flood Control Projects
00:24ang humarap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure.
00:28Sina Quezon Province 3rd District Representative Reynante Arrogancia
00:33at Occidental Mindoro Representative Leody Tariela.
00:38Kasama sila sa mga pinangalanan ng mag-asawang kontraktor na sinasara at Kearney Diskaya
00:43na umanay na momorsyento sa flood control projects.
00:48Pero pinagbigyan ng ICI ang hiling na executive session ng dalawang mambabatas
00:53kaya't hindi pa rin nakalivestream ang mga pagdinig.
00:58They cited the sensitive and private information that might be divulged during their testimonies
01:05and the commission saw it fit to allow an executive session.
01:10Kaya ang tanong ngayon ng marami,
01:13kailan nga ba masisimulan ang pag-livestream sa mga pagdinig ng ICI?
01:17Ang Makabayan Block nagtungo sa ICI at nanawagang repasuhin ang guidelines sa pag-livestream ng mga pagdinig
01:25at tanggalin na ang opsyon para sa executive session.
01:31Pag sinabi natin live stream, hindi dapat selective yung pagiging live stream niya.
01:35We have seen other commissions in history na open to the public.
01:40Gayun man, nanindigan ng ICI na may batayan ang pagbibigay nila ng executive sessions.
01:46I encourage everyone here to read our guidelines because those guidelines are based on law,
01:53based on jurisprudence, and even the pronouncements of the Supreme Court.
01:59Sa ilalim ng guidelines ng ICI, papayagan ang executive session
02:03kung ang testimonya ng isang resource person ay makaapekto sa national security,
02:10kung malalagay sa peligro ang kanyang buhay,
02:13o kung ang kanyang mga sasabihin ay makahahadlang lamang sa investigasyon ng komisyon.
02:18Ang palasyo naman ng Malacanang,
02:21hindi pakikialaman ang mga alituntunin ng ICI bilang paggalang sa kanilang independence.
02:26Sila po ang magsasagwa ng kanilang mga procedure
02:32at malalaman naman po ng ICI yan kung ano po ang hiling ng tao
02:37at ayon naman sa kanila, may mga legal na basis
02:41kung bakit inaalaw nila yung executive sessions.
02:45Samantala, hinigpitan na rin ang seguridad sa paligid ng ICI
02:49at nag-inspeksyon ang mga tawuhan ng K-9 unit ng Taguig City Police.
02:55Alinsunod daw ito sa direktiba mula sa Camp Crame
02:58na suyurin ang lahat ng vital installations ng pamahalaan.
03:04Harley Valbana para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments