Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Mga opisyal ng DPWH at mga kontratista, sinampahan ng reklamong graft sa Ombudsman | ulat ni Bernard Ferrer

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan nagsampana ng reklamong graft ang Public Works Department
00:06sa pangungunan ni Secretary Vince Dizon
00:08laban sa mga ilang opisyal ng Departamento at mga kontratista.
00:13Ayon kay Secretary Dizon,
00:15ipauubayan nila sa Independent Commission
00:17ang mas malawakang pagsisiyasat
00:20sa mga anomalya sa flood control projects.
00:23Nagpaliwanag din ang galihim kung bakit hindi nakasaba
00:26si Curly Niskaya sa unang batch nagsinampahan ng reklamo.
00:30Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:33Open and shut case ang mga ito.
00:36Ganito inilarawan ni DPWH Secretary Vince Dizon
00:40ang unang batch ng mga kasong kriminal
00:41na inihain sa Office of the Ombudsman
00:44laban kina dating DPWH District Engineer Henry Alcantara,
00:48dating Assistant District Engineer Bryce Erickson Hernandez
00:51at Construction Section Chief JP Mendoza
00:54ng Bulacan First District Engineering Office
00:57dahil sumalang irregularidad
00:58sa mga flood control projects sa Bulacan.
01:01Kasama rin sa kaso
01:02ang labing pito pang opisyal
01:04ng Bulacan First District Engineering Office.
01:06Gayun din ang mga contractor
01:07na Sims Construction Trading,
01:09Wawaw Builders,
01:10St. Timothy Construction Corporation
01:12at IAM Construction Corporation.
01:15Kabilang sa mga sinampang kaso
01:16ang paglabag sa Anti-Graph and Corrupt Practices Act,
01:20Malversation Through Falsification,
01:22RA 9184 o Government Procurement Reform Act
01:26at RA 12009 o New Government Procurement Reform Act.
01:31Naniniwala kami na madaling i-establish ang probable cause
01:34at dahil doon mabilis na maipa-file
01:36at mabilis din makakadesisyon ng ating mga korte.
01:42Ganon po kakampante ang ating mga abogado
01:45dahil sa klarong-klarong ebidensya
01:48na nandito sa complaints na ito.
01:50Kung mapatunayan nagkasala ang mga nasasanggot,
01:53posiblis silang maharap sa habang buhay na pagkakakulong.
01:56Nag-ugat ang mga reklamo
01:58matapos ang personal na pag-inspeksyon
02:00ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
02:02noong August 15, 2025
02:04sa mga infrastructure projects sa Bulacan
02:07kasunod na mga ulat sa sumbong sa Pangulo
02:09tukos ang muna yung ghost projects sa lalawigan.
02:12Bagamat may mga politikong idinadawit
02:14ang ilang kontraktor,
02:15may paglilinaw dito sa Sekretary Dyson.
02:17Iiwan na po natin ang mas malawakang investigasyon
02:22sa Independent Commission.
02:24Tayo po ay nakafocus sa DPWH
02:26at sa mga kontratistang nakipagkontrata sa DPWH.
02:31Kapag nabuna ang Independent Commission,
02:33ang DPWH ay magiging resource agency
02:36na magbibigay ng mga dokumento at tesimonya
02:39na kailangan para sa mas malawak na investigasyon.
02:42Naniniwala sa Sekretary Dyson
02:44na posibleng may mas malalaki pang personalidad
02:47ang dawid sa umani korupsyon
02:49kaya tuloy-tuloy ang pangangalap ng DPWH
02:51ng karagdagang ebidensya.
02:53Maliban sa pananagutan sa batas,
02:55layunin din ang DPWH
02:57na mabawi ang mga pondo
02:58sa mga ghost projects.
03:00Binabantayan na rin ang DPWH
03:02ang mga opisyal na nadadawid sa issue
03:04upang hindi sila makapanghimasok
03:06sa mga dokumento at investigasyon.
03:07Ipinaliwalag din ni Sekretary Dyson
03:10na hiniling niyang maisama
03:12sa Immigration Lookout Bulletin Order
03:13si dating DPWH Sekretary Manuel Bonoan
03:16matapos itong mabanggit sa mga pagginig.
03:19Pusibli rin dumulog ang DPWH
03:21sa Anti-Money Laundering Council.
03:23Pansamantalang pinayagan din ng DPWH
03:25ang kanila mga kawani
03:26na huwag magsota opisyal uniforme
03:28bilang proteksyon
03:29laban sa anumang uri ng bullying at harassment.
03:32Nanawagan naman sa Sekretary Dyson sa publiko
03:34na huwag agad husgahan
03:36ang mga naka-uniforming kawani ng DPWH
03:38na hindi lahat ay sangkot sa anomalya.
03:40Bernard Ferrer
03:41para sa Pambansang TV
03:43sa Bagong Pilipinas.

Recommended