Skip to playerSkip to main content
- Tricycle, tila nag-exhibition habang binabaybay ang congressional ave. 


- 17-anyos, hinabol ng patalim ang 2 ka-eskuwelang nanipa umano sa kaniya 


- Kredibilidad ng unang witness ng prosekusyon, sinubukang basagin ng depensa


- Sen. Marcoleta, may mild pneumonia at degenerative disc; lalong tumaas ang BP -- PNP Gen. Hospital 


- Habagat na pinalakas ng Super Typhoon Inday, nagpaulan at nagpabaha 


- Mga residente, hinarangan ang planong itayong transition houses sa Brgy. UP Campus 


- Spot Report: Sundalong binugbog | Tinambangang mga pulis 


- Vlogger, patay matapos umanong makuryente habang nagbi-videoke 


- #IndayPH


- Batang tennis player in the making, na-meet ang idol niyang si Alex Eala 



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Come on in!
00:21Mabilis ang takbo habang nakaangat ang sidecar ng tricycle na yan
00:25habang binabaybay ang kahaba ng Congressional Avenue sa Quezon City.
00:30Wala itong plaka pero batay sa numerong nakalagay sa sidecar, bahagi ng Luzon Toda ang tricycle.
00:36Hinahanap na ng Traffic Enforcement Unit ng Quezon City Police District ang tricycle at driver nito.
00:45Muntik na namang magkaroon ng karahasan sa isang eskwelahan.
00:49Hinabol ng patalim ng isang minordeedad, ang dalawa niyang ka-eskwela sa Cebu.
00:54Ang kanilang alitan nagsimula ng sipayin umano siya ng mga kaklase.
00:58May report si Femery Dumabok ng GMA Regional TV.
01:06May bitbit pang kutsilyo ang istudyanting ito habang naglalakad sa labas ng Carcar City Central School sa Cebu.
01:14May kaaway ang 17-anyos na istudyante na mga ka-eskwelang edad 18-anyos at 19-anyos.
01:21Buti na lang at naawat siya ng lapitan ng barangay Tanud.
01:25Nakuha sa kanya ang hawak at na patalim.
01:27Base sa investigasyon ng pulisya, habang nasa snack break ay sinipa umano siya ng dalawa.
01:33Pero di pa malinaw kung paano siya nakakuha ng patalim.
01:36Ni Gawas siya sa Gawas, ma'am kayo, snacks, ma'am bayag ikalita lang siya ng patid sa duha ka,
01:43yung mga ka-uban.
01:44Classmate pa niya?
01:45Hmm, classmate niya sa ALS.
01:46Based on the conduct on investigations, may history sila na sila ay prior alteration.
01:53And then timing nga pagkabalik, nakita sila sa eskwelahan.
01:57So, nibalik ang mga memories.
01:59Isa sa ilalim muna sa intervention ng Karkar DSWD ang minority-edad.
02:03Pero hiling ng kanyang ina, napayagan ang kanyang anak na makapag-modular distance learning.
02:09Sabi ng Karkar City Division ng DepEd,
02:11hahanap sila ng paraan para makapagpatuloy sa pag-aaral ang tatlo habang isinagawa ang intervention.
02:18Magsasagawa rin sila ng hiwalay na investigasyon.
02:21Mula sa GMA Regional TV, Femarie Dumabuk, GMA News.
02:34Day 3 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
02:38Sa huling araw ng pagdinig ngayong linggo,
02:41sinubukang basagi ng defense team ang kredibilidad ng unang testigo ng prosekusyon.
02:45Gaya naman kahapon, nagpalabas din ang bahagi ng online presko ng BICE
02:49kung saan inusisa kung ito ba ay AI generator.
02:53May report si Ian Cruz.
02:58Sa cross-examination ng defense team kay NBI Senior Agent John Mark Kalinong,
03:03sinubukang questionin ang kanyang kredibilidad.
03:06Pero di pa man nakapagpaliwanag ang testigo.
03:24Si Kalino ang nag-imbestiga sa video ng umano'y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte
03:30sa buhay ng Pangulo, First Lady at dating Speaker noong November 2024.
03:36Did President Marcos appear before the NBI during its investigation?
03:41No, sir.
03:42Did the First Lady, Lisa Marcos, appear before the NBI during its investigation?
03:47No, sir.
03:48Did the former Speaker, Martin Romualdez, appear before the NBI during its investigation?
03:55No, sir.
03:56Did you really investigate this case?
04:02Gaya naman ang ginawa kahapon ng prosekwisyon,
04:05ipinapanood sa korte ang bahagi ng video sa USB na inauthenticate ni Kalilong.
04:11Ipinalabas ang emosyonal na chief of staff ni VP Duterte na si attorney Soleika Lopez,
04:17na noong nakaditine sa kamera matapos ipakontempt ng House Committee on Good Government
04:22na nag-iimbestiga sa paggamit ng BICE ng confidential funds.
04:26And then suddenly they have an order transferring me.
04:30I cannot, parang, lift everything.
04:35I cannot.
04:36But dahil natakot ako, I feared for my life.
04:40Sinasabi po ba ng depensa na yung mga alleged threats o alleged incitements
04:46ni VP Duterte ay prompted nung detention ni attorney Lopez?
04:54Yes, Your Honor.
04:56There was a systematic oppression made by the House of Representatives.
05:01Even if she was answering the questions faithfully and to the best of her ability,
05:09she was cited in contempt, detained.
05:12Na posisyon po ba ng depensa na pwedeng palampasin ang alleged grave threats
05:20kung may masasabing lehitimong dahilan para magbanta?
05:28Your Honor, that is not the point.
05:30I would like to remind the senator judges
05:34to be cautious in making counsels for either party make conclusions of law and fact
05:40instead of presenting evidence through a witness
05:43because if he answers, senator judge De Veros,
05:47that would effectively place on record a conclusion of fact and law
05:50not drawn from a witness.
05:54Sinubok din ang naging proseso para matiyak ang authenticity ng video.
05:58Did you do something or what kind of system did you observe or follow
06:04to ensure whether that video was AI-generated or authentic?
06:10Be some personal observations, sir.
06:12So are you experienced enough analyzing whether a video is AI-generated or authentic?
06:18Yes, Your Honor.
06:19What makes you say that?
06:22Based on my experience, Your Honor, and the video itself, it's a two hours long.
06:27Normally, an AI-generated video will only last a short second, sir.
06:31Mula naman sa apat na pong nasa Zoom,
06:34anim lang daw ang naisyohan ni Kalilong ng subpina
06:36dahil sila lang daw ang nakita sa video.
06:40Itong mga anim na sinubina ninyo,
06:43ano yung kanyang common statement na ibinigay?
06:47Kinonfirm po nila na present sila during the November 23, 2024 press conference
06:52and yung utterance po ni Vice President narinig po nila.
06:56But you didn't contact the PSG for the First Lady, for the President,
07:00and for all you know, the PSG will tell you right there and there
07:04the threat is real or the PSG will say politika lang yan.
07:08Your Honor, there's already a statement from the National Security Council, Your Honor,
07:12that it is an active threat, Your Honor.
07:14That's why we start investigation.
07:15Bago matapos ang day 3 ng impeachment trial,
07:19ipinunto ng depensa na bigong mapatunayan ang prosekusyon
07:22na mayroon ngang kinuhang asasin ng vice
07:25para ipapatay ang first couple at dating House Speaker.
07:29She didn't commit an impeachable offense.
07:34She drew the line in the sand and said,
07:36enough is enough.
07:38That is the meaning and that is the context.
07:41There was no betrayal of public trust.
07:43She actually upheld the people's trust as she spoke for in behalf of the people.
07:50Kumpiyansa naman ang prosekusyon na hindi nabasag ng defense team ni Duterte
07:55ang testimonya ni Kalilong.
07:57Hindi po natibag o hindi nabutasan ang testimonya na inilatag o binigay ng ating witness.
08:05She was very consistent with all his statements from the beginning
08:08and even during the cross, the cross examination nakita natin na he was firm
08:13at tinayuan niya yung kanyang mga binitawang mga pahayag o testimonya.
08:19Sa susunod na linggo, sunod na sa salang sa witness stand si na
08:24Atty. Zaleka Lopez, NBI Barm Regional Director, Atty. Jeremy Lotok
08:30at ang Executive Director ng Legislative Security Bureau ng House of Representatives
08:35na si Captain Belinda Bellio.
08:38Ian Cruz, GMA News.
08:40Mananatili pa rin sa PNP General Hospital si Sen. Rodante Marcoleta
08:44na inaresto para sa kasong plunder.
08:47Ayon sa pamunuan ng ospital,
08:49kailangan magpa-therapy ni Marcoleta na nakitaan ng degenerative disc disease
08:53o problema sa gulugol.
08:55Meron din naman ng mild pneumonia si Marcoleta
08:58at lalong tumaas sa blood pressure ngayong araw.
09:02Hindi pa masabi ng kanyang doktor kung kailan siya madidischarge
09:05para madala sa detention facility.
09:08Inaresto si Marcoleta para sa pagtanggap niya ng P75 million pesos
09:12na campaign donation noong congressman siya.
09:15Kapwa-akusado ang nagbigay umanoon ng donasyon
09:18na sinadating congressman Mike Defensor at dalawang iba pa.
09:22Samantala, naglabas na rin ng arrest warrant
09:24ang Sandigan Bayan 4th Division
09:26laban kinang Marcoleta at Defensor
09:28para naman sa paglabag sa Presidential Decree 46
09:32o batas laban sa pagtanggap ng mga regalo
09:35ng mga nasa gobyerno.
09:37Inisuhan din sila ng whole departure order.
09:3930,000 pesos ang itinaktang piyansa ng korte.
09:44Hindi man direktang tatama sa lupa ang superbagyong inday,
09:48pinalakas naman ito ang habagat.
09:55Binura ng kulay tsokolating baha ang kalsada sa bahagi ng maitum sa Rangani Province.
10:01Sa Sharifagwak, Maginano del Sur,
10:03nilipad ng malakas na hangin na sinabayan ng ulan
10:06ang mga tolda sa palengke.
10:09Katapot naman ang mga pasero ng hapasinang malalakas na alon
10:12ang sinasakin nilang lansya sa bonggaw, Tawi-Tawi.
10:16Bumus naman ang malakas na ulan sa Midsayap, Cotabato
10:18na nagdulot ng pagbaha sa low-lying areas.
10:22Sa bayan na makilala,
10:24nabagsaka ng nabuwal na puno ng nyog
10:26ang isang bahay sa kasagsagaan ng malakas na ulan.
10:30Diktas naman ang isang ginang na naninirahan sa bahay.
10:33Halos mag-zero visibility naman sa Zamboanga City.
10:37Abot tuhod naman ang bahasa Ipil Zamboanga,
10:40Sibugay, kasunod ng malakas na ulan.
10:44Nagkatensyon sa barangay UP Campus sa Quezon City
10:47ng harangin ng mga residente
10:48ang pagpapasok ng materyales para sa rental housing project
10:52ng University of the Philippines.
10:59Nagbarikada at nakipagtulokan sa mga polis
11:01ang mga taga-puok malantik bukit.
11:04Pinatras muna ng chief of police ng station 9 ang truck
11:07para pakalmahin ang sitwasyon.
11:10Sabi ng mga residente,
11:12walang koordinasyon at konsultasyon sa kanila ang operasyon.
11:15Wala rin daw ipinakitang demolition order.
11:18Paglilinaw ng mga polis,
11:20hindi naman magde-demolition kanina
11:21at magpapasok lang talaga ng materyales.
11:25Nakabatay muna ang mga polis sa lugar.
11:27Wala pang pahayag ang pamunuan ng UP.
11:31Kinambangan ng di pa nakikilalang salari
11:34ng dalawang polis sa Sultan Kudarat
11:35na papasok na sana sa kanilang duty.
11:38Isang sundalo naman na natagpo
11:40ang bugbog sarado sa isang bahay sa Malati, Maynila.
11:43May spot report si Marisol Abduramani.
11:47Hindi na makatayo ang lalaking ito
11:49ng abutan ng mga taga-barangay
11:51sa bahay na ito sa Malati sa Maynila.
11:53Di na niya maimulat ang mga mata
11:55na nangingitim at magang-maga.
11:58Ayon sa tauhan ng barangay,
11:59sumugod sila sa bahay nitong linggo
12:01matapos makita ng isang residente ang lalaki.
12:04Nakita nga niya na nakabulagta yung lalaki.
12:08May mga sign na mga pasa sa katawan.
12:13Mukha, barang nabugbog.
12:14Mga hirap, ano kasi kailangan alalayan.
12:17Pikit ang mata.
12:19Para nang sabihin,
12:20kailangan hindi makakilis na mag-isa.
12:22Bago raw makita ang lalaki,
12:24pinuntahan na rin ang mga tanoy ng bahay
12:26dahil sa umaling-ngaw, nakakaibang ingay.
12:28May narin ang isang na parang impit na parang
12:32parang pigil na hiyaw.
12:35Kaya check.
12:36Baka kasi baka kailangan yung tulong.
12:39May mga lumabas umanong mga lalaki
12:41ng katukin nila ang bahay.
12:42Pero ang sabi nila,
12:44nagkaroon lang ng kaunting problema sa bahay
12:46at naayos naman daw ito.
12:48Kinabukasan na,
12:49nakita ang bugbog saradong biktima
12:51na ayon sa Manila Police Districts
12:53ay isang sundalo ng Philippine Army.
12:56Hindi pa masabi ng MPD sa ngayon
12:58ang motibo ng pambubugbog.
13:00Hindi pa rin kasi makausap ang biktima
13:02na hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin.
13:04Identify na itong mga suspect natin,
13:07apat ito na mga taga dun din sa lugar
13:09at ipagaharap ito ng kaukulang reklamo.
13:13Kumandusay naman sa kalsada sa Lambayong Sultan Kudarat
13:16ang dalawang patrolman
13:17ng 1202 Maneuver Company,
13:19Regional Mobile Force Battalion.
13:21Dead on the spot ang dalawa
13:22ng tambangan ng mga di pa nakikilalang suspect.
13:25Ayon sa Police Regional Office 12,
13:28paghihiganti ang posibleng motibo sa pamamaril.
13:30Nagkaroon ng retaliation
13:32considering na itong isa sa personnel natin
13:36ay maraming nadakit
13:37when he is implementing the laws
13:40lalo-lalo na yung sa mga illegal drugs.
13:44Patuloy ang high-percent operations sa mga salarin.
13:48Marisol Abduraman, GMA News.
13:51Nasawi ang isang vlogger matapos manong makuryente
13:54habang nag-videoke sa isang resort sa Kulasi, Antique.
13:58Ayon sa nobya ng biktima,
14:00napaaray ang kanyang nobyo
14:01nang tumunog ang musika
14:03saka ito na tumba.
14:05Hindi rin daw basa ang katawan ng kanyang nobyo
14:07nang mangyari ang aksidente.
14:09Dinala sa ospital ang biktima
14:11pero nasa winning kalaunan.
14:13Iniimbestigahan ang polisya
14:14kung nagkaroon ng pagkukulang
14:16ang may-ari ng videoke machine
14:18at ang pamunuan ng resort.
14:20Sinusubukan pa sila makuna ng pahayat.
14:24Bago ngayong gabi,
14:26dumami pa ang mga lugar
14:27na nasa ilalim ng wind signal
14:28dahil sa bagyong Inday.
14:30Ayon sa pag-asa,
14:32nakataas ang signal number one
14:33sa Batanes, Cagayan,
14:35kabilang na ang Babuyan Islands, Isabela,
14:38north-eastern portion ng Quirino,
14:40Apayaw,
14:41at northern portion of Abra.
14:43Gayon din sa Kalinga,
14:45eastern portion ng Mountain Province,
14:47eastern portion ng Ifugao,
14:48Ilocos Norte,
14:49northern portion ng Aurora,
14:51pati sa northern at central portions
14:53ng Catanuanes.
14:54Huling namataan ang sentro ng Super Bagyo,
14:571,035 kilometers east of northern Luzon.
15:00Taglay nito ang lakas ng hangi
15:02nga abot sa 185 kilometers per hour
15:05at bugsung papalo sa 230 kilometers per hour.
15:09Kumikilos ito pa west-northwest
15:11sa bilis na 20 kilometers per hour.
15:14Patuloy na pinalalakas ng bagyo
15:16ang habagat na magpapaulan
15:17sa iba't ibang bahagi ng bansa.
15:19Sa latest track ng pag-asa ay
15:21nasa ang pinakamalapit
15:23ang Super Bagyo
15:24sa extreme northern Luzon
15:25sa pagitan ng Biyernes ng gabi
15:27hanggang Sabado ng umaga.
15:29Pusibleng sa Sabado ito lumabas
15:31ng Philippine Area of Responsibility.
15:36Palong-palo sa puso
15:37ng bawat Pilipino
15:38ang tagumpay
15:39ng Pinay Tennis Ace
15:40na si Alex Ayala,
15:42tulad ng isang batang tennis player
15:44in the making
15:44na natupad ang pangarap
15:46na makilala ang kanyang idolo.
15:47Pusuhan na yan sa report na ito.
15:54Maagang nakahawak ng raketa
15:56at maglaro sa apat na sulok
15:58ng tennis court na ito
15:59ang anim na taong gulang
16:01na si Celine.
16:02Dahil para sa batang atleta,
16:04ang bawat ensayo
16:05isang hakbang palapit
16:06sa kanyang pangarap.
16:08At para suportahan
16:09ng kanyang pangarap,
16:10silamaan siya
16:10ng kanyang mga magulang
16:12hanggang Berlin, Germany.
16:13Hindi lang para makapanood
16:14ng world-class tennis,
16:16kundi para personal
16:17na makita
16:17at masuportahan
16:19ang kanyang idolong
16:20si Alex Ayala
16:21mula sa front row.
16:23Nasaksihan mismo na si Celine
16:24ang tapang,
16:25kyaga
16:26at determinasyon
16:27ng kanyang idolo.
16:28Labis ang tuwa niya
16:29ng kawayat pa siya
16:31ng Pinay Tennis Ace.
16:33Nagkaroon pa siya
16:33ng pagkakataong
16:34makausap mismo si Alex
16:36at matanong
16:37tungkol sa paborito
16:38yun itong Filipino food.
16:55Ibinahagi rin sa kanya
16:56ni Alex
16:56ang kanyang
16:57favorite tennis shot.
16:58What's your favorite
17:00shot?
17:01Oh, your favorite shot.
17:02I like returning.
17:04I like the turns.
17:05Hindi pa man alam ni Celine
17:07kung saan
17:07naabot
17:08ang kanyang pagpalo,
17:09alam na niya
17:10kung kaninong yapak
17:11ang kanyang susundan.
17:13Kung paanong minsan
17:14isang batang Alex Ayala rin
17:16ang may matayog na pangarap.
17:18Ngayon,
17:19isa na siyang inspirasyon
17:20ng mga batang Pilipino.
17:24At yan ang mga balitang
17:26dapat niyong malaman.
17:27Ito ang GMA News.
17:28Walang kinikilingan,
17:29walang pinoprotektahan.
17:31Doon at ngayon,
17:32serbisyong totoo.
17:33Ako po si Atom Raulio
17:34at ito ang State of the Nation.
Comments

Recommended