Skip to playerSkip to main content
Kinuwestiyon dahil tila pork barrel umano ang isang programa para tulungan sa pagpapagamot ang mga mahihirap na nilaanan ng P51B sa panukalang National Budget. Itinanggi 'yan ni Senate President Tito Sotto. Aalisin din umano ang paggamit ng guarantee letter mula sa mga mambabatas para mabigyan ng tulong-medikal ang nangangailangan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinwestyon dahil tila pork barrel umano ang isang programa para tulungan sa pagpapagamot ang mga mahihirap na nilaanan ng 51 billion peso sa panukalang national budget.
00:15Itinangyayaan ni Senate President Tito Soto, aalisin din umano ang paggamit ng guarantee letter mula sa mga mambabatas para mabigyan ng tulong medikal ang nangangailangan.
00:27Nakatutok si Bob Gonzalez.
00:30Nitong nagdaang weekend, naging mainit ang talakayan sa Bicameral Conference Committee para sa panukalang 2026 national budget ukol sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP.
00:46Mula kasi sa 24.4 billion pesos sa National Expenditure Program ng Pangulo, laging 51 billion ito sa BICAM.
00:54Ang MAIFIP ay tulong medikal sa mga Pilipinong indigent o financially incapacitated na hindi kaya magbayad sa ospital.
01:02Pwede itong gamitin sa inpatient at outpatient services, comprehensive check-up, dialysis, gamot at professional fees ng doktor.
01:09Hawak ng Department of Health ang pondo ng MAIFIP.
01:13Pero sa mga nagdaang taon, lumaganap ang paggamit ng guarantee letters o GL mula sa mga politiko gaya ng mga senador at kongresista na nangangangakong bibigyan nila ng tulong medikal ang isang pasyente.
01:25Karaniwang susulat o pupunta sa opisina ng politiko ang nanghihingi ng GL.
01:30Hindi yan pork barrel.
01:33Hindi namin niya alam magkakaroon.
01:34Mga yung pork barrel, medical assistance, diretso.
01:37Magkat maaaring alisin namin ng GL-GL.
01:40Pero sumagang magigusistema.
01:42Diretso na sa D.W.H. at diretso nila pwede yan ang panding.
01:45Pero para sa ilang taga-civil sector, walang ibang muka ang MAIFIP kundi pork barrel.
01:50Sabi ni Cardinal Pablo Vergilio David sa kanyang open letter sa mga senador at kongresista,
01:55gumagana raw kasi ang MAIFIP sa pamamagitan ng guarantee letter system kung saan makakakuha lang ng tulong kung may endorsement letter mula sa politiko.
02:04Hindi na raw karapatan ang healthcare, kundi patronage system na ginagawang utang na loob ang karamdaman.
02:11Ang health advocate na si Dr. Tony Liachon pinag-iisipan ng ireklamo ang MAIFIP sa Korte Suprema sakaling palusutin ito ng kongreso.
02:18Niloloko nila tayo eh. Sinasabi nila, hindi pa daw kompletong healthcare system. Kailangan daw may MAIFIP.
02:25Eh di tama na ngayon. Pagka naibigay lahat nyo yung bayad sa PhilHealth, eh systematic na yan.
02:31Sa hospital na lang tayo magkakaintindihan.
02:33Para yung mga pasyente natin, hindi nagkakalat just to get the guarantee letters.
02:38Namamalimus tayo, nangungutang tayo, nagmamakaawa tayo. Hindi dapat ganyan.
02:43Meron tayong anti-patronage special provision doon na bawal ang politiko sa distribution, bawal ang politiko sa mga implementation.
02:54In fact, i-aamend pa namin yung anti-political patronage special provision, pati kamag-anak bawal.
03:00Bawal silang maglagay ng mga tarpaulin. So meron kaming mga safeguards na hindi pwede i-politicize.
03:05Matapos ang matinding debate sa MAIFIP, nilinaw ng DOH na bawal na talaga ang mga guarantee letter.
03:13Hindi rin daw kailangan ng GL para makakuha ng MAIFIP.
03:16Eh sabi ng Supreme Court decision, dapat ang budget execution sa DOH lamang.
03:21Kaya aming ang sinasabi, kinokorekt namin, dapat hindi na siya GL.
03:25Dapat ituro na lamang ang pasyente papunta sa DOH hospital.
03:30Pagpumunta ko kayo dun sa malalaking level 3 hospitals ng mga local government unit,
03:36ay hindi nyo na kailangan magpakita ng proof na indigent.
03:39Hindi nyo rin kailangan magmakaawa sa kahit sinong politiko o kahit sa DOH.
03:43Basta nandun ko kayo sa LGU level 3 hospital, ward accommodation, bayad na ang bill mo.
03:49Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
03:55Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended