Skip to playerSkip to main content
Pinuna ng isang grupo, mga pork umano sa Bicam version ng panukalang budget, kabilang ang paglobo ng ilang pondo kumpara sa hinihingi ng Gabinete at pagsulpot pa nga ng ilan na wala sa orihinal. Ang sabi ng Palasyo, bubusisiin ito ng pangulo at ive-veto kung kinakailangan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinuna na isang grupo mga pork umano sa buy cam version ng panukalang budget,
00:05kabilang ang paglobo ng ilang pondo kumpara sa hinihingi ng gabinete
00:11at pagsulput pa nga ng ilan na wala sa orihinal.
00:15Ang sabi ng palasyo, bubusisin ito ng Pangulo at i-vito kung kailangan.
00:21Nakatutok si Maki Pulido.
00:23I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget.
00:34Sa kanyang huling state of the nation address pa lang, sinabi na ni Pangulong Bongbong Marcos
00:39na hindi lalagdaan ang panukalang 2026 budget kung hindi ito nakalinya sa National Expenditure Program o NEP
00:46o yung mga programang inilatag ng gabinete na mapontohan.
00:50Hindi ko a-aprobahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino.
00:58Kaya handa ang Pangulong pag-aralan ng ipinasang budget ng Kongreso kahit may dalawang linggo na lang ang natitira
01:03dahil na antala ang bicameral conference kung saan pinag-isa ang House at Senate versions ng 2026 budget.
01:11December 29, target malagdaan ang General Appropriations Act bago ang New Year break simula December 30.
01:17Kung hindi magkakaroon ng tulugan, walang tulugan, gagawin po yan.
01:21Pero ang gustong sabihin ng Pangulo ang tinitiyak niya.
01:25Bago siya pumirma, dapat na-aral po itong mabuti na bosisi at kung may kailangang i-vito, i-vito.
01:32Kabilang sa gustong malaman ng Pangulo ay kung may kailangang i-vito o tanggalin sa proposed budget
01:37para matiyak na sunod sa NEP ang panukala.
01:40Ngayon pa lang na red flag na ng People's Budget Coalition na nagbabantay sa budget process
01:46ang pagiging busog daw ng panukala sa PORC.
01:49Yan yung budget para sa mga programang may say ang politiko kung sinong makakatanggap ng tulong na,
01:55ayon sa grupo, ay lumobo.
01:57Kabilang dyan ang MAIFIP o Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients
02:02na binadyatan lang sa NEP ng P24 billion pesos pero ginawang P51 billion pesos sa panukala
02:09matapos ang buy cam, higit pa sa house version.
02:13Insulto yan sa pasyente kasi karapatan nila ang kalusugan.
02:18Hindi dapat sila lumuhod at magmakaawa para magamot sila.
02:23Lumobo rin ang budget na pangalalay sa mga naiipit sa krisis tulad ng mga biktima ng domestic violence.
02:29Naging P25 billion pesos yan, mahigit sa doble ng hinihingi sa NEP.
02:34Habang ang PORC para sa local government unit, lumobo sa mahigit P37 billion pesos mula sa P9 billion pesos lang.
02:42Ang problem po dito ay kadalasan wala po masyadong oversight dito.
02:46So lump sum siya, binibigay po siya sa mga LGUs.
02:50The LGUs can use this to fund for example, ayuda, mga soft projects
02:55at pwede din nila gamitin ito for mga hard projects nila na mas maliliit.
02:59Halimbawa, yung mga waiting shed.
03:01Ang iba nga, wala sa national expenditure program pero sumulpot sa buy cam.
03:06Tulad ng P20 billion pesos presidential assistance to farmers and fisher folk
03:10at ng tulong dunong o scholarship program ng CHED na pinondohan ng P2 billion pesos.
03:16Ang problema po sa tulong dunong program, katulad ng ibang mga forms ng ayuda or PORC,
03:21ay ang mga congressman, ang mga politiko po ang nakakapag-design kung sino po ba yung mga recipients nito.
03:27Ni red flag din ng People's Budget Coalition ang PORC na ipinasok sa mga infra at unprogrammed budget.
03:34Kung hindi man ma-veto ng Pangulo, ang mga questionable yung budget allocation,
03:38sabi ng People's Budget Coalition, sana mag-issue ang Pangulo ng isang executive order
03:44na naguutos sa DBM na pag-aralan muna ang mga programa bago i-release ang pondo.
03:50Sabi naman ni Senate President Tito Soto, kung hindi mag-veto ang Pangulo,
03:55nasa kapangyarihan nitong hindi i-release ang pondo para sa isang proyekto.
03:59Naniniwala si Soto na malalagdaan ng Pangulo ang 2026 General Appropriations Act
04:04at kung maantala man, dalawa o tatlong araw lang, kaya't ilang araw lang magkakaroon ng re-enacted budget.
04:11Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
04:20Soto na malala man, dalawa o tatlong araw lang, kaya't ilang araw lang, kaya't ilang araw lang.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended