00:00Inireklamo ni Vice President Sara Duterte ng perjury, si Ramil Madriaga,
00:06ang nagpapakilala o nagpakilalang dati niyang security aide
00:10at inutusan umanong maghatid ng pera sa ilang personalidad.
00:15Ang gitnang bisi, hindi nagtrabaho si Madriaga sa kanyang mga naging opisina.
00:21Nakatutok si Chino Gaston.
00:27Sa Taguig Prosecutor's Office, naghain ang reklamong perjury si Vice President Sara Duterte
00:32kaninang umaga laban kay Ramil Madriaga, ang nagpakilalang naging security aide daw ng bisi.
00:40Ang sabi ni Vice President Duterte, sa isang pahayag,
00:44kailangang panagutan ni Madriaga ang mga kasinungalingan at mga imbento niya
00:48na gusto raw manlinlang ng publiko.
00:51We have a certification from the ASPG, formerly the VPSPG.
00:56We have a certification from the Department of Education
00:59and we also have a certification from the Davao City local government
01:04stating, attesting that there has never been any Ramil Madriaga
01:10that was employed or otherwise connected with those offices.
01:15So, dun palang basag na yung story ni Madriaga.
01:18Because in his affidavit, kung mapapansin niyo,
01:22he needs those connections with these offices for his allegations to be credible,
01:27for him to be in a position to say transport cash upon allegedly VP's instructions.
01:34Kailangan niyang PSG siya, VPSPG siya, pero ang ebidensya malinaw, hindi toto.
01:42Hawak daw nilang ebidensya laban kay Madriaga ang mga affidavit na mga dating security officer ni Duterte
01:48na nagsabing di nila kilala si Madriaga at imposibleng naging bahagi ito ng security group nila.
01:55November 2025, ginawa ang affidavit ni Madriaga.
01:58Isinumitin niya ito sa ombudsman at naging bahagi ng ebidensya laban kay Duterte sa impeachment complaint noong 2025.
02:07Sa dalawang impeachment complaint na idideklarang sufficient in substance ng House Committee on Justice ngayon,
02:13kasama rin ang affidavit ni Madriaga bilang ebidensya.
02:17Dito, sinabi niyang naghatid siya ng pera sa iba't ibang tao sa utos ni Vice President Duterte.
02:23Noong December 2022, inutusan daw siya ni Nooy VPSPG Commander Col. Raymond Lachica
02:30na ihatid sa ilang lugar at individual ang mga duffel bag na may laman daw ng 30 hanggang 35 milyon
02:37pesos kada bag.
02:39Kabilang dyan ang isang mayor sa Laguna at isang dating kaklase ng vicepresidente.
02:43Inutusan din siyang mag-iwan ang kotse na may pera sa loob ng ombudsman parking compound.
02:50Sinabi rin ni Madriaga na mula sa Pogo Operations at Drug Dealers
02:54ang pondo ng Inday Sara Is My President Pilipinas National Campaign noong 2021 hanggang 2022.
03:02Pagkahinahayaan kasi, pwedeng hindi sila natatakot na magsinungaling, magumawa ng kwento, sumira ng buhay.
03:12Eh ngayon, dinidikit nila ngayon sa impeachment, ang kahulugan nun or ang possible consequence nun is,
03:20for example, ma-subvert yung will of the people kasi gusto mong tanggalin ang isang julie-elected official ng bansa.
03:28Ang tanong ng abogado ni Madriaga,
03:30Wala kaming sinasabing nasa payroll siya ng OVP o ng DepEd o ng iba't ibang government agencies.
03:37Sinasabi niya talaga,
03:38naging trusted person siya ni former President Rodrigo Soterte
03:44and later on, ipinasa sa anak kay BP Sara nga.
03:47So, wala kaming concern niya sa mga certification na yan.
03:51Hindi naman tayo nagkiklaim na talaga ang government employee na nasa plantilla si Mr. Madriaga.
03:56Sinasabi niya, moral no intelligence work,
03:58reporting directly to the former President and to BP Sara.
04:02Nakakulong na ng ilang taon sa BJMP sa Bikutan si Madriaga sa kasong kidnapping.
04:07Para sa GMA Integrated News,
04:11Chino Gaston Nakatutok 24 Oras.
Comments