Skip to playerSkip to main content
Saktong isang buwan na mula nang magbalik ang sesyon ng Senado at hindi na rin nakitang pumasok si Sen. Bato dela Rosa. Sabi ngayon ng DILG, alam nila kung nasaan ang kinaroroonan ng senador na palipat-lipat umano ng bahay. ‘Di rin anila matatawag na pugante si Bato dahil wala pang kopya ng umuugong na arrest warrant mula sa International Criminal Court.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Saktong isang buwan na mula nang magbalik ang sesyon ng Senado at hindi na rin nakitang pumasok si Senador Bato de la Rosa.
00:07Sabi ngayon ng DILG, alam nila kung nasaan ang kinaroonan ng Senador na palipat-lipat umano ng bahay.
00:14Hindi rin nila anila matatawag na pugante si Bato dahil wala pang kopya ng umuugong na arrest warrant mula sa International Criminal Court.
00:22Nakatutok si Darlene Cai.
00:24Higit isang buwan na ang lumipas mula nang huling nakita sa publiko at sa Senado si Senador Bato de la Rosa.
00:33Kasunod ng pagbubunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Rebulia noong November 8 na may arrest warrant ang ICC laban sa kanya,
00:40kaugnay pa rin sa gera kontra droga ng Administrasyong Duterte.
00:43May mga paramdam siya pa minsan-minsan sa social media tulad ng pagdalaw niya sa isang pari sa Cebu at sa pagpopost ng picture niya na nakawig.
00:51Ang pinakahuli, ang pagkomento niya sa post ng kanyang asawang si Nancy.
00:56Sa post, may larawan ng isang lalaking na katalikod at caption na nagpapasalamat sa kanya raw pagdalaw.
01:01Hindi marinaw kung saano kailan kuha ang larawang yan.
01:05Pero, ang sabi ni DILG Secretary John Vicremulia, alam nila kung nasaan si de la Rosa.
01:11Palipat-lipat siya ng mga bahay sa mga kaibigan niya.
01:14Iyatago siya. Tapos sa loob lang siya ng bahay.
01:17Tapos silipat siya, iba-ibang kotse niya ginagamit.
01:20So, I think we've monitored him in six different places in the last three weeks.
01:25Or last, yeah, in the last three weeks.
01:27Palipat-lipat lang siya.
01:28Tumanggi na si Remulia na i-detali kung saan mga lugar nila na monitor si de la Rosa.
01:32Kahit itinuturing na nagtatago, hindi pa rin daw siya matatawag na fugitive o pugante
01:37dahil hindi pa rin daw nakatanggap ang DILG maging DFA at DOJ
01:42ng kopya ng arrest warrant laban kay de la Rosa.
02:02Sabi ng abogado ni de la Rosa, noong November 8 din niya huling nakausap ang kliyente.
02:11Wala rin siyang impormasyon kung nasaan ito.
02:13In all probabilities, nandito yan.
02:15Ngayon kasi, yung kanyang personal safety is at stake.
02:19Ako, makaspeculate lamang ako kasi hindi ako makasabi for him even if I am his lawyer.
02:26He is just making himself unavailable.
02:30Kasi wala pong klaro kung ano po ang polisiya o wala po tayong batas as to how to deal with surrender.
02:38Kasi klarong-klaro po yung gobyerno natin is they will up the modality of surrender instead of extradition under Section 17 of Republic Act 9851.
02:49Wala rin ang impormasyon ng abogado ni Sen. Bato de la Rosa kung dadalo siya sa unang sesyon ng bicameral conference committee na nakatakdang magsimula sa darating na weekend.
02:58Lalo dahil isa siya sa mga vice chairperson ng Senate Committee on Finance.
03:02Kayon man, hindi daw naman napapabayaan ang senador ng kanyang opisina.
03:05It is administratively functioning. His staff are operating and they are performing their job. Yun nga lang, wala siyang physical presence.
03:14Pero sabi ni Interior Secretary Remulyas, sakali naman daw na matanggap na ng gobyerno ng Pilipinas, ang warrant ay dadaan ito sa proseso.
03:22Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended