00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia ay tinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos na bagong Ombudsman.
00:11Sa kabila ito, na pagtutol ng ilang kalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:16Sabi ng kapatid ng Pangulo na si Senadora Amy Marcos,
00:19planchado na ang planong ipakulong si Vice President Sara Duterte dahil sa pag-upo ni Remulia.
00:25Pero sabi ng palasyo, magiging patas si Remulia sa pwestong ang trabaho ay magsampa ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal.
00:34Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:39Isang araw matapos isumite sa Malacanang ang pangalan ng mga rekomendado ng Judicial and Bar Council na maging Ombudsman,
00:47inanunsyo na ang napili ni Pangulong Bongbong Marcos, ang kasalukuyang Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:55As Ombudsman, Remulia is expected to uphold transparency, strengthen anti-corruption measures,
01:02and ensure that justice is administered fairly and efficiently.
01:07Sa 1987 Constitution, tinawag ang Ombudsman bilang protector of the people o tagapagtanggol ng taong bayan.
01:14Layo nitong maging corruption prevention arm ng gobyerno at kasama sa trabaho nito,
01:20ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal.
01:23Sabi ni Presidential Communication Office Secretary Dave Gomez, inaasahang itataguyod ito ni Remulia.
01:30There will be no sacred cause, no exemptions, and no excuses.
01:35Public office is a public trust, and those who betray it will be held accountable.
01:40Papalitan ni Remulia si dating Ombudsman Samuel Martirez na nagretiro noong Hulyo.
01:46Pitong taon ang kanyang termino na magtatapos sa taong 2032.
01:51Ang kanyang appointment, hindi rin kailangan ng confirmation ng Commission on Appointments.
01:56Pero sa confirmation hearing kanina,
01:59ni Retired Supreme Court Associate Justice Jose Mendoza bilang miyembro ng JBC.
02:04Tinanong siya kung bakit isinama si Remulia sa shortlist.
02:08Sa ilalim kasi ng JBC rules, hindi maaring manominate ang isang may kasong kriminal o administratibo.
02:15Matatanda ang sinampahan ni Sen. Amy Marcos si Remulia ng reklamo sa Ombudsman,
02:21kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
02:24Sagot naman ni Mendoza, nakakuha si Remulia ng clearance mula sa Ombudsman.
02:29Surely you're aware that the pending cases were not merely administrative, but in fact criminal.
02:34We are aware of that, but he was able to obtain a clearance.
02:38Tanong naman ni Sen. Rodante Marcoleta,
02:41nakonsidera ba ang sworn opposition na isinumite niya
02:44at ni Davao City Acting Mayor Sebastian Duterte laban kay Remulia.
02:49What I heard yesterday was the argument that it refers to the same act
02:59which was in a complaint previously dismissed by the Ombudsman.
03:10The majority took light of the opposition of a senator of this republic, Mr. Justice.
03:17That is a fact, Your Honor.
03:20Sa huli, pinagpaliban ang confirmation ni Mendoza dahil umano sa kakapusan ng oras.
03:26Pagdepensa naman ng Malacanang, dumaan sa proseso ang nomination ni Remulia bago ito napili ng Pangulo.
03:32We have the highest confidence in Secretary Remulia that he will be very impartial
03:37when he assumes this new role as the Ombudsman.
03:42At the end of the day, after the President receives the recommendation from the JVC,
03:48it's still the decision of the President after he received the shortlist.
03:52Sa panayam naman ng media, sinabi ni Sen. Marcos na naniniwala siyang
03:57ang paglalagay kay Remulia sa Ombudsman ay nakatoon sa pagdidiin kay Vice President Sara Duterte.
04:04You still believe na may planong ipakulong si Bibi?
04:06Sigurado ako.
04:08Mukhang planchadong planchado na.
04:10Kung hindi makakalusot yung impeachment,
04:14nakuha, yung plan B,
04:16diretso na tayo sa plan C.
04:18Planchado na ang lahat.
04:20Hinihinga namin ng reaksyon dito ang Malacanang.
04:22Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.
04:30Tiniyak naman ni incoming Ombudsman Jesus Crispin Remulia
04:33na di niya gagamitin ang bagong posisyon para targetin ang isang political camp
04:40at wala siyang sisinuhin.
04:42Sinagot din niya ang mga plano sa isang o sa ilang isyong hawak na ng Ombudsman.
04:48Kabilang ang mga reklamo kaugnay ng mga flood control project
04:52at ang rekomendasyon laban sa vice-presidente dahil sa confidential funds.
04:59Nakatutok si Salima Refran.
05:03We're entering in the midst of a firestorm.
05:06Siyempre, let's sort out this mess that we're in right now.
05:11At hanapan natin ang sagot at hanapan natin ang mananagot.
05:15Alam ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia ang timing ng kanyang pagkakatalaga
05:20bilang bagong Ombudsman sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects.
05:25Ang ICI at DPWH nagsumiti na ng rekomendasyon sa Ombudsman
05:30para sa pagkahain ng mga reklamo sa mga may kaugnayan sa anomalya.
05:34Pero bago ba man makaupo sa kanyang bagong tungkulin,
05:37hinaharang na ito ng kapatid ni Pangulong Marcos
05:40na si Senadora Aimee Marcos at ilang pang kaalyado ni Vice President Sara Duterte.
05:46Sabi ni Marcos, ang paglalagay kay Remulia sa Ombudsman
05:49ay nakatoon sa pagdidiin kay Vice President Sara Duterte.
05:54Pagtitiyak ni Remulia.
05:56Ito na nagbe-weaponized, sisiguraduhin ko sa lahat yan.
05:59Wala itong sisinuhin.
06:01Ang trabaho ng Ombudsman para sa buong Pilipinas,
06:05hindi sa isang kampo ng politika.
06:06Kaya wala tayong sisinuhin dito.
06:10Pero alam din ni Remulia na isa sa kanyang hahawakang issue bilang Ombudsman
06:14ay ang issue ng confidential funds ni Vice President Duterte.
06:19Matatanda ang isinumite sa Ombudsman ang committee report
06:22ng House Committee on Good Government and Public Accountability
06:25na nag-imbestiga sa paggamit ng confidential funds ng BSE
06:29at nagrekomenda ng pagkahain ng plunder charges laban sa kanya.
06:33Nandiyan na yan eh. Actually, nandiyan na naman sa Ombudsman ang mga report na yan
06:37at bubuk natin natin, pag-aaralan at tatanungin natin yung mga may hawak doon ngayon.
06:46Mga may hawak at yung may tungkulin na hawakan ng mga kasong yun bago tayo dumating.
06:52Bago raw i-anunsyo ang kanyang appointment,
06:54kinausap ni Pangulong Bongbong Marcos E. Remulia sa Malacanang.
06:58Na sabi niya, yung accountability of public officers, pangalagaan mo talaga.
07:04At hinahanap ng taong bayan yan.
07:07At ako naman siyempre eh, yun naman ang hinahalap kong trabaho eh.
07:11Yun ang aking hiningin trabaho sa kanya.
07:12Kaya nagkasunod mo naman kami dyan sa bagay na yan.
07:15At marahang pag-iba na kinakailangang gampanan
07:19para mapabuti natin ang takbo ng ating bansa.
07:21Sinabi rin noon ni Remulia na kung magiging ombudsman,
07:25handa siyang bigyan ng akses ang media sa mga sal-e ng mga opisyal ng gobyerno
07:30basta't may safeguards sa data privacy law.
07:33Nais rin ni Remulia na makatuwang ang ordinaryong mamamayan
07:36sa lifestyle checks sa mga nasa gobyerno.
07:40Oras na umalis na sa DOJ si Remulia,
07:42tatayong officer in charge ng DOJ, si Undersecretary Frederick Vida.
07:47Nakadakdang manumpa bilang kapitong ombudsman ng Pilipinas si Remulia
07:51sa Webes.
07:52Magsisilbi siya ng fixed term na pitong taon
07:55o lalampasan pa ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos
07:58na nag-appoint sa kanya.
08:00Matatanggal lamang si Remulia sa pamamagitan ng impeachment.
08:05Para sa GMA Integrated News,
08:07Salima, na Fran, nakatutok 24 oras.
Comments