Skip to playerSkip to main content
Bine-verify pa ng gobyerno ang ulat na Pinoy ang dalawa sa tatlong nasawi sa pag-atake ng grupong Houthi sa barkong Eternity C sa Red Sea at kung hawak na nga ng grupo ang iba pang sakay nito. Nasagip naman ang walong iba pang Pilipinong sakay ng barko.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Vineverify pa ng gobyerno ang ulat na Pinoy ang dalawa sa tatlong nasawi sa pag-atake ng grupong Houthi sa barkong Eternity C sa Red Sea
00:09at kung hawak na nga ng grupo ang iba pang sakay nito.
00:13Nasa gip naman ang walong iba pang Pilipinong sakay ng barko.
00:17At nakatutok si JP Soriano.
00:18Kita sa videong inilabas ng grupong Houthi kung paano umano nila pinalubog ang bulk carrier na Eternity C sa Red Sea.
00:30Sa video namang inilabas ng isang maritime security firm, kita ang pag-rescue sa mga sakay ng barko.
00:37Mula sa dagat ay umakyat sila sa lubid na haddan ng isa pang barko at hinila ng mga tripulante nito.
00:44Mahigit 24 oras sila sa tubig ayon sa mga nag-rescue.
00:49Umakyat na sa walong Pilipino ang nailigtas ayon sa Department of Migrant Workers.
00:54Tugma naman ang itsura ng nasa video sa itsura ng Eternity C ayon sa Reuters News Agency
00:59at kinumpirma ng United Kingdom Maritime Trade Organization ang paglubog nito
01:04ayon sa Defense Attaché ng Pilipinas sa Baharing.
01:07Ayon kay Undersecretary Bernard Olalia, nakatanggap na rin sila ng report na Pilipino ang dalawa sa tatlong na iulat na namatay sa pag-atake bago pa lumubog ang barko.
01:18Pero sabi ni Migrant Workers Secretary Hans Kakdak sa Palacio,
01:22hindi pa nila alam kung ano ang lagay ng labing tatlo sa dalawamput isang Pilipinong sakay ng barko.
01:28Ang inaalam ngayon ng DMW kasama ang Department of Foreign Affairs
01:32ay kung totoo ang impormasyong galing umano mismo sa Houthi
01:36na hawak nila ang mga tripulanting sakay ng Eternity C na inatake nila.
01:41We have to confirm for ourselves whether indeed the Houthis have the rest of the crew.
01:50This is something that is yet subject to confirmation
01:53and we're working closely with the SECTES, Lazaro and the DFA along these lines.
01:58Nakausap na ng DMW ang kaanak ng mga Filipino seafarers na sakay ng Eternity C
02:04kasama ang manning agency at ship owners.
02:07Suspendido na aniya ang licensed manning agency sa Pilipinas ng Eternity C
02:12pati na rin ang principal o yung may-ari ng barko
02:15bilang bahagi raw ng pagpapataw ng paunang regulatory measure at investigasyon na ginagawa.
02:21Base sa mga nauna ng Department Order ng DMW,
02:24pinaiiwas na ang mga barkong magsasakay ng mga Pilipinong tripulante
02:28sa pagdaan sa Red Sea at Gulf of Aden.
02:32Pero ang lumalabas daw sa inisyal na impormasyong nakuha ng DMW,
02:36naglabas-masok ito sa mismong mga bahagi ng dagat na itinuturing ng delikado.
02:42Dalawang beses nag-traverse sa Red Sea
02:44kasi kung titrace mo yung rota niya ng Egypt to Somalia,
02:50that's one turn or one crossing across the Red Sea.
02:57And then bumalik ng Jeddah, so a second one.
03:01So at least two counts of violations of our rules and regulations.
03:04Hiningan namin ang pahayag ang manning agency ng Eternity C
03:08sa kanilang opisina sa Pilipinas
03:10pero ipauubaya raw muna nila ang anumang sagot at impormasyon.
03:14Sa DMW, para sa GMA Integrated News,
03:18JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended