Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
-Mag-asawang sakay ng kolong-kolong, patay matapos mabangga ng isa pang kolong-kolong at cloased van; 7-anyos na anak, nakaligtas


-Babaeng tumatawid sa kalsada, patay matapos mabangga ng truck sa Brgy. Tuliao


-18-anyos na masahista, patay matapos sakalin ng dating live-in partner na nagpanggap na customer/Suspek, nagawa raw ang krimen dahil hindi tanggap ang hiwalayan nila ng biktima


-Developer ng The Rise at Monterrazas, sinampahan ng mga reklamong kriminal ng DENR/ Developer ng The Rise at Monterrazas, itinangging nagputol sila ng mahigit 700 puno para sa proyekto


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:07Mayinit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
00:11Patay ang isang mag-asawa matapos maksidente,
00:13ang sinasakin nilang kolong-kolong sa Santo Domingo, Nueva Ecija.
00:18Chris, paano sila na disgrasya?
00:21Rapi nabangga sila ng isa pang kolong-kolong na minamaneho ng isa umanong lasing na driver.
00:27Sa investigasyon ng pulisya, binabaybay ng kolong-kolong na lulan ang mga biktima
00:31at kanilang 7 taong gulang na anak ang Maharlika Highway sa barangay Malayantok.
00:37Kasunod nila ang nakabanggang kolong-kolong na nagtangka umanong mag-overtake sa kanang bahagi ng kalsada.
00:44Unang nahagip ng kolong-kolong ang isang big bike bago bumangga sa sasakyan ng mga biktima.
00:50Sa lakas ng pagbangga, napunta sa kabilang linya ang sasakyan ng mga biktima
00:55at nasalpok ng kasalubong na closed van.
00:59Dead on the spot ang babae habang sa ospital na binawian ang buhay ang kanyang mister.
01:04Nakaligtas naman ang kanyang anak na nagtamu ng iba't ibang sugat sa katawan.
01:08Humingi ng tawad ang 43-anyos na driver sa kaanak ng mga biktima.
01:13Sinampahanan ng reklamo ang nakabanggang driver na nasa kustudiya pa rin ang pulisya.
01:18Dito naman sa pangasinaan, patay ang isang babae matapos mabanggan ng truck sa barangay Tulyao sa Santa Barbara.
01:26Ayon sa investigasyon ng pulisya, galing sa Kalasyao ang biktima na magjajaging sana.
01:31Posible raw na hindi napansin ang truck ang tumatawid noon ng biktima.
01:36Wala po sa pedestrian lane ng biktima.
01:38Dead on arrival ang babae sa ospital na nagtamu ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:43Nagkaroon na rao ng kasunduan ng kaanak ng biktima at driver ng truck.
01:48Wala silang pahayag.
01:51Ito ang GMA Regional TV News.
01:56May init na balita ng GMA Regional TV mula sa Visayas at Mindanao.
02:01Nasawi sa pananakal ang isang babaeng masahista sa Rojas Capiz.
02:06Sara, sino yung suspect sa krimen?
02:08Rafi, dati niyang live-in partner, ang lalaking umamin sa pagbatay sa 18 anos na masahista.
02:17Natagpuan ang katawan ng biktima sa banyo ng isang tuluyan.
02:21Dinla siya sa ospital pero nasawi habang nire-revive.
02:24Makalipas ang ilang oras, naaresto ang sospek sa Rojas City Airport.
02:29Kwento niya gumamit siya ng dummy account at kinontak ang biktima para kunwaring magpapamasahe.
02:34At doon niya ginawa ang pananakal.
02:37Nagawa niya raw iyon dahil hindi niya tanggap ang hiwalayan nila ng biktima.
02:42Naka-hospital arrest ngayon ang sospek na uminom ng lason matapos ang krimen.
02:47Disidido ang pamilya ng biktima na sampahan siya ng reklamo.
02:52Nagsampa ng mga reklamong kriminal ang Department of Environment and Natural Resources
02:56laban sa developer ng high-end residential project na The Rise at Monteraza sa Cebu City.
03:02Ang nasabing proyekto ang isa sa mga sinisisi ng mga residente sa matinding pagbaha
03:07nang manalasa ang bagyong tino nitong Nobyembre.
03:11Sabi ng DNR, nilabag ng developer ang revised forestry code.
03:15Sa inspeksyon ng DNR matapos ang bagyo,
03:18labing isang puno na lang daw ang naiwan mula sa mahigit pitong daang puno noong 2022.
03:24Nilabag din daw ng developer ang sampu mula sa tatlumput tatlong environmental compliance certificates nito.
03:30Sinisikap ang puna ng pahayag ang Mont Property Group, developer ng Monterazas Project.
03:37Dati na nilang pinabulaanan ang sinabi ng DNR na nagputol sila ng mahigit pitong daang puno.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended