00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Binaha ang ilang bahagi ng Pangasinan kasunod ng pag-apaw ng Marusay at Sinucalan River.
00:17Chris, kamusta ang mga residente?
00:21Connie, sa bayan pa lang ng Kalasyao dito sa Pangasinan, mahigit 15,000 pamilya na ang binaha.
00:27Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa ilang barangay, lampas tao pa ang tubig.
00:34Itinaas na ng mga residente ang kanilang mga gamit para hindi masira.
00:37May ilang residenteng nilusong ang baha, pero may ilang kumamit na ng bangka.
00:43Dito naman sa Dagupan City, bumabaha rin dahil sa pag-apaw ng Pantal Sinucalan River.
00:48Daang-daang residente na rin ang pinalikas.
00:51Sa Mangalda naman, bumaha rin dahil naman sa pag-apaw ng Payas Creek.
00:55Ayon sa opisyan ng barangay, hindi sila madalas bahain noon, pero naka-apekto raw sa daloy ng tubig ang ginagawang tulay doon.
01:03Inaayos na ang pagdadaluya ng tubig.
01:06Habang patay naman ang isang grade 11 student sa Plaridel, Bulacan, nang malunod sa Anggat River at kwento ng mga magulang na biktima,
01:15pauwi na ang 16-anyos na lalaki kasama ang kanyang pinsan at dalawang kaibigan.
01:20Dumaan sila sa ilog at doon siya tinangay ng malakas na agos ng tubig.
01:24Ligtas na nakatawid ang tatlo niyang kasama at pumingi sila agad ng tulong.
01:29Dalawang araw ang lumipas bago natagpuan ang kanyang katawan.
01:35Patay naman ang isang senior citizen na lalaki matapos mahulog mula sa tulay ang minamanehong tricycle sa Karanglan, Nueva Ecija.
01:43Huli kam ang insidente niyan sa barangay General Luna nitong Martes, kasagsaga ng pananalasa ng nagdaang bagyong nando.
01:50Kitang tumatawid ang tricycle sa binahang overflow bridge sa Sitio Dipaan hanggang sa mahulog ito.
01:58Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga otoridad para sa 67-anyos na driver.
02:04Natagpuan kahapon ang bangkay niya na palutang-lutang sa Sitio niya.
02:09Base sa investigasyon, pauwi na ang driver galing sa kanyang kaibigan nang mangyari ang aksidente.
02:14Ito ang GMA Regional TV News
02:20May init na balita mula sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
02:26Nawasak ang isang tindahan sa Sambuanga del Sur matapos mabagsakan ng malaking puno.
02:32Sara, may nasaktan ba?
02:35Rafi, hindi bababa sa dalawa ang sugatan sa pagbagsak ng puno.
02:40Damay sa insidente ang mga nakaparadang motorsiklo sa loob ng tindahan sa barangay poblasyon sa Dumingag.
02:47Batay sa investigasyon, nangyari yan kasunod ng malakas na ulan at hangin na dulot ng habagat at bagyong opong.
02:54Sa clearing operations, pinutol na rin ang dalaw pang puno na posible rin umanong matumba.
02:58Sa National Highway naman sa Barangay Montela sa Bayan ng Aurora,
03:03humambalang sa isang lane ng kalsada ang isang punong nabual dahil sa malakas na hangin at ulan.
03:08Nagsagawa na ng clearing operations ang mga otoridad.
03:12Isang puno rin ang nabual at humambalang sa bahagi ng kalsada sa Barangay Gapasan sa Bayan ng Suminot.
03:18Walang naiulat na sugatan.
Comments